LECTURE # ANG MGA KABIHASNAN SA MESOAMERICA AT SOUTH AMERICA - TopicsExpress



          

LECTURE # ANG MGA KABIHASNAN SA MESOAMERICA AT SOUTH AMERICA Mesoamerica – ay hango sa katagang meson a nangangahulugang gitna. Ito ang lundayan ng mga unang kabihasnan sa America. Ang Mesoamerica o Central America ay ang rehiyon sa pagitan ng Sinaloa River Valley sa Gitnang Mexico at Gulf of Fonseca sa katimugan ng El Salvador. Sa kasalukuyan, saklaw ng Mesoamerica ang malaking bahagi ng Mexico, Guatemala, Belize, El Salvador at kanlurang bahagi ng Honduras. Sa Yucatan Peninsula (Veracruz) ang mga sinaunang tao ay nagtanim dito ng mais at iba pang mga produkto sa matabang lupain. Bundok Andes – dito nagsimula ang mga kabihasnan sa South America. Hindi naging hadlang ang anyo ng isang lugar upang malinang ang kabihasnan ng mga Maya, Aztec at Inca. Espanya o Spain – ang bansang nakatalo sa kabihasnang Aztec at Inca. MGA ILOG 1. Pánuco 2. Santiago 3. Amazon MGA OLMEC Olmec – ang katagang ito ay nangangahulugang rubber people dahil sila ang kauna-unahang taong gumamit ng dagta ng mga punong rubber o goma. Kauna-unahang kabihasnang umusbong sa Central America. Ito ay isang pamayanang agricultural. May sistemang irigasyon, nakagawa ng mga kalendaryo, gumamit ng isang sistema ng pagsulat na may pagkakatulad sa hierogliphics ng Egypt ngunit hindi pa lubos na nauunawaan ang kanilang pagsulat, nakalinang ng katangi-tanging akda ng sining at nauunawaan ang konsepto ng zero sa pagkukuwenta. Kilala din sila sa paglilok ng mga anyong ulo na yari sa bato. Pok-ta-pok – panritwal na laro na tila kahalintulad ng larong basketball subalit ang mga manlalaro ay hindi maaaring gumamit ng kamay upang hawakan ang bolang yari sa goma. Jaguar – ang pinakakatakutang maninila (predator) ay mahalaga sa mga Olmec dahil ito ay nagpapakita ng lakas, katusuhan at kakayahang manirahan saan mang lugar. Ito rin ay agresibo at matapang kung kaya sinasamba ang espiritu nito. San Lorenzo at La Venta – ang mga sentro ng kabihasnang Olmec. MGA TEOTIHUACAN Isa sa mga pinakamalaking lungsod Teotihuacan. Ang katagang Teotihuacan ay nangangahulugang tirahan ng diyos. Isa sa kanilang ginawa ay ang Pyramid of the Sun. Ang mga piramide, liwasan at lansangan ay nagbigay ng karangyaan , kadakilaan at kapangyarihan sa lungsod. Nokontrol din nila ang malaking bahagi ng Lambak ng Mexico. Matagumpay na pinamunuan ng mga dugong bughaw ang malaking bahagdan ng populasyon. Obsidian – isang maitim at makintab na baton a nabuo mula sa tumigas na lava. Quetzalcoatl – ang Feathered Serpent God. MGA TOLTEC Ang Tula ang pangunahing lungsod ng kanihasnang Toltec. Ang kanilang kultura ay pinaniniwalaang nagmula sa kulturang Teotihuacan. Ang kauna-unahang hari at tagapagtatag ay si Chalchiuh Tlatonac. Ang mga pinuno ay pinaniniwalaang diyos tulad ni Quetzalcoatl. Ito ay sinalaky ng mga Aztec kung kaya malaking bahagi ng mga kasangkapan ng Toltec ay nasira at tanging sa mga alamat lamang na hango sa mga sumunod na kaihasnan at batay sa mga panulat ng mga Aztec nagkaroon ng kaalaman sa kanila. KABIHASNANG MAYA (Timog ng Mexico, Guatemala at Honduras) Namayani ang kabihasnang Maya sa Yucatan Peninsula (Mexico, Guatemala, Honduras). Pinalawig ang mga pamayanang urban na sentro rin ng kanilang pagsamba sa kanilang mga diyos. Nakagawa sila ng mga piramide. Nanirahan sa maliliit na pamayanan at nagsaka. Halach Uinic o tunay na lalaki – tawag sa mga pinuno. Pok-ta-pok – tulad ng laro ng mga Olmec, ito ang paboritong laro ng mga Maya. KABIHASNANG AZTEC (Mexico) Mga nomadikong tribo na ang pinagmulan ay hindi tukoy. Ang Aztec ay nangangahulugang isang nagmula sa Aztlan. Tenochtitlan – ang punong lungsod ng mga Aztec, isang maliit na isla sa gitna ng lawa ng Texcoco na makikita sa sentro ng Lambak ng Mexico. Chinampas – patanimang nakalutang sa sapa o lawa. Ito ay artipisyal na pulo na kung tawagin ay mga floating garden sa gitna ng lawa. Quetzalcoatl – ang diyos ng mga Aztec. Montezuma II – ang pinuno ng mga Aztec ng dumating ang mga Espanyol. Hernando Cortez – mula sa Espanya at tumalo sa mga Aztec dahil napagkamalan ng mga Aztec na bumalik na sa kanila ang kanilang diyos na si Quetzalcoatl. KABIHASNANG INCA (Peru) Ang pamayanang ito ay umusbong sa kasalukuyang Peru, Bolivia at Ecuador. Nanirahan ang mga Inca sa hilagang-kanlurang bahagi ng Lake Titicaca sa matabang lupain ng Lambak ng Cuzco sa pamumuno ni Manco Capac. Ang salitang Inca ay nangangahulugang imperyo. Tinawag na Siyudad ng Araw ang kanilang imperyo at ang mga Inca ay tinawag ang kanilang sariling Children of the Sun. Manchu Piccho – ang sinaunang lungsod. Cusi Inca Yupanqui o Pachakuti – pinatatag niya ang lipunan ng mga Inca sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang sentralisadong estado. Topa Yupanqui – pinalawig ang imperyo hanggang hilagang Argentina, bahagi ng Bolivia at Chile maging ang Chimor o Chimu na pinakamatinding katunggali ng mga Inca. Huayna Capac – nasakop niya ang Ecuador. Tupac Amaru – huling pinuno ng mga Inca. Temple of the Sun – ginawa ng mga Inca na halos nababalot ng gold plate. Sa labas ng temple may mga estatwang gawa sag into at naglalarawan ng mga Gawain sa buhay ng mga Inca. Francisco Pizarro – ang Espanyol na nanakop sa mga Inca.
Posted on: Tue, 30 Jul 2013 10:42:34 +0000

Trending Topics



"margin-left:0px; min-height:30px;"> Holiday Deals Golden Fluid Acrylic 1/2Oz Set Of 8 Christmas Gift
Whirlpool GSF26C4EXS Gold 26.4 Cu. Ft. Stainless Steel
So today at work right after I almost broke my knee lol my day
Oooooohwheeeeeeee!!! Guess what guy just got ahold of a Claude
O drama da família do carvoeiro "libertado" Trabalhador que era

Recently Viewed Topics




© 2015