MATTHEW CHAPTER 11 TO CHAPTER 20 Mateo 11: 1-30 Ang mga - TopicsExpress



          

MATTHEW CHAPTER 11 TO CHAPTER 20 Mateo 11: 1-30 Ang mga Isinugo ni Juan na Tagapagbautismo (Lucas 7: 18-35) 1 Pagkatapos ng mga tagubiling ito sa kanyang labindalawang alagad, umalis si Jesus upang magturo at mangaral naman sa mga bayang malapit doon. 2 Nakabilanggo na noon si Juan na Tagapagbautismo. Nabalitaan niya ang mga ginagawa ni Cristo kayat nagsugo siya ng ilang mga alagad 3 upang itanong, Kayo po ba ang ipinangakong darating, o maghihintay pa kami ng iba? 4 Sumagot si Jesus, Bumalik kayo kay Juan at sabihin ninyo sa kanya ang inyong naririnig at nakikita. 5 Nakakakita ang mga bulag, nakakalakad ang mga pilay, gumagaling at lumilinis ang mga ketongin, nakakarinig ang mga bingi, muling nabubuhay ang mga patay, at ipinapangaral sa mga mahihirap ang Magandang Balita. 6 Mapalad ang taong hindi nag-aalinlangan sa akin! 7 Nang paalis na ang mga alagad ni Juan, nagsalita si Jesus sa mga tao tungkol kay Juan, Bakit kayo nagpunta sa ilang? Ano ang nais ninyong makita? Isa bang tambo na hinihipan ng hangin? 8 Bakit kayo pumunta sa ilang? Para makita ang isang taong may mamahaling kasuotan? Ang mga nagdaramit ng ganyan ay nasa palasyo ng mga hari! 9 Ano nga ba ang nais ninyong makita? Isang propeta? a Oo, siyay propeta. At sinasabi ko sa inyo, siyay higit pa sa isang propeta. 10 Sapagkat si Juan ang tinutukoy ng kasulatan, Ipadadala ko ang aking sugo na mauuna sa iyo; ihahanda niya ang iyong daraanan. 11 Tandaan ninyo: higit na dakila si Juan na Tagapagbautismo kaysa sinumang isinilang sa daigdig, ngunit ang pinakahamak sa kaharian ng langit ay mas dakila kaysa kanya. 12 Mula nang mangaral si Juan na Tagapagbautismo hanggang ngayon, ang kaharian ng langit ay sapilitang pinapasok ng mga taong mararahas. b 13 Sapagkat hanggang sa dumating si Juan, ang mga propeta at ang Kautusan ang siyang nagpahayag tungkol sa paghahari ng Diyos. 14 Kung naniniwala kayo sa pahayag na ito, si Juan na nga ang Elias na ipinangakong darating. 15 Makinig ang may pandinig! 16 Saan ko ihahambing ang mga tao sa panahong ito? Ang katulad nilay mga batang nakaupo sa plasa at sumisigaw sa kanilang mga kalaro: 17 Tinugtugan namin kayo ng plauta ngunit ayaw ninyong sumayaw! Umawit kami ng awit ng pagluluksa, ngunit ayaw ninyong tumangis! 18 Sapagkat nakita nila si Juan na nag-aayuno at di umiinom ng alak, at ang sabi nila, Sinasaniban ng demonyo ang taong iyan. 19 Nakita naman nila ang Anak ng Tao na kumakain at umiinom, at ang sabi naman nila, Tingnan ninyo ang taong ito! Matakaw, lasenggero at kaibigan ng mga maniningil ng buwis at makasalanan. Gayunman, ang karunungan ng Diyos ay napatutunayang tama sa pamamagitan ng mga gawa nito. Babala sa mga Bayang Ayaw Magsisi (Lucas 10:13-15) 20 Pagkatapos, sinumbatan ni Jesus ang mga bayang nakasaksi sa maraming himalang ginawa niya roon sapagkat hindi sila nagsisit tumalikod sa kanilang mga kasalanan. Sinabi niya, 21 Kawawa kayo, mga taga-Corazin! Kawawa kayo, mga taga-Bethsaida! Sapagkat kung sa Tiro at Sidon ginawa ang mga himalang ginawa sa inyo, matagal na sanang nagdamit ng sako at naupo sa abo ang mga tagaroon bilang tanda ng kanilang pagsisisi. 22 Ngunit sinasabi ko sa inyo, sa Araw ng Paghuhukom ay mas mabigat na parusa ang sasapitin ninyo kaysa sa mga taga-Tiro at taga-Sidon. 23 At kayong mga taga-Capernaum, maaaring itaas ninyo ang inyong sarili hanggang langit ngunit ibabagsak kayo c hanggang sa daigdig ng mga patay! Sapagkat kung sa Sodoma ginawa ang mga himalang ginawa sa inyo, sanay nananatili pa ang bayang iyon magpahanggang ngayon. 24 Ngunit sinasabi ko sa inyo, sa Araw ng Paghuhukom ay higit na mabigat ang parusang daranasin ninyo kaysa sa mga taga-Sodoma. Lumapit sa Akin at Magpahinga (Lucas 10:21-22) 25 Nang panahong iyoy sinabi ni Jesus, Ama, Panginoon ng langit at lupa, salamat sa iyo, sapagkat inilihim mo ang mga bagay na ito sa marurunong at matatalino, at inihayag mo naman sa mga may kaloobang tulad ng sa bata. 26 Oo, Ama, sapagkat ganoon ang nais mo. 27 Ibinigay na sa akin ng aking Ama ang lahat ng bagay. Walang nakakakilala sa Anak kundi ang Ama, at walang nakakakilala sa Ama kundi ang Anak at ang mga pinili ng Anak na pagpahayagan niya. 28 Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatang lubha sa inyong pasanin, at kayoy bibigyan ko ng kapahingahan. 29 Pasanin ninyo ang aking pamatok at sundin ninyo ang aking mga itinuturo sapagkat akoy maamo at mapagkumbabang loob. Matatagpuan ninyo sa akin ang kapahingahan 30 sapagkat madaling dalhin ang aking pamatok at magaan ang pasaning ibinibigay ko sa inyo. Like · Reply · October 30 at 4:05pm Bagong Magandang Balita Biblia- Bagong Tipan Mateo 12: 1-50 Katanungan Tungkol sa Araw ng Pamamahinga (Marcos 2: 23-28)(Lucas 6: 1-5) 1 Isang Araw ng Pamamahinga, naparaan sina Jesus sa triguhan. Nagugutom ang kanyang mga alagad noon, kayat silay kumuha ng mga butil ng trigo at kumain niyon. 2 Nang makita ito ng mga Pariseo, sinabi nila sa kanya, Tingnan mo ang ginagawa ng iyong mga alagad. Mahigpit iyang ipinagbabawal ng Kautusan sa Araw ng Pamamahinga! 3 Sumagot si Jesus, Hindi ba ninyo nabasa ang ginawa ni David nang magutom siya at ang kanyang mga kasama? 