6-ANYOS COMATOSE SA NGITNGIT NI INAY Ni Cherk Almadin Sa - TopicsExpress



          

6-ANYOS COMATOSE SA NGITNGIT NI INAY Ni Cherk Almadin Sa halip na magsilbing family reunion ang pagkikita-kita ng isang pamil­ya sa Araw ng mga Patay ay nauwi ito sa isang trahedya matapos na walang habasnahampasinng isang nanay ang kanyang anim na anyos na anak na lalaki dahil lamang sa nakalimutan ng huli ang ulam na sana ay kanilang pagsasalu-saluhan sa sementeryo kamakalawa ng gabi sa Malabon City. Hanggangngayonay hindi pa rin nagkakamalay ang biktimang si Gavin Rosano, anim na taong gulang, Grade 2 pupil, at kasalukuyang naninirahan sa Cons­tancia St., Bgy. Tugatog ng nasabing lungsod dahil sa malakasnapagkakapalo sa kanyang ulo ng isang ­folding chair na kagagawan ng kanyang sariling ina na nakilalang si Rebecca Rosano, 28, walang hanapbuhay ng parehong lugar. Sa inisyal na imbestigasyon ni PS/Insp. Marissa Santos, ng Women and Children’s Protection Desk (WCPD) ng Malabon City Police,naganapumano ang insidente dakong alas-siyete ng gabi sa Tugatog Cemetery nang kakain na ang magpamilya at hinanap ng ginang ang inihandang ulam na adobong baboy na ipinabitbit sa biktima. Dahil nakalimutan ang ulam ay binalikan ito ng ginang sa kanilang bahay subalit nang datnan nito ay kinain na umano ng pusa. Pagbalik nito sa semen­teryo ay agad nitong hinatak ang anak subalit nakawala at nagawa pa nitong magpahabol at magtago sa ina. Nang maabutan ito ng suspek ay agad nitong hinampas ng folding chair sa ulo ang bata dahilan upang agad itong mawalan ng malay. Labis naman ang pagsisi ni Rebecca at sinabing nabig­la siya sa kanyang nagawa. “Kasalanan ko ang lahat, dapat hindi ko siya sinaktan! ngayon ko lang siya nasaktan, siguro kasi pagod na pagod na rin ako at wala pa akong tulog, tapos gutom na gutom na kaming lahat kaya uminit ang ulo ko! Nag-aalala ako sa anak ko! sana ako na lang ilagay ng Diyos sa ganu’ng kalagayan tutal ako naman ang may kasalanan e, ako na lang ang sana mamatay huwag na ang anak ko!” ang walang tigil na hagulgol pang dagdag nito. Kasalukuyangnasa kus­todiyangMalabon Citydetentioncellang suspek at nahaharap sa kasong child abuse.
Posted on: Sun, 03 Nov 2013 11:48:10 +0000

Recently Viewed Topics




© 2015