MAG-INGAT KAY “LABUYO” Pinapayuhan ang lahat na mag ingat - TopicsExpress



          

MAG-INGAT KAY “LABUYO” Pinapayuhan ang lahat na mag ingat saan mang lugar kayo naroon. Maging alerto at sumubaybay sa balita lalo na ngayong nananalanta ang bagyong “Labuyo”. Magkaroon ng plano sakaling maging grabe ang pag-ulan. Planuhin kung saang lugar sa bahay ang dapat daanan para makalabas. Unahin ang mga sarili lalo na ang mga bata sa paglikas. Ihanda ang mga damit o bagay na dapat lang dalihin sa paglikas. Sumunod sa rekomendasyon o payo ng pamahalaan kung dapat lisanin ang inyong lugar para hindi mabiktima ng kalamidad. Maging matipid sa paggamit ng battery ng inyong mobile phones. I-charge ito habang maaga pa o may kuryente pa. Ihanda na ang flashlights, kandila, lighter o posporo. Maging maingat lang sa paggamit nito. Ihanda na ang mga debateryang radyo para maging update pa rin sa balita kahit pa mawalan ng kuryente. Ihanda ang first aid kit. Ihanda ang mga numerong tatawagan kapag ganitong panahon ng emergency. Ipwesto ito sa lugar na madaling makita o ipaskil sa pader. Maghanda ng mga pagkaing de-lata o pagkaing madaling lutuin. Magtabi ng inuming tubig na sasapat dalawa hanggang limang araw depende sa lagay ng panahon. Mag imbak din ng tubig na gagamitin sa pagligo, paghugas at iba pa. Ikonsidera ang tubig ulan bilang panggamit sa paglilinis. ------------------ EMERGENCY HOTLINES ---------------- National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC): 911-5061 to 64 Philippine National Red Cross (PNRC): 143 or 527-0000 Philippine National Police (PNP): 117 or 723-0401 Metropolitan Manila Development Authority (MMDA): 136 or 882-4154 to 74 ABANTE. Una Sa Balita. abante.ph
Posted on: Sun, 11 Aug 2013 17:25:18 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015