4 Pumasok siya sa bahay ng Diyos, kumain ng tinapay na handog at pinakain din niya ang kanyang mga kasama. Labag sa Kautusan ang ginawa nila sapagkat ang mga pari lamang ang may karapatang kumain niyon. 5 Hindi ba ninyo nababasa sa Kautusan na tuwing Araw ng Pamamahinga, ang mga pari ay may ginagawa sa Templo na bawal gawin sa araw na iyon? Gayunmay hindi sila nagkakasala! 6 Sinasabi ko sa inyo, may isang naririto na higit na dakila kaysa Templo. 7 Kung nauunawaan lamang ninyo ang kahulugan ng mga salitang ito, Habag ang nais ko at hindi ang inyong handog, hindi sana ninyo hinatulan ang mga walang sala. 8 Ang Anak ng Tao ay siyang Panginoon ng Araw ng Pamamahinga. Pinagaling ang Lalaking Paralisado ang Kamay (Marcos 3:1-6)(Lucas 6:6-11) 9 Pagkaalis ni Jesus sa pook na iyon, pumasok siya sa sinagoga. 10 May isang lalaki roon na paralisado ang isang kamay. Naroon din ang ilang taong naghahanap ng pagkakataong maparatangan si Jesus. Tinanong nila si Jesus, Naaayon ba sa Kautusan ang magpagaling ng maysakit kung Araw ng Pamamahinga? 11 Sumagot siya, Kung kayoy may tupang mahulog sa balon sa Araw ng Pamamahinga, hindi ba ninyo ito iaahon? 12 Higit na mahalaga ang isang tao kaysa isang tupa! Kayat naaayon sa Kautusan ang gumawa ng mabuti sa Araw ng Pamamahinga. 13 Pagkatapos, sinabi ni Jesus sa lalaki, Iunat mo ang iyong kamay. Iniunat nga ng lalaki ang kanyang kamay at itoy gumaling gaya ng kabilang kamay. 14 Umalis naman ang mga Pariseong naroroon at nag-usap-usap kung paano nila maipapapatay si Jesus. Ang Lingkod na Hinirang 15 Nang malaman ito ni Jesus, umalis siya sa lugar na iyon. Maraming tao ang sumunod sa kanya, at pinagaling niya ang lahat ng maysakit. 16 Ngunit mahigpit niyang ipinagbilin na huwag nilang ipamalita kung sino siya. 17 Sa gayon, natupad ang sinabi ng Diyos sa pamamagitan ni Propeta Isaias, 18 Narito ang lingkod ko na aking hinirang, ang aking minamahal at lubos na kinalulugdan; ibubuhos ko sa kanya ang aking Espiritu, at siya ang magpapairal ng katarungan sa mga bansa. 19 Hindi siya makikipag-away o makikipagsigawan, ni magtataas ng boses sa mga lansangan, 20 hindi niya puputulin ang tambong marupok, hindi rin niya papatayin ang ilawang umaandap, hanggang katarungay hindi nagtatagumpay nang ganap; 21 at ang pag-asa ng mga Hentil, sa kanya ay ilalagak. Like · Reply · October 30 at 4:02pm Bagong Magandang Balita Biblia- Bagong Tipan Si Jesus at si Beelzebul (Marcos 3:20-30)(Lucas 11:14-23) Pinagaling ni Jesus ang lalaking Sinapian guhit ni Gustave Dore Mateo 12:22-25 - Dinala noon kay Jesus ang isang lalaking bulag at pipi na sinasapian ng demonyo. Pinagaling siya ni Jesus kayat siyay nakakita at nakapagsalita. Namangha ang lahat at sinabi nila, Ito na kaya ang Anak ni David? Nang marinig ito ng mga Pariseo, sinabi nila, Nakapagpapalayas siya ng mga demonyo sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Beelzebul, ang pinuno ng mga demonyo. Subalit alam ni Jesus ang kanilang iniisip kayat sinabi niya, Ang bawat kahariang nahahati at naglalaban-laban ay babagsak, at alinmang bayan o sambahayang naglalaban-laban ay mawawasak. 22 Dinala noon kay Jesus ang isang lalaking bulag at pipi na sinasapian ng demonyo. Pinagaling siya ni Jesus kayat siyay nakakita at nakapagsalita. 23 Namangha ang lahat at sinabi nila, Ito na kaya ang Anak ni David? 24 Nang marinig ito ng mga Pariseo, sinabi nila, Nakapagpapalayas siya ng mga demonyo sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Beelzebul, ang pinuno ng mga demonyo. 25 Subalit alam ni Jesus ang kanilang iniisip kayat sinabi niya, Ang bawat kahariang nahahati at naglalaban-laban ay babagsak, at alinmang bayan o sambahayang naglalaban-laban ay mawawasak. 26 Kayat kung si Satanas ang nagpapalayas kay Satanas, kinakalaban niya ang kanyang sarili! Kung gayon, paano pa niya mapapanatili ang kanyang kaharian? 27 Kung akoy nagpapalayas ng mga demonyo sa kapangyarihan ni Beelzebul, kaninong kapangyarihan naman nagpapalayas ng demonyo ang inyong mga tagasunod? Ang mga tagasunod ninyo ang magpapatunay na maling-mali kayo. 28 Ngunit kung akoy nagpapalayas ng mga demonyo sa kapangyarihan ng Espiritu ng Diyos, nangangahulugang dumating na sa inyo ang kaharian ng Diyos. 29 Hindi mapapasok ang bahay ng isang taong malakas kung hindi muna siya gagapusin. Kung nakagapos na siya, saka pa lamang malolooban ang bahay niya. 30 Ang hindi panig sa akin ay laban sa akin, at ang hindi ko kasama sa pag-iipon ay nagkakalat. 31 Kayat sinasabi ko sa inyo, mapapatawad ang anumang kasalanan at paglapastangan, ngunit hindi patatawarin ang anumang paglapastangan sa Espiritu. 32 Sinumang magsalita laban sa Anak ng Tao ay patatawarin, ngunit sinumang magsalita laban sa Espiritu Santo ay hindi patatawarin, maging sa panahong ito o sa panahong darating. Sa Bunga Nakikilala (Lucas 6:43-45) 33 Sinasabi ninyong mabuti ang punongkahoy kung mabuti ang kanyang bunga at masama ang punongkahoy kung masama ang kanyang bunga, sapagkat sa bunga nakikilala ang puno. 34 Lahi ng mga ulupong! Paano kayong makakapagsabi ng mabubuting bagay gayong kayoy masasama? Kung ano ang nag-uumapaw sa puso ay siyang sinasabi ng bibig. 