Ang mga lalaki ganito: ANG MGA LALAKI Ang mga lalaki DIREKTA - - TopicsExpress



          

Ang mga lalaki ganito: ANG MGA LALAKI Ang mga lalaki DIREKTA - Direct sila kung magsalita. Pag ayaw nila sa isang tao sasabihin nila agad. Hindi katulad ng mga babae na papaikutin pa o didibdibin. Kaya di ako nagtataka kung may mga taong mas gusto nilang “bestfriend” ang lalaki dahil diretso kasi kung magsabi. Tsaka walang arte arte, walang drama drama. Ang mga lalaki MOODY - Gaya din ng mga babae. Moody sila pero hindi pinapahalata. Naiinis na yan pero hindi nila kayang ipakita, nalulungkot pero hindi pinahalata. Smile smile lang. Ang mga lalaki MAS - Mas? Mas seloso, mas sensitive. Kung ang mga babae napakaselosa. Kaming mga lalaki mas napakaseloso. Ayaw namin yung nagkwekwento sila tungkol sa mga ex nila dahil nagseselos kami. Ex na nga di ba babe? Ang mga lalaki MAGALING MAGTAGO - Magtago ng babae? Biro lang. Magtago ng emosyon. Umiiyak din kami oy. Kala niyo hindi? Hindi lang pinapahalata kase may “ego” kami. Ang mga lalaki ayaw sa PAKIPOT - Ayaw namin yung babae na sobra kung makapagisip kung ayaw ba kami o hindi. Nagiging paasa e. Sige nga sino ba gusto ng paasa? Hindi na lang sabihin kung ayaw o gusto para di kami nagiisip. Ang mga lalaki MABABAW ANG KALIGAYAHAN - Natutuwa kami sa mga babaeng maeffort. Yung kakantahan kami bago matulog. Yung ipapagluto kami. Sa simpleng effort na yun natutuwa kami. Kinikilig din naman kami. Ang mga lalaki MATIPID KUNG MAGSALITA - Hindi sila madaldal. Hindi makwento o masalita. Tama na yung mga salitang oo,hindi,pwede. Pinoy henyo lang. Pero pag nagsalita sila makahulugan minsan nga may laman pa at mapapaisip ka. Ang mga lalaki MAPRIDE - Oo kami na ang mapride. Ganon talaga. Hindi na maalis sa amin yun. Natural na. Tulad niyong mga babae. Hindi maalis sa inyo ang pagiging maarte. Pero wala namang masama kung kahit minsan ibaba namin ito. Ang mga lalaki NAGIGING SERYOSO SA TAONG GUSTO - Nagiging seryoso kami sa taong gusto namin. Ay mali. Sa taong mahal namin. Mas nagiging seryoso kami pag pinakilala kami sa magulang ng babae. Pangarap namin yun. Ang mga lalaki LIKAS NA MAPAGMAHAL - Oo sabihin na natin na ang daming babae ang umiiyak ngayon. Pero di ba nila alam na kami din nasasaktan? Oo kayo ang unang nagmomove on pero kami mas matagal pa. Sabihin niyo na nambabae kami kaagad pero ginagawa lang namin yun para makalimutan namin kayo. Nagagawa nga naming magsinungaling dahil mahal namin kayo. Ang mga lalaki ganito, ganyan. Kelangan ko pa bang iexplain kung bakit kami ganito? Pero isa lang naman ang alam ko. Ang mga lalaki hindi pare pareho gaya ng iniisip mo. - CREATOR
Posted on: Fri, 01 Nov 2013 14:24:15 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015