Ako at ang Turismo! Ang Turismo ay isang akto ng paglalakbay para - TopicsExpress



          

Ako at ang Turismo! Ang Turismo ay isang akto ng paglalakbay para sa layunin ng Rekreasyon, at ang paghahanda ng serbisyo para dito. Ito ay ang pagtungo sa ibat-ibang lugar ng pilipinas at mga Rehiyon nito upang makita nila kung gaano kaganda ang isang bayan na bumubuo ng isang probinsiya. Tinatawag na turista ang sinumang naglalakbay ng 50 milya (80.5 kilometro) na layo mula sa kanyang tirahan. (Base sa World Tourism Organization ) isang katawan ng Mga Nagkakaisang Bansa. Ang kumpletong kahulugan ng turismo ay ang Industriyang Serbisyo (Industrial Services) kinabibilangan ito ng mga ilang nahahawakan at di-nahahawakang sangkap. Ang mga elementong nahahawakan ay ang mga sistema tulad ng transportasyon sa himpapawid, riles, kalye, at pantubig. Kasama ng elementong nahahawakan ay ang Serbisyong maasikaso (Attentive Services) tulad akomodasyon, pagkain at inumin, palilibot, mga subenir; at iba pang kaugnay na serbisyo katulad ng pagbabangko, seguridad at kaligtasan. Kabilang naman sa mga di-nahahawakang elemento ang pamamahinga,kultura (culture), scaping, adventure, mga bago at lumang mga karanasan. Ang Department of Tourism (DOT) ang pangunahing ahensiya ng pamahalaan na may tungkuling hikayatin, palaganapin, at paunlarin ang turismo bilang pangunahing panlipunan at pangkabuhayang gawain upang makalikom ng banyaga/local na pananalapi at makalikha ng trabaho. Layunin ng ahensiya na ipamahagi ang mga benepisyo ng turismo sa mamamayan o kaya kapuwa pribado at publikong sektor. Ito’y ayon sa kanilang: Mission: Nakaatas sa Kagawaran ng Turismo ang magkaroon ng pananalapi at paggawa mula sa ibang bansa, at palaganapin ang benepisyo ng turismo sa mas malawak na bahagi ng populasyon nang may suporta, tulong at kooperasyon ng kapwa pribado at publikong sektor; at tiyakin ang ligtas, maginhawa, at kasiya-siyang pamamalagi at paglalakbay ng mga dayuhan at maging ng mga kapwa Pilipino sa Pilipinas. Vision: Layunin ng Kagawaran ng Turismo ang magkaroon ng mas madaling paraan upang mapuntahan ang mga desitnasyong lakbayin, gumawa ng mas dekalidad at mas murang mga produktong panturismo, palaganapin ang isang kultura ng turismo sa mga mamamayang lokal, at palakihin ang pagkilala sa turismo bilang isang mabisang kasangkapan para sa sosyo-ekonomikong pagpapaunlad ng Pilipinas. Mayroong tatlong estratehiya ang DOTupang maisakatuparan ang hangaring mapasigla ang pagbisita ng mga turista sa bansa. Una, Pagde-develop at pagsusulong sa mahuhusay na produktong pang-turismo at destinasyon. Pangalawa,pagpapabuti ng market access, connectivity at imprastruktura sa mga destinasyon at Pangatlo, Ang pagpapabuti ng institutional governance at human resources. Nakikipagtulungan ang DOT sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno, at sa mga lokal na pamahalaan at pribadong sector. Hinihimok nila ang mga lokal na pamahalaan na paunlarin ang kani-kanilang lugar at buksan ito sa turista. Hinihikayat din nila ang mga pribadong sektor na magkaloob pa ng karagdagang investments. Ang turismo ay isang pangunahing sangkat sa pag-unlad ng ekonomiya. Ito rin umano ay maaaring maging pangunahing pagmumulan ng mga proyekto at inisyatibo kung saan ang isang Bayan/Syudad ay nagtataglay ng may malaking potensyal sa larangan ng turismo na nararapat lamang pagtuunan ng pansin at paunlarin. Ang tourism code, ang nagsisilbing blueprint tungo sa pagsulong ng turismo at iba pang may kaugnayan sa industriya at siyang nagbibigay daan sa lokal na pamahalaan na maging isang major tourist destination at makapaghihikayat ng mga foreign at lokal na turista.Malaki ang maibibigay nitong oportunidad sa trabaho, at mga programang pangkabuhayan at magbibigay daan sa paglikha ng mapagkikitaan ng mga mamamayan. Ang lokal na pamahalaan din sa bawat Bayan/Syudad ay may kapangyarihan na mangasiwa at magsulong ng turismo para sa mga mabisa at epektibong pagpapatakbo ng industriya ng turismo sa kapakanan ng mga tao. Subalit, Kung ito’y patuloy na panghihimasukan ng mga taong nais lamang isulong ang pansariling interes dahil lamang sa nakaupo sa mas mataas na posisyon. Ano pang naghihintay na Kaunlaran sa Bawat Bayan o Syudad? Ano pang naghihintay na oportunidad at trabaho sa kanilang mga nasasakupan? Paano pa maisusulong ang mga Programang Pangkabuhayan para sa kanilang mga nasasakupan? Paano sila makakalikha ng mapagkakakitaan para sa kanilang mga nasasakupan? Ito na nga ba ang makabagong promotion ng Turismo ang alisan ng Karapatan ang Lokal na Pamahalaan ng bawat Bayan/Ciudad at tumalima na lamang sa iginigiit ng isang naghahari-harian sa Pwesto. Nasaan na ang VISION, Ang MISSION ng DOT? Maisasakatuparan pa kaya? Naisakatuparan ba ang magkaroon ng Pananalapi? Nasaan ang sinasabing ang Turismo ay INCOME GENERATING? Meron ba…o sadyang PAGWAWALDAS lamang. Tsk, Tsk, Tsk…Ito na marahil ang kabayaran ng mga Alkaldeng humingi ng suporta sa kanilang kandidatura ng mga nakaraang halalan at sa paraang ito dito binabawi ang kanilang kabayaran. Kawawang Juan, NAPAGLALALANGAN…Kawawang MGA Bayan walang KALAYAAN sa SARILI nilang BAYAN….
Posted on: Fri, 20 Sep 2013 12:39:51 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015