35 Mabuti ang sinasabi ng mabuting tao, sapagkat puno ng kabutihan ang kanyang puso. Masama ang sinasabi ng masamang tao, sapagkat puno ng kasamaan ang kanyang puso. 36 Tandaan ninyo, sa Araw ng Paghuhukom, pananagutan ng tao ang bawat walang kabuluhang salitang sinabi niya. 37 Pawawalang-sala ka, o paparusahan, batay sa iyong mga salita. Hinanapan si Jesus ng Himala (Marcos 8:11-12)(Lucas 11:29-32) 38 Sinabi naman sa kanya ng ilang tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo, Guro, maaari po bang magpakita kayo sa amin ng isang palatandaan? 39 Sumagot si Jesus, Lahing masama at taksil sa Diyos! Naghahanap kayo ng palatandaan ngunit walang ipapakita sa inyo maliban sa himalang nangyari kay Propeta Jonas. 40 Kung paanong si Jonas ay tatlong araw at tatlong gabing nasa tiyan ng dambuhalang isda, ang Anak ng Tao ay tatlong araw at tatlong gabi ring nasa libingan. 41 Sa Araw ng Paghuhukom, tatayo ang mga taga-Nineve at sasaksi laban sa lahing ito, sapagkat nagsisi sila matapos pangaralan ni Jonas. Ngunit higit pa kay Jonas ang naririto. 42 Sa araw na iyon, sasaksi rin ang Reyna ng Sheba laban sa lahing ito. Naglakbay siya mula pa sa dulo ng daigdig upang masaksihan ang karunungan ni Solomon, ngunit higit pa kay Solomon ang naririto ngayon! Ang Pagbabalik ng Masamang Espiritu (Lucas 11:24-26) 43 Kapag ang masamang espiritu ay lumabas mula sa isang tao, siyay gumagala sa mga lupaing tigang upang maghanap ng mapagpapahingahan. Kung wala itong matagpuan 44 ay sinasabi sa sarili, Babalik ako sa tahanang aking pinanggalingan. Pagbalik niya at makita itong walang laman, malinis at maayos, 45 aalis muna siyat magsasama pa ng pitong espiritung mas masama pa kaysa kanya at papasok sila at maninirahan doon. Dahil dito, ang kanyang magiging kalagayan ay mas masama pa kaysa dati. Ganyan ang mangyayari sa masamang lahing ito. Ang Ina at mga Kapatid ni Jesus (Marcos 3:31-35)(Lucas 8:19-21) 46-47 Habang si Jesus ay nangangaral, dumating ang kanyang ina at mga kapatid. Naghihintay sila sa labas ng sinagoga dahil nais nila siyang makausap. May nagsabi kay Jesus, Nasa labas po ang inyong ina at mga kapatid. Ibig nila kayong makausap. a 48 Ngunit sinabi niya, Sino ang aking ina at sinu-sino ang aking mga kapatid? 49 Itinuro niya ang kanyang mga alagad at sinabi, Sila ang aking ina at mga kapatid. 50 Sapagkat ang sinumang sumusunod sa kalooban ng aking Ama na nasa langit, iyon ang aking ina at mga kapatid. Like · Reply · October 30 at 3:56pm Bagong Magandang Balita Biblia- Bagong Tipan Mateo 13: 1-58 Ang Talinghaga Tungkol sa Manghahasik (Marcos 4: 1-9)(Lucas 8: 4-8) 1 Noon ding araw na iyon, si Jesus ay lumabas ng bahay at naupo sa tabi ng lawa. 2 Dahil sa dami ng taong lumalapit sa kanya, sumakay siya sa isang bangka at doon naupo. Tumayo naman sa dalampasigan ang mga tao 3 at silay tinuruan niya ng maraming bagay sa pamamagitan ng mga talinhaga. Ganito ang sinabi niya: May isang magsasakang lumabas upang maghasik. 4 Sa kanyang paghahasik ay may mga binhing nalaglag sa tabi ng daan. Dumating ang mga ibon at tinuka ang mga iyon. 5 May mga binhi namang nalaglag sa mabatong lupa. Dahil manipis lang ang lupa roon, sumibol agad ang mga binhi, 6 ngunit natuyo agad ang mga ito nang mabilad sa matinding init ng araw, palibhasay mababaw ang ugat. 7 May mga binhi namang nalaglag sa may matitinik na halaman. Lumago ang mga halamang ito at sinakal ang mga binhing tumubo doon. 8 Ngunit ang mga binhing nahasik sa matabang lupa ay namunga; may tigsasandaan, may tig-aanimnapu, at may tigtatatlumpu. 9 Makinig ang may pandinig! Ang Layunin ng mga Talinhaga (Marcos 4:10-12)(Lucas 8:9-10) 10 Lumapit ang mga alagad at tinanong si Jesus, Bakit po ninyo dinadaan sa talinhaga ang inyong pagtuturo sa kanila? 11 Sumagot siya, Ipinagkaloob sa inyo ang karapatang maunawaan ang hiwaga tungkol sa kaharian ng langit, ngunit hindi ito ipinagkaloob sa kanila. 12 Sapagkat ang mayroon ay bibigyan pa, at mananagana; ngunit ang wala, kahit ang kakaunting nasa kanya ay kukunin pa. 13 Nagsasalita ako sa kanila sa pamamagitan ng talinhaga sapagkat tumitingin sila ngunit hindi nakakakita, at nakikinig ngunit hindi naman nakakarinig ni nakakaunawa man. 14 Natutupad nga sa kanila ang propesiya ni Isaias na nagsasabi, Makinig man kayo nang makinig subalit hindi ninyo mauunawaan kailanman, at tumingin man kayo nang tumingin subalit hindi rin kayo makakakita kailanman. 15 Sapagkat naging mapurol na ang isip ng mga taong ito; mahirap makarinig ang kanilang mga tainga, at ipinikit nila ang kanilang mga mata, kung hindi gayon, sanay nakakita ang kanilang mga mata, nakarinig ang kanilang mga tainga, nakaunawa ang kanilang mga isip, at nagbalik-loob sila sa akin, at pinagaling ko sila. 16 Subalit mapalad kayo sapagkat nakakakita ang inyong mga mata at nakakarinig ang inyong mga tainga! 17 Tandaan ninyo: maraming propeta at matutuwid na tao ang naghangad na makita ang inyong nasasaksihan at marinig ang inyong napapakinggan subalit hindi nila ito nakita ni narinig. Ipinaliwanag ang Talinhaga Tungkol sa Manghahasik (Marcos 4:13-20)(Lucas 8:11-15) 18 Pakinggan ninyo ang kahulugan ng talinhaga tungkol sa manghahasik. 19 Kapag ang isang tao ay dumirinig ng mensahe tungkol sa paghahari ng Diyos ngunit hindi naman niya iyon inuunawa, siya ay katulad ng binhing nalaglag sa daan. Dumarating ang Masama at agad inaalis sa kanyang isip ang mensaheng kanyang napakinggan. 