IAPAdamag Sept. 9, 2013 SANGGOL NILUNOD NG NANAY NA BAON SA - TopicsExpress



          

IAPAdamag Sept. 9, 2013 SANGGOL NILUNOD NG NANAY NA BAON SA UTANG, SABAY SUICIDE GUIMBA, Nueva Ecija --- Tila napraning ang isang nanay sa sobrang kahirapan na nararanasan sa buhay kaya ito ay nagpatiwakal noong nakaraang Huwebes sa Bgy. Triala rito makaraang lunurin sa timba ng tubig ang tatlong buwang gulang na anak. Sa ulat ni P/Chief Insp. Felix Castro sa tanggapan ni P/Sr. Supt. Crizaldo Nieves, Nueva Ecija police director, nakilala ang nagpatiwakal na si Cristina Regacho Eugenio, 35, taga-Bgy. Triala, na nagbigti kung saan meron pang nakatarak na patalim sa dibdib nang matagpuan. Sa pagsisiyasat ni PO2 Jaycee Toribio, alas-singko ng madaling-araw nang matagpuan ni Randy Ricafort Eugenio ang kanyang hipag na nagbigti sa abandonadong bahay kung saan nakalubog din sa timba ng tubig ang bunsong tatlong buwang gulang na sanggol na si Miko Eugenio. Ayon sa mga kaanak, ang labis na kahirapan ang nagtulak sa ginang sa ginawang krimen dahil ma­ging ang panganay na anak na si Mickey ay binilinan na magsumikap na buhayin ang tatlong iba pang mga kapatid dahil hindi na umano maalpasan pa ang pagkakalubog nila sa mga utang. Maging ang mister na si Emil Eugenio, 38, magsasaka, ay binilinan din umano ng ginang na arugain ang mga maiiwang anak. -------------------------------------- source: abante news online
Posted on: Mon, 09 Sep 2013 02:43:27 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015