MABAGAL NA LOLA, TINADYAKAN NG TSUPER, LAGLAG SA JEEP (Cherk - TopicsExpress



          

MABAGAL NA LOLA, TINADYAKAN NG TSUPER, LAGLAG SA JEEP (Cherk Almadin) Tuluyannanghindinakapaglakadnang maayos ang isang lola ng walang awa siyang tadyakan ng nainis na jeepney driver na sinakyan nito sa Caloocan City kahapon ng umaga. Dahil sa malakas na pagkakasipa sa balakang ay nahirapang maglakad si Salome Cresencio, 83, tindera, taga-Package 3, Bgy. 176, Bagong Silang, Caloocan City dahil sa tina­mong bali sa tadyang ng walang respetong tadya­kan ng suspek na si Allan Dabong, 27, jeepney drive­r, taga-Phase 1, Packag­e 1, Bgy. 173, Caloocan. Sa inisyal na imbestigasyon ng Women and Children’sProtection Desk (WCPD) ng Caloocan City Police Sub-Station 3 partikular na ni PO3 Norman Briones, ganap umanong alas-kuwatro ng madaling-araw nang sumakay ang matanda sa pampasaherong jeep ng suspek. Ilang saglit lang ay pumara na ito at dahil matanda na ay mabagal nang kumilos dahilan upang mag-init ang ulo ng suspek at murahin na ang matanda dahil binalik-balikan pa niya ang kanyang mga bitbitin. Hindi na nakapagtimpi ang suspek at bumaba ng kanyang jeep saka isa-isang ibinalibag papalabas ang dala ng biktima na ikinagalit ng matanda at pinagsasapok ang suspek ngunit dahil wala namang pwersa ay nagawa pa ng suspek na itulak siya ngunit nakakapit ito sa istribo kaya hindi natumba. Dahilayawbumitaw ng matanda sa istribo ay walang awa siyang pinagtatadyakan ng suspek hanggang sa makabi­taw, tumilapon ang matanda at bumalandra sa kalsada sa gitna ng humaharurot na sasakyan na muntikan nang ikasagasa ng matanda. Mabuti na lamang at mabilis na nakapagpreno ang isang kotse na minamaneho ng isang nakila­lang si Emmanuel Orlando at bumaba upang tulungan ang matanda. Ilang nakatambay ang humuli sa suspek na tatakas na sana at idinire­tso sa himpilan ng pulisya. abante.ph/issue/sep1013/crimes01.htm
Posted on: Mon, 09 Sep 2013 17:50:00 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015