20 Ang katulad naman ng binhing nalaglag sa mabatong lupa ay ang taong dumirinig ng mensahe. Kaagad at masaya niya itong tinanggap 21 ngunit hindi tumimo ang mensahe sa kanyang puso. Sandali lamang itong nanatili, at pagdating ng mga kapighatian at pagsubok dahil sa mensahe, agad siyang tumatalikod sa kanyang pananampalataya. 22 Ang binhi namang nahulog sa may damuhang matinik na halaman ay naglalarawan ng mga taong dumirinig ng mensahe ngunit dahil sa pagkabalisa sa maraming mga bagay at pagkahumaling sa kayamanan, ang mensahe ay nawalan ng puwang sa kanilang puso at ito ay hindi nagkaroon ng bunga sa taong iyon. 23 At ang katulad naman ng binhing napahasik sa matabang lupa ay ang mga taong dumirinig at umuunawang mabuti sa mensahe, kayat ito ay namumunga nang sagana, may tigsasandaan, may tig-aanimnapu, at may tigtatatlumpu. Talinhaga Tungkol sa mga Damo sa Triguhan 24 Nagsalaysay muli si Jesus sa kanila ng isa pang talinhaga. Sinabi niya, Ang kaharian ng langit ay katulad ng isang taong naghasik ng mabuting binhi sa kanyang bukid. 25 Isang gabi, habang natutulog ang mga tao, dumating ang kanyang kaaway, naghasik ng mapanirang damo sa triguhan at saka umalis. 26 Nang tumubo at magbunga ang trigo, lumitaw din ang mapanirang damo. 27 Kayat pumunta ang mga utusan sa may-ari ng bukid at nagtanong, Hindi po ba mabuting binhi lamang ang inihasik ninyo sa inyong bukid? Bakit po may damo ngayon? 28 Sumagot siya, Isang kaaway ang may kagagawan nito. Tinanong siya ng mga utusan, Bubunutin po ba namin ang mga damo? 29 Huwag, baka mabunot pati ang mga trigo, sagot niya. 30 Hayaan na lamang ninyong lumago kapwa ang damo at ang trigo hanggang sa anihan. Pag-aaniy sasabihin ko sa mga tagapag-ani, ipunin muna ninyo ang mga damo at inyong pagbigkis-bigkisin at saka sunugin. Pagkatapos, ipunin naman ninyo ang trigo sa aking kamalig. Like · Reply · October 30 at 3:55pm Bagong Magandang Balita Biblia- Bagong Tipan Talinhaga Tungkol sa Buto ng Mustasa (Marcos 4:30-32)(Lucas 13:18-19) 31 Sa pagpapatuloy, isa pang talinhaga ang isinalaysay ni Jesus sa kanila. Ang kaharian ng langit ay katulad ng isang buto ng mustasa na itinanim ng isang tao sa kanyang bukid. 32 Ang buto ng mustasa ang pinakamaliit sa lahat ng binhi. Ngunit pagtubo nito, itoy nagiging mas malaki kaysa alin mang halaman at nagiging punongkahoy, kayat nakakapagpugad ang mga ibon sa mga sanga nito. Talinhaga Tungkol sa Pampaalsa (Lucas 13:20-21) 33 Nagsalaysay pa si Jesus ng ibang talinhaga. Ang kaharian ng langit ay katulad ng pampaalsa na inihalo ng isang babae sa tatlong bakol na harina, kayat umalsa ang minasang harina. Ang Paggamit ni Jesus ng mga Talinhaga (Marcos 4:33-34) 34 Ang lahat ng ito ay sinabi ni Jesus sa mga tao sa pamamagitan ng mga talinhaga, at wala siyang itinuro sa kanila nang hindi sa pamamagitan ng talinhaga. 35 Sa gayon, natupad ang sinabi ng propeta: a Magsasalita ako sa pamamagitan ng mga talinhaga, ihahayag ko ang mga bagay na nalilihim mula pa nang likhain ang daigdig. b Kahulugan ng Talinhaga Tungkol sa mga Damo sa Triguhan 36 Pagkatapos, iniwan ni Jesus ang mga tao at pumasok siya sa bahay. Lumapit ang kanyang mga alagad at sinabi sa kanya, Ipaliwanag nga po ninyo sa amin ang talinhaga tungkol sa mapanirang damong tumubo sa bukid. 37 Sumagot si Jesus, Ang naghahasik ng mabubuting binhi ay ang Anak ng Tao, 38 ang bukid ay ang daigdig, ang mabuting binhi ay ang mga taong kabilang sa kaharian at ang mapanirang damo naman ay ang mga kabilang sa Masama. 39 Ang kaaway na naghasik ng damo ay walang iba kundi ang diyablo. Ang panahon ng pag-aani ay ang katapusan ng daigdig at ang mga tagapag-ani naman ay ang mga anghel. 40 Kung paanong ang mga damo ay tinitipon at sinusunog, ganoon din ang mangyayari sa katapusan ng daigdig. 41 Ipag-uutos ng Anak ng Tao sa kanyang mga anghel na tipunin nila mula sa kanyang kaharian ang lahat ng nagiging sanhi ng pagkakasala at ang lahat ng gumagawa ng masama. 42 Ihahagis nila ang mga ito sa lumalagablab na pugon at doon ay mananangis sila at magngangalit ang kanilang mga ngipin. 43 Ngunit ang mga gumagawa ng matuwid ay magliliwanag na parang araw sa kaharian ng kanilang Ama. Makinig ang may pandinig! Ang Natatagong Kayamanan 44 Ang kaharian ng langit ay katulad ng kayamanang nakabaon sa isang bukid. Nahukay ito ng isang tao ngunit agad itong tinabunan. Tuwang-tuwa siyang umalis at ibinenta ang lahat ng kanyang ari-arian upang bilhin ang bukid na iyon. Ang Perlas na Mahalaga 45 Ang kaharian ng langit ay katulad din ng isang negosyante na naghahanap ng mga mamahaling perlas. 46 Nang makakita siya ng isang perlas na napakahalaga, umuwi siyat ipinagbili ang lahat ng kanyang ari-arian at binili ang perlas na iyon. Ang Lambat 47 Ang kaharian ng langit ay katulad din ng isang malaking lambat na inihagis sa lawa at nakahuli ng sari-saring isda. 48 Nang mapuno ang lambat, hinila ito sa pampang. Naupo ang mga tao habang tinitipon nila sa sisidlan ang mabubuting isda at itinatapon naman ang mga isdang hindi mapapakinabangan. 