●/ Indonesian flight attendant, kulong ng 2 taon sa /▌ - TopicsExpress



          

●/ Indonesian flight attendant, kulong ng 2 taon sa /▌ tangkang paggahasa sa Pinay / Written by Leizl Galan Published in Latest News Saturday, 06 July 2013 12:10 DUBAI - Hinatulang makulong ng dalawang taon ang Indonesian flight attendant na tinangkang gahasain ang katrabahong Pinay sa Dubai, United Arab Emirates. Inatasan din ni Dubai Court First Instance Judge Mohammad Jamal ang akusado na pinangalanan lamang na M.H. na magbayad ng kompensasyon sa Pinay. Ipapa-deport din ito kapag natapos na mapagsilbihan ang sentensiya laban sa kaniya. Ayon sa 28-anyos na Pinay, tinanggap niya ang imbitasyon ng kasamahan na mag-inuman sa tinitirhan nito pero nang nakainom ay tinangka siyang halayin ng Indonesian subalit nanlaban siya at nakahingi ng tulong. Nabatid na ang biktimang Filipina ay bestfriend ng kasintahan ng nabanggit na Indonesian. (Gulf News) - See more at: bomboradyo/news/latest-news/item/11071-indonesian-flight-attendant-kulong-ng-2-taon-sa-tangkang-paggahasa-sa-pinay#sthash.W0vwkR9s.dpuf Admin MJ
Posted on: Sat, 06 Jul 2013 08:20:00 +0000

Trending Topics




© 2015