Ang sarap sa pakiramdam na may good samaritan pa talaga. Not just - TopicsExpress



          

Ang sarap sa pakiramdam na may good samaritan pa talaga. Not just one, But four na mbabait na tao . May mabait pa palang mga tao. Di tuloy ako nahirapan sa MGA dala ko kanina. :))) Isang guard sa mrt tinulungan ako paakyat sa station dinala nia lahat ng dalahin k hanggang sa pila. 2 lalaki na tinulungan ako mkipagsiksikan sa loob ng mrt at habang dala nila yung mga bagahe ko na kahit lumagpas sila sa station na bababaan nila ok lang daw babalik na lang daw sila, at isang lalaki na tinulungan ako pababa ng mrt gang sa makasakay ulet ako, na binitbit din mga dala ko na sobra daw talagang bigat. Wala lang ang sarap lang sa pakiramdam talaga.:) Yung mga taong hindi man pormado ang porma (as in hindi po nakakurbata o corporate attire dahil sila ay guard, 2 construction worker at isang sales clerk sa landmark yta dhl nkita ko sa uniform nya.. at hindi mamahaling gadget ang hawak na katulad ng ibang maangas sa mrt HAAHA.) pero may concern sila sa ibang tao. Yung ugaling hindi kaya bilhin ng mga taong muka nga respetado sa pananamit at mayaman tgnan dhl sa naglalakihang gadgets na dala, angas lang naman ang meron sila:) Napaisip ako habang nagpapaalam sila na sila ang totoong mayaman sa mgndang ugali:) Natuwa lang talaga ko.--naishare lang po:))
Posted on: Sat, 07 Sep 2013 15:54:07 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015