49 Gayundin ang mangyayari sa katapusan ng daigdig, darating ang mga anghel, ihihiwalay ang masasama sa mga matuwid, 50 at ihahagis ang masasama sa naglalagablab na apoy. Dooy mananangis sila at magngangalit ang kanilang mga ngipin. Kayamanang Bago at Luma Si Jesus Nagtuturo sa Sinagoga guhit ni Gustave Dore Mateo 13:54 - Umuwi siya sa kanyang bayan at nagturo sa kanilang sinagoga. Nagtaka ang mga nakarinig sa kanya, kayat kanilang itinanong, Saan kumuha ng ganyang karunungan ang taong iyan? Paano siya nakakagawa ng mga himala? 51 Nauunawaan na ba ninyo ang lahat ng ito? tanong ni Jesus. Opo, sagot nila. 52 At sinabi niya sa kanila, Kaya nga, ang bawat tagapagturo ng Kautusan na kumikilala sa kaharian ng langit ay katulad ng isang pinuno ng sambahayan na naglalabas ng mga bagay na bago at luma mula sa kanyang taguan ng kayamanan. Si Jesus ay Hindi Tinanggap sa Nazaret (Marcos 6:1-6)(Lucas 4:16-30) 53 Umalis si Jesus mula roon matapos niyang isalaysay ang mga talinhagang ito. 54 Umuwi siya sa kanyang bayan at nagturo sa kanilang sinagoga. Nagtaka ang mga nakarinig sa kanya, kayat kanilang itinanong, Saan kumuha ng ganyang karunungan ang taong iyan? Paano siya nakakagawa ng mga himala? 55 Hindi ba siya ay anak ng isang karpintero? Hindi ba si Maria ang kanyang ina at sina Santiago, Jose, Simon, at Judas ang kanyang mga kapatid? 56 At tagarito rin ang kanyang mga kapatid na babae, di ba? Saan kaya niya natutuhan ang lahat ng iyan? 57 At siyay hindi nila pinaniwalaan. Kayat sinabi ni Jesus sa kanila, Ang isang propetay iginagalang kahit saan maliban sa kanyang sariling bayan at sariling sambahayan. 58 At dahil ayaw nilang maniwala kay Jesus, hindi siya roon gumawa ng maraming himala. Like · Reply · October 30 at 3:54pm Bagong Magandang Balita Biblia- Bagong Tipan Mateo 14: 1-36 Ang Pagkamatay ni Juan na Tagapagbautismo (Marcos 6: 14-29)(Lucas 9: 7-9) 1 Ang balita tungkol kay Jesus ay nakarating kay Herodes na gobernador ng Galilea, a 2 kayat nasabi niya sa kanyang mga lingkod, Si Juan na Tagapagbautismo iyon! Siyay muling nabuhay kayat nakakagawa ng mga himala! 3 Itong si Herodes ang nagpahuli kay Juan. Ipinagapos niya ito at ipinabilanggo dahil kay Herodias na asawa ng kapatid niyang si Felipe. 4 Sapagkat sinabi ni Juan kay Herodes, Hindi matuwid na magsama kayo ng asawa ng iyong kapatid. 5 Ibig ni Herodes na ipapatay si Juan, ngunit natatakot siya sa mga Judio sapagkat kinikilala nilang propeta si Juan na Tagapagbautismo. Pagtanggap ng anak na dalaga ni Herodias ng ulo ni Juan na Tagapagbautismo guhit ni Gustave Dore Mateo 14:8-10 - Sa udyok ng kanyang ina, sinabi ng dalaga sa hari, Ibigay po ninyo sa akin ngayon din, sa isang pinggan, ang ulo ni Juan na Tagapagbautismo. Nalungkot ang hari, ngunit dahil sa kanyang pangakong narinig ng mga panauhin, iniutos niyang ibigay sa dalaga ang ulo ni Juan. Kayat pinapugutan niya si Juan sa bilangguan. 6 Nang sumapit ang kaarawan ni Herodes, sumayaw ang anak na babae ni Herodias sa harap ng mga panauhin. Labis na nasiyahan si Herodes, 7 kayat sumumpa siyang ibibigay sa dalaga ang anumang hingin nito. 8 Sa udyok ng kanyang ina, sinabi ng dalaga sa hari, Ibigay po ninyo sa akin ngayon din, sa isang pinggan, ang ulo ni Juan na Tagapagbautismo. 9 Nalungkot ang hari, ngunit dahil sa kanyang pangakong narinig ng mga panauhin, iniutos niyang ibigay sa dalaga ang ulo ni Juan. 10 Kayat pinapugutan niya si Juan sa bilangguan. 11 Inilagay ang ulo sa isang pinggan at ibinigay ito sa dalaga. Dinala naman ito ng dalaga sa kanyang ina. 12 Dumating ang mga alagad ni Juan, kinuha ang kanyang bangkay at inilibing. Pagkatapos, ibinalita nila kay Jesus ang nangyari. Ang Mahimalang Pagpapakain sa Limanlibo (Marcos 6:30-44) (Lucas 9:10-17)(Juan 6:1-14) 13 Nang marinig ni Jesus ang pagkamatay ni Juan, sumakay siya sa isang bangka at pumunta sa isang lugar na walang tao. Ngunit nang mabalitaan naman iyon ng mga tao, silay naglakad papalabas sa kani-kanilang bayan at sinundan si Jesus. 14 Pagdating ni Jesus sa dalampasigan, nakita niya ang napakaraming taong iyon. Nahabag siya sa kanila kayat pinagaling niya ang mga maysakit na dala nila. Mahimalang Pagpapakain Sa Limang-Libo guhit ni Gustave Dore Mateo 14:19 - Pinaupo niya sa damuhan ang mga tao. Kinuha ang limang tinapay at dalawang isda, tumingala siya sa langit at nagpasalamat sa Diyos. Pinaghati-hati niya ang mga tinapay at iniutos sa mga alagad na ipamahagi iyon sa mga tao. 15 Nang dapit-hapon nay lumapit sa kanya ang mga alagad. Sinabi nila, Malapit na pong lumubog ang araw at ilang ang lugar na ito. Papuntahin na po ninyo sa mga kalapit na nayon ang mga tao upang makabili ng kanilang makakain. 16 Hindi na sila kailangang umalis. Kayo ang magpakain sa kanila, sabi ni Jesus. 17 Sumagot sila, Wala po tayong pagkain kundi limang tinapay lamang at dalawang isda. 18 Dalhin ninyo rito, sabi niya. 19 Pinaupo niya sa damuhan ang mga tao. Kinuha ang limang tinapay at dalawang isda, tumingala siya sa langit at nagpasalamat sa Diyos. Pinaghati-hati niya ang mga tinapay at iniutos sa mga alagad na ipamahagi iyon sa mga tao. 20 Nakakain at nabusog ang lahat. Nang ipunin ng mga alagad ang natirang pagkain, nakapuno pa sila ng labindalawang kaing ng tinapay. 