CLARK AIR BASE, Pampanga, Hulyo 1 (PIA) -- Ginarantiya ni - TopicsExpress



          

CLARK AIR BASE, Pampanga, Hulyo 1 (PIA) -- Ginarantiya ni Pangulong Benigno Aquino III ang pagbili ng mga state-of-the-art na kagamitan para sa Philippine Air Force (PAF) bago matapos ang kanyang termino sa 2016 upang mas maprotektahan ng mga ito ang himpapawid ng kapuluan. Sa kanyang talumpati sa ika-66 anibersaryo ng PAF na idinaos sa Clark Air Base, inilahad ni Aquino na kabilang sa mga bibilhin ang lead-in fighters, long-range patrol aircraft, close air support aircraft, light-lift fixed-wing aircraft, medium-lift aircraft, attack helicopters, combat utility helicopters, air defense radars, at flight simulators. Kukunin ang ponding pambili sa mga kagamitang ito mula sa 75 bilyong pisong pondo na inilaan ng New Armed Forces of the Philippines Modernization Act. Sinabi ng Pangulo na nananalig siya na sa pagsasanib ng mga pagkilos ng pamahalaan upang gawing mas moderno ang pangangailangan at ang panibagong dangal at kumpiyansa ng taumbayan sa mga sundalo ay talagang magiging abot-langit ang serbisyong hatid ng Hukbong Himpapawid ng Pilipinas. Pinuri ng Commander-in-chief ang PAF pagkat ayon sa Department of Budget and Management ay nakapagtala ito ng 99.6 porsyentong financial obligation efficiency. Binati rin ni Aquino ang 410th Maintenance Wing (MW) sa pagiging ISO-certified at sa matagumpay nitong pagkumpuni sa C-130 #3633. Itinatag ang PAF noong ika-isa ng Hulyo 1947- dalawang taon matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ito ay hinubog mula sa Philippine Army Air Corp na itinatag noong 1941. Naka-angkla ang selebrasyon ngayong taon sa temang “Makabagong Lakas, Matatag na Bukas.” (WLB/CLJD-PIA 3)
Posted on: Tue, 02 Jul 2013 06:42:57 +0000

Trending Topics



e="min-height:30px;">
Clearance Deals on Melissa Joy Manning Crystal Drop Necklace
v>

Recently Viewed Topics




© 2015