Kris Aquino mag-aasawa ng gurang by PAPAK!/ABE PAULITE NATAWA - TopicsExpress



          

Kris Aquino mag-aasawa ng gurang by PAPAK!/ABE PAULITE NATAWA kami sa biruan nina Kris Aquino at ang kanyang guest na si Juda Liu, owner ng Costa Brava Cupcakes sa kanyang “KrisTV” show last Thursday episode. Magpahanap ba naman si Kris ng mapapangasawa sa kanyang kausap at kahit daw biyudo ay okey na sa kanya. At since stockbroker ang mister ni Juda, gusto na rin daw ni Tetay ng ganong lalake na ang work ay stockbroker din. “Tita, willing ako sa stockbroker ah. Hanap niyo ako ng husband tapos call me,” pabirong pakiusap ni Kris. “Pero ayaw mo ng widower?,” balik tanong ng kanyang bisita. “Gusto ko, Tita. Payag ako diyan. I like that. I like biyudo. Tita, walang prenup ah. Baka hingan niya ako ng prenup ah. Walang prenup, di ako pipirma. Kaso baka ‘yung mga anak niya magalit sa akin,” ayon sa Queen of All Media habang panay ang tawa. Pero hindi biro yong sinabi niyang meron siyang suitor ngayon ngunit sa text lang sila nagko-communicate. Busy daw siya lagi kaya walang panahon sa mga ligawan. Suhestiyon ng kanyang anak na si Bimby, sa matanda raw siya dapat makipag-date para walang kiss. Pahawak-hawak lang daw ng kamay kapag matatanda na. Marunong ang batang ito, huh! Hehehe! *** Magaling na singer itinakwil ng magulang nang malamang may boyfriend na Unica hija ang baguhang female recording artist ng mag-asawang negosyante, na ang tatay ay kapatid ng sikat na singer/actress. Parehong mabait ang mga magulang niyang ito. Suportado siya sa lahat ng kanyang mga ginagawa. Kaya lamang lately nang malaman nilang meron na siyang boyfriend, galit na galit daw si fadir, halos itakwil daw nito ang anak na singer. Mabuti na lamang at hindi nito inilabas ang iba’t ibang klaseng kalibre ng baril para ipantakot sa siyota ng kanyang anak. Sa ngayon ay wala nang natatanggap na suporta mula sa kanyang parents ang magaling na singer. Kaya kung noon ay kaliwa’t kanan ang show ng huli, ngayon ay zero. Waley na. Ang kanyang matandang manager na nagagalit kapag napapalapit sa ibang press people ang talent niyang ito ay hindi naman siya mabigyan ng project. Puro lang pagka-casino ang inaatupag nito. Lintian! *** Gov Vi, may sorpresa sa fan ngayong Sabado sa Wish Ko Lang Abala man siya sa kanyang mga tungkulin sa harap at likod ng camera, hindi palalampasin ni Ate Vi na maglaan ng oras para sa isang tagahanga. Makikilala na ng isang longtime fan ang kanyang nag-iisang idol sa Wish Ko Lang. Binawi man ng isang malubhang karamdaman ang lakas ni Lola Elvira, susubukan ng “Fairygodmother ng Bayan” na si Vicky Morales na ibalik ang sigla ni Lola Elvira noong siya’y Sweet 16 pa. Panoorin ang naka-aantig na pagkikita ni Lola Elvira at ng nag-iisang Star for All Seasons ngayong Sabado, Setyembre 14 sa Wish Ko Lang, 4:30PM sa GMA. admin xcrid
Posted on: Fri, 13 Sep 2013 16:24:38 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015