21 May limanlibong lalaki ang nakakain, bukod pa sa mga babae at mga bata. Lumakad si Jesus sa Ibabaw ng Tubig (Marcos 6:45-52)(Juan 6:15-21) 22 Agad pinasakay ni Jesus sa bangka ang mga alagad at pinauna sa kabilang ibayo. Samantala, pinauwi naman niya ang mga tao. 23 Matapos niyang paalisin ang mga ito, mag-isa siyang umakyat sa bundok upang manalangin. Nag-iisa siyang inabutan doon ng gabi. 24 Samantala, ang bangka ay nasa laot na ngunit sinasalpok ito ng mga alon dahil pasalungat ito sa hangin. 25 Nang madaling-araw nay sumunod sa kanila si Jesus na naglalakad sa ibabaw ng tubig. 26 Kinilabutan sa takot ang mga alagad nang makita nilang may lumalakad sa ibabaw ng tubig. Multo! sigaw nila. 27 Ngunit nagsalita agad si Jesus at sinabi sa kanila, Huwag kayong matakot, ako ito! 28 Sinabi ni Pedro, Panginoon, kung talagang ikaw nga iyan, hayaan mong akoy pumunta sa iyong kinaroroonan diyan sa ibabaw ng tubig. 29 Sumagot siya, Halika. Mula sa bangka ay lumakad si Pedro sa ibabaw ng tubig papunta kay Jesus. 30 Ngunit nang mapansin niya na malakas ang hangin, b siyay natakot at nagsimulang lumubog. Panginoon, sagipin ninyo ako! sigaw niya. 31 Agad siyang inabot ni Jesus. Bakit ka nag-alinlangan? Napakaliit ng iyong pananampalataya! sabi niya kay Pedro. 32 Pagkasakay nila sa bangka, tumigil ang hangin 33 at sinamba siya ng mga nasa bangka. Tunay nga pong kayo ang Anak ng Diyos! sabi nila. Pinagaling ni Jesus ang mga Maysakit sa Genesaret (Marcos 6:53-56) 34 Tumawid sila ng lawa at dumating sila sa baybayin ng Genesaret. 35 Si Jesus ay nakilala ng mga tagaroon at agad nilang ipinamalita ang kanyang pagdating, kayat dinala ng mga tao ang lahat ng maysakit sa buong lupaing iyon. 36 Hiniling nila kay Jesus na mahawakan man lamang ng mga maysakit ang laylayan ng kanyang damit; at ang lahat ng gumawa nito ay nagsigaling. Like · Reply · October 30 at 3:53pm Bagong Magandang Balita Biblia- Bagong Tipan Mateo 15: 1-39 Mga Minanang Katuruan (Marcos 7: 1-13) 1 Pagkatapos, lumapit kay Jesus ang ilang Pariseo at mga tagapagturo ng Kautusan na galing sa Jerusalem, at siyay tinanong nila, 2 Bakit nilalabag ng mga alagad mo ang mga katuruang minana natin sa ating mga ninuno? Kumakain sila nang hindi muna naghuhugas ng kamay ayon sa paraang ipinag-uutos! 3 Sinagot sila ni Jesus, Bakit naman ninyo nilalabag ang utos ng Diyos dahil sa inyong mga tradisyon? 4 Sinabi ng Diyos, Igalang mo ang iyong ama at ina at, Ang sinumang lumait sa kanyang ama o ina ay dapat patayin. 5 Ngunit itinuturo ninyo na kapag sinabi ng isang tao sa kanyang ama o ina, Ang anumang maitutulong ko sa inyo ay naihandog ko na sa Diyos 6 hindi na niya kailangang tulungan ang kanyang ama. a Pinawawalang-kabuluhan ninyo ang salita ng Diyos masunod lamang ninyo ang inyong minanang mga katuruan. 7 Mga mapagkunwari! Tama nga ang sinabi ni propeta Isaias tungkol sa inyo, 8 Ang paggalang sa akin ng bayang ito ay pakunwari lamang, sapagkat sa bibig at hindi sa puso ito bumubukal. 9 Walang kabuluhan ang kanilang pagsamba, sapagkat itinuturo nilang galing sa Diyos ang kanilang mga utos. Ang Nagpaparumi sa Tao (Marcos 7:14-23) 10 Pinalapit ni Jesus ang mga tao at sinabi sa kanila, Pakinggan ninyo at unawain ang aking sasabihin. 11 Ang lumalabas sa bibig ng tao, hindi ang pumapasok, ang siyang nagpaparumi sa kanya sa paningin ng Diyos. 12 Pagkatapos, lumapit naman ang mga alagad at sinabi sa kanya, Hindi po ba ninyo alam na nasaktan ang mga Pariseo sa sinabi ninyo? 13 Sumagot siya, Ang bawat halamang hindi itinanim ng aking Ama na nasa langit ay bubunutin. 14 Hayaan ninyo sila. Silay mga bulag na taga-akay ng mga bulag; b at kapag bulag ang umakay sa kapwa bulag, pareho silang mahuhulog sa hukay. 15 Sinabi sa kanya ni Pedro, Ipaliwanag nga po ninyo sa amin ang talinhagang ito. c 16 At sinabi ni Jesus, Pati ba kayoy wala ring pang-unawa? 17 Hindi ba ninyo nalalaman na anumang pumapasok sa bibig ay tumutuloy sa tiyan at pagkatapos ay idinudumi? 18 Ngunit ang lumalabas sa bibig ay nanggagaling sa puso. Iyan ang nagpaparumi sa tao. 19 Sapagkat sa puso nanggagaling ang masasamang kaisipan, pagpatay, pangangalunya, pakikiapid, pagnanakaw, pagiging saksi para sa kasinungalingan, at paninirang-puri. 20 Iyan ang nagpaparumi sa tao sa paningin ng Diyos. Hindi nagiging marumi ang isang tao kung siya man ay kumain nang hindi muna naghuhugas ng kamay sa paraang naaayon sa minanang katuruan. Ang Pananalig ng Isang Cananea (Marcos 7:24-30) 21 Umalis doon si Jesus at nagpunta sa lupaing malapit sa Tiro at Sidon. 22 Isang Cananea na nakatira doon ang lumapit sa kanya na sumisigaw, Panginoon, Anak ni David, maawa po kayo sa akin! Ang anak kong babae ay sinasapian ng demonyo at labis na pinapahirapan nito. 23 Ngunit hindi sumagot si Jesus. Lumapit ang kanyang mga alagad at sinabi kay Jesus, Paalisin na nga po ninyo siya. Napakaingay niya at sunod nang sunod sa atin. 24 Sumagot si Jesus, Sa mga naliligaw na tupa ng sambahayan ng Israel lamang ako isinugo. 25 Ngunit lumapit sa kanya ang babae, lumuhod ito at nagmakaawa, Tulungan po ninyo ako, Panginoon. 26 Sumagot si Jesus, Hindi dapat kunin ang pagkain ng mga bata at ibigay sa mga aso. 27 Totoo nga, Panginoon. Ngunit ang mga aso man po ay kumakain ng mumong nalalaglag sa hapag ng kanilang panginoon, tugon ng babae. 