Ganito kasi yun, nagsimula kasi to sa debut nung kaibigan ko just - TopicsExpress



          

Ganito kasi yun, nagsimula kasi to sa debut nung kaibigan ko just a few weeks ago. Hindi ko naman aakalain na makikita ko dun ung ex ko kasi parang nakalimutan ko din na kaibigan nya din pala ung mag ce-celebrate nung debut. First, d ko naman ineexpect na may babaeng magpapatingin sakin ng ganun. Buong duration nung debut, napapatingin lang talaga ako sakanya kasi sh*t ang ganda nya, nkakaagaw pansin talaga siya nun. Sakto alam ng mga kaibigan kong ex ko siya kaya pinagtritripan nila ako. Naging ex ko siya nung grade 6 ako (hahahaha mejo batang malandi sorry) konting side story lang, mejo tahimik lang kami nung grade 6 kami, walang kilig factor walang away walang usap din text lang talaga palagi. Making the story short, feel ko nagugustuhan ko na ulit siya at ang mali dun may girlfriend ako. Wala namang away or anything wrong sa relationship namin ng girlfriend ko ngayon pero yun nga hindi ko rin alam kung bakit nagugustuhan ko ung ex ko ngayon. Pero the night before nung debut, kinukulit ako ng mga kaibigan kong makipicture ako sakanya for remembrance and uploading purposes lang tas todo iwas ko sakanila tapos at point sige pagbigyan sila ganun edi may picture na kami sobrang daming capture nung phone nung kaibigan ko. Odi un tapos na ung debut, nagsisisuwian na lahat, naiwan ako ksama ung mga iba ko pang kaibigan, edi kinakantsaw nila ako na hatid mo naman siya ganun ganun, edi sbi ko sige hatid lang naman, pero hindi ko siya hinatid, kami lang ung natira dun sa labas ng hotel kasi hinintay namin makasakay lahat ng nag hihintay para walang nag aagawan sa taxi. So un umabot na nagkwkwentuhan na kami kung kamusta siya ganun, tas sa isip isip ko shocks ngayon ko lang sya nakausap ng ganito ah tapos un. Edi tinanong ko kung dun parin sya sa dati nakatira tapos dagdag ko alam ko lang ksi syempre dati dba hehe tas nagulat ako nung binatukan nya ako parang napangiti pa ako kasi sa pagkakakilala ko skanya hindi siya ganun. Tapos pinarahan ko na siya ng taxi para makauwi na siya, minemorize ko ung plate no. nung taxi tapos sinend ko dun sa kaibigan namin kasi wala naman akong number nya. Tapos un, kilig na kilig ako kasi parang ngayon lang talaga ako kinilig skanyang ganun, alam ko medo mababaw at sawa na kayo sa mga ganitong kwento pero wala na kasi ako mapagsasabihang iba kasi lahat naman sila pagtritripan lang ako or aasarin or tatawaging malandi. Few days later, nakakasama namin siya pag breaks kasi tinatawag siya ng mga kaibigan ko. Edi para hnd obvious na nagkakagusto ako sakanya, pinapabayaan ko lang. Ilang days naging ganun, hanggang sa point na hindi ko na talaga kayang itago. Kasi lately na-fifeel ko din na parang siya din merong nararamdaman pero syempre ayoko naman mag expect. Kinausap ko na ung kaibigan ko na nag-debut kasi close sila nung ex ko. Madami kaming similarities, as in sobrang dami kaya natutuwa talaga ako. Sabi ko sakanya sabihin mo na kinilig ako skanya etc etc. alam nyo na un, tapos nalaman ko din na siya din pla ganun nararamdaman pero tintigilan nya kasi alam nya ung possibleng mangyari pag tinuloy nya. Odi ganun na ung sitwasyon alam na naming dalawa pero hindi namin alam na alam naming dalawa hahaha, odi ganto dumating na sa point break ko at break nya at nagkasama nnmn ung mga kaibigan ganun tapos pumasok na ung iba kaming 3 nlng natira. Dumating na sa point na iniwan kami nung isa namin kaibigan at kami nlng dalawa natira. Tapos un, regular conversation, eye-to-eye contact. tawanan tapos inopen up ko na ung topic nakakainis ka ngay kasi tapos sbi nya bakit naman tapos un inadmit ko sakanya na kinikilig talaga ako sakanya d ko alam bakit, d ko alam kung bakit siya ganun makatingin sakin, d ko alam kung bakit na-aattract mo ko sa lahat ng oras ngayon pa, lagi naman kitang nakikita nung 1st yr 1st and 2nd sem but this sem is different ine-numerate ko lahat ng bagay na nararamdaman ko sakanya, and few moments later nalaman ko din na siya din pala, kinikilig talaga din. Ngayon hnd ko alam ang ggwin ko, ayoko namang may masaktang tao pero grabe kasi ngayon pa. Nag-usap kaming tigilan namin tong mga nararamdaman namin para walang masaktan sabi ko sige pero sh*t ang hirap eh. Lagi ko siyang nakikita, sabi ko sa sarili ko ayoko siya makita para hnd na lumala to pero punyemes araw-araw nakikita ko siya kasi subject nila dun sa klase namin before kami. Sa totoo lang naiinis talaga ako sa sarili ko ngayon kasi ngayon pa dumagdag to sa mga problema ko. Im not one of those men who just decides quickly without any conscience. Magkatext kami actually for the past few days na, wala namang landian or anything, puro regular conversations lang or topics. Pero nagtext ung isa kong kaibigan sakin ng May balak ka bang saktan si *insert name here*? nakakainis kasi hindi ko alam kung paano ko sasagutin ung tanong na un. Sorry if this post is too long, alam kong boring pero okay na ung naishare ko ung experience ko sa mga ganitong bagay. I will accept negative comments or arguments against this statement. Thank you. -Nalilitong X, 2nd, S***, 213*****
Posted on: Sun, 01 Dec 2013 14:36:51 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015