Lahat na lang ng naging presidente sinasabi na walang - TopicsExpress



          

Lahat na lang ng naging presidente sinasabi na walang kaibi-kaibigan at kamag-anak na papaboran at mangingibaw pero lahat sila bigo sa pagpapatunay nito. Take note wala exception. Pag kaibigan ang inilagay mo sa pwesto mahihirapan kang tanggalin kasi masisira pagkakaibigan nyo kaya ang solusyon mag-appoint ka ng hindi mo kaibigan. Dyan papasok ang ibig sabihin na professionalization ng government service at para din sa ganun hindi masasayang ang pagsusumikap ng isang kawani ng gobyerno na nagtatrabaho ng husto at nagpapakatino. Iyan ang reward sa lahat ng yan. Kung talagang gusto mong magpasok ng kaibigan pagumpisahin mo sa baba para sa ganun malasap nya ang pagsusumikap pra tumaas. Yan din kasi ang ginagawa ng maraming kawani ng gobyerno na nakakalimutan na..dahil panahon na naman ng budget sana ay meron isang mambabatas na gunawa ng panukala na pataasin ang sweldo namin mga kawani ng gobyerno dahil ang matuwid na daan ay makakamtan lamang kung mabibigyan ng magandang edukasyon ang aming mga anak , hindi kailangan tipirin ang aming mga sikmura, at sa tuwing magmo-mall ang pamilya ay hindi mo kailangan sabihin sa anak mo na "pag nagkapera na lang tayo anak"...
Posted on: Mon, 02 Sep 2013 23:15:32 +0000

© 2015