28 At sinabi sa kanya ni Jesus, Napakalaki ng iyong pananampalataya! Mangyayari ang hinihiling mo. At noon diy gumaling ang kanyang anak. Maraming Pinagaling si Jesus Maraming Pinagaling si Jesus guhit ni Gustave Dore Mateo 15:31 - Kayat namangha ang mga tao nang makita nilang nakapagsasalita na ang mga pipi, gumaling ang mga lumpo, nakakalakad na ang mga pilay, at nakakakita na ang mga bulag. Kayat pinuri nila ang Diyos ng Israel. 29 Pag-alis doon, nagbalik si Jesus sa tabi ng Lawa ng Galilea. Umakyat siya sa bundok at naupo upang magturo. 30 Nagdatingan naman ang napakaraming taong may dalang mga pilay, bulag, lumpo, pipi, at marami pang ibang maysakit. Dinala nila ang mga ito sa paanan ni Jesus at silay pinagaling niya. 31 Kayat namangha ang mga tao nang makita nilang nakapagsasalita na ang mga pipi, gumaling ang mga lumpo, nakakalakad na ang mga pilay, at nakakakita na ang mga bulag. Kayat pinuri nila ang Diyos ng Israel. Ang Pagpapakain sa Apat na Libo (Marcos 8:1-10) 32 Tinawag ni Jesus ang kanyang mga alagad at sinabi sa kanila, Nahahabag ako sa mga taong ito. Tatlong araw na ngayong kasama natin sila at wala na silang pagkain. Ayokong paalisin sila nang gutom, baka sila mahilo sa daan. 33 Sinabi naman ng mga alagad, Saan po tayo kukuha ng sapat na pagkain para sa ganito karaming tao sa ilang na ito? 34 Ilan pang tinapay ang nariyan? tanong ni Jesus sa kanila. Pito po, at mayroon pang ilang maliliit na isda, sagot nila. 35 Pinaupo ni Jesus sa lupa ang mga tao. 36 Kinuha niya ang pitong tinapay at ang mga isda at nagpasalamat siya sa Diyos. Pagkatapos, pinaghati-hati niya ang mga iyon at ibinigay sa mga alagad upang ipamahagi sa mga tao. 37 Nakakain at nabusog ang lahat, at nang ipunin ng mga alagad ang tinapay na lumabis, nakapuno pa sila ng pitong kaing. 38 May apat na libong lalaki ang nakakain, bukod pa sa mga babae at mga bata. 39 Nang napauwi na ni Jesus ang mga tao, sumakay siya sa bangka at nagtungo sa lupain ng Magadan. Like · Reply · October 30 at 3:53pm Bagong Magandang Balita Biblia- Bagong Tipan Mateo 16: 1-28 Hiningan ng Tanda si Jesus (Marcos 8:11-13)(Lucas 12: 54-56) 1 Lumapit kay Jesus ang ilang Pariseo at Saduseo. Upang siyay subukin, humingi sila sa kanya ng isang himala mula sa langit. 2 Ngunit sinabi ni Jesus sa kanila, Kapag dapit-hapon ay sinasabi ninyo, Magiging maganda ang panahon bukas dahil maaliwalas ang langit. 3 At kapag umaga namay sinasabi ninyo, Uulan ngayon dahil madilim ang langit. Nakakabasa kayo ng palatandaan sa langit, ngunit hindi ninyo mabasa ang mga palatandaan ng kasalukuyang panahon. a 4 Lahing masama at taksil sa Diyos! Naghahanap kayo ng palatandaan, ngunit walang ipapakita sa inyo maliban sa himalang nangyari kay Jonas! Pagkatapos nito, umalis si Jesus. Ang Pampaalsang Ginagamit ng mga Pariseo at mga Saduseo (Marcos 8:14-21) 5 Nang tumawid sa ibayo ang mga alagad, nakalimutan nilang magdala ng tinapay. 6 Sinabi ni Jesus sa kanila, Mag-ingat kayo sa pampaalsang ginagamit ng mga Pariseo at mga Saduseo. 7 Nag-usap-usap ang mga alagad, Kasi wala tayong dalang tinapay, kaya sinabi niya iyon. 8 Alam ni Jesus ang pinag-uusapan nila kayat silay tinanong, Bakit ninyo pinag-uusapang kayoy walang dalang tinapay? Napakaliit ng inyong pananampalataya! 9 Wala pa ba kayong pagkaunawa hanggang ngayon? Nakalimutan na ba ninyo kung paanong pinaghati-hati ang limang tinapay para sa limanlibong tao? Ilang kaing na tinapay ang lumabis? 10 Gayundin ang pitong tinapay para sa apat na libo! Ilang kaing na tinapay ang lumabis? 11 Hindi tungkol sa tinapay ang sinasabi ko nang sabihin ko sa inyong mag-ingat kayo sa pampaalsang ginagamit ng mga Pariseo at mga Saduseo! Hindi ba ninyo maunawaan ito? 12 At naunawaan nila na silay pinag-iingat niya sa mga katuruan ng mga Pariseo at mga Saduseo, at hindi sa pampaalsang ginagamit sa tinapay. Ang Pahayag ni Pedro Tungkol kay Jesus (Marcos 8:27-30) (Lucas 9:18-21) 13 Nang dumating si Jesus sa bayan ng Cesarea ng Filipos, tinanong niya ang kanyang mga alagad, Ano ang sinasabi ng mga tao patungkol sa Anak ng Tao? 14 At sumagot sila, Ang sabi po ng ilan kayo si Juan na Tagapagbautismo. Sabi po naman ng iba, kayo si Elias. At may nagsasabi pong kayo si Jeremias, o isa sa mga propeta. 15 Tinanong ulit sila ni Jesus, Ngunit para sa inyo, sino ako? 16 Sumagot si Simon Pedro, Kayo po ang Cristo, ang Anak ng Diyos na buhay. 17 Sinabi sa kanya ni Jesus, Mapalad ka, Simon na anak ni Jonas! Sapagkat ang katotohanang itoy hindi inihayag sa iyo ng sinumang tao kundi ng aking Ama na nasa langit. 18 At sinasabi ko sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesya at ang pintuan ng daigdig ng mga patay ay hindi magtatagumpay laban sa kanya. 19 Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit. Ang ipagbawal mo sa lupa ay ipagbabawal sa langit, at ang ipahintulot mo sa lupa ay ipahihintulot din sa langit. 20 At mahigpit niyang iniutos sa kanyang mga alagad na huwag sabihin kaninuman na siya nga ang Cristo. Unang Pagpapahayag ni Jesus Tungkol sa Kanyang Kamatayan at Muling Pagkabuhay (Marcos 8:31---9:1)(Lucas 9:22-27) 21 Mula noon ay ipinaalam na ni Jesus sa kanyang mga alagad ang mangyayari sa kanya. Sinabi niya, Dapat akong magtungo sa Jerusalem at magdanas ng maraming hirap sa kamay ng mga pinuno ng bayan, mga punong pari at mga tagapagturo ng Kautusan. Akoy papatayin, ngunit sa ikatlong araw akoy muling mabubuhay. 22 Dinala siya ni Pedro sa isang tabi at sinimulang pagalitan, Panginoon, huwag nawang itulot ng Diyos! Kailanmay hindi iyan mangyayari sa inyo. 23 Ngunit hinarap siya ni Jesus at sinabihan, Umalis ka sa harapan ko, Satanas! Hadlang ka sa aking landas. Ang iniisip moy hindi sa Diyos kundi sa tao. 24 Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, Ang sinumang nagnanais sumunod sa akin ay kinakailangang itakwil niya ang kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus, at sumunod sa akin. 25 Ang naghahangad na magligtas ng kanyang buhay ay mawawalan nito; ngunit ang mawalan ng kanyang buhay alang-alang sa akin ay magkakamit nito. 26 Sapagkat ano ba ang mapapala ng isang tao makamtan man niya ang buong daigdig, ngunit mapapahamak naman ang kanyang sarili? Ano ba ang maibabayad ng isang tao para mabawi niya ang kanyang buhay? 27 Sapagkat darating ang Anak ng Tao na kasama ang kanyang mga anghel, at taglay ang dakilang kapangyarihan ng kanyang Ama. Sa panahong iyoy gagantimpalaan niya ang bawat tao ayon sa ginawa nito. 28 Tandaan ninyo: may ilan sa inyong naririto na hindi mamamatay hanggat hindi nila nakikita ang Anak ng Tao na dumarating bilang hari. Like · Reply · October 30 at 3:52pm Bagong Magandang Balita Biblia- Bagong Tipan Mateo 17: 1-27 Ang Pagbabagong-anyo ni Jesus (Marcos 9: 2-13)(Lucas 9: 28-36) Ang Pagbabagong-anyo ni Jesus guhit ni Gustave Dore Mateo 17:2-3 - Habang silay naroroon, nakita nilang nagbago ang anyo ni Jesus, nagliwanag na parang araw ang kanyang mukha at nagningning sa kaputian ang kanyang damit. Nakita na lamang ng tatlong alagad sina Moises at Elias na nakikipag-usap kay Jesus. 1 Pagkaraan ng anim na araw, isinama ni Jesus si Pedro at ang magkapatid na Santiago at Juan, at silay umakyat sa isang mataas na bundok. 2 Habang silay naroroon, nakita nilang nagbago ang anyo ni Jesus, nagliwanag na parang araw ang kanyang mukha at nagningning sa kaputian ang kanyang damit. 3 Nakita na lamang ng tatlong alagad sina Moises at Elias na nakikipag-usap kay Jesus. 4 Sinabi ni Pedro kay Jesus, Panginoon, mabutit naririto kami. Kung gusto ninyo, gagawa ako ng tatlong kubol, isa para sa inyo, isa para kay Moises at isa para kay Elias. 5 Habang nagsasalita pa si Pedro, nililiman sila ng napakaliwanag na ulap. Mula ritoy may tinig na nagsabi, Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan. Pakinggan ninyo siya! 6 Nang marinig ng mga alagad ang tinig, labis silang natakot at nagpatirapa. 7 Ngunit nilapitan sila ni Jesus at hinawakan. Tumayo kayo, huwag kayong matakot! sabi niya. 8 Nang tumingin sila, si Jesus na lamang ang kanilang nakita. 9 Habang silay bumababa sa bundok, iniutos sa kanila ni Jesus, Huwag ninyong sasabihin kaninuman ang inyong nasaksihan hanggat hindi muling nabubuhay ang Anak ng Tao. 10 Tinanong siya ng mga alagad, Bakit po sinasabi ng mga tagapagturo ng Kautusan na dapat munang dumating si Elias? 11 Sumagot siya, Paparito nga si Elias upang ihanda ang lahat ng bagay. 12 At sinasabi ko sa inyo, pumarito na si Elias ngunit hindi siya kinilala ng mga tao, at ginawa nila kay Elias ang gusto nila. Kayat tulad ng ginawa sa kanya, pahihirapan din nila ang Anak ng Tao. 13 Naunawaan ng mga alagad na si Juan na Tagapagbautismo ang tinutukoy niya. Pinagaling ni Jesus ang Batang Sinasaniban ng Demonyo (Marcos 9:14-29)(Lucas 9:37-43a) Pinagaling ni Jesus ang Batang Sinasaniban guhit ni Gustave Dore Mateo 17:14-15 - Nang silay makabalik, napakaraming tao ang kanilang nadatnan. Lumapit kay Jesus ang isang lalaki at lumuhod ito sa harap niya, at nagsabi, Ginoo, maawa po kayo sa anak ko! Siya poy may epilepsya at lubhang nahihirapan kapag sinusumpong. Madalas po siyang mabuwal sa apoy o kayay mahulog sa tubig. 14 Nang silay makabalik, napakaraming tao ang kanilang nadatnan. Lumapit kay Jesus ang isang lalaki at lumuhod ito sa harap niya, at nagsabi, 15 Ginoo, maawa po kayo sa anak ko! Siya poy may epilepsya at lubhang nahihirapan kapag sinusumpong. Madalas po siyang mabuwal sa apoy o kayay mahulog sa tubig. 16 Dinala ko po siya sa inyong mga alagad ngunit siyay hindi nila mapagaling. 17 Sumagot si Jesus, Lahing napakasama at walang pananampalataya! Hanggang kailan ako dapat manatiling kasama ninyo? Hanggang kailan ko kayo pagtitiisan? Dalhin ninyo rito ang bata! 18 Inutusan ni Jesus ang demonyo na lumabas sa bata, at ang batay gumaling agad. 19 Pagkatapos, lumapit ang mga alagad at tinanong si Jesus, nang wala na ang ibang nakakarinig, Bakit po hindi namin mapalayas ang demonyo? 20-21 Sumagot siya, Dahil sa maliit ang inyong pananampalataya. Tandaan ninyo: kung kayoy may pananampalataya sa Diyos na sinlaki ng buto ng mustasa, maaari ninyong sabihin sa bundok na ito, Lumipat ka roon! at itoy lilipat nga. Tunay na walang bagay na hindi ninyo magagawa. a Muling Binanggit ni Jesus ang Kanyang Kamatayan at Muling Pagkabuhay (Marcos 9:30-32)(Lucas 9:43b-45) 22 Nang magkatipon sa Galilea ang mga alagad, sinabi sa kanila ni Jesus, Ang Anak ng Tao ay pagtataksilan 23 at papatayin, ngunit siyay muling bubuhayin sa ikatlong araw. At silay lubhang nalungkot. Pagbabayad ng Buwis Para sa Templo 24 Pagdating nila sa Capernaum, lumapit kay Pedro ang mga maniningil ng buwis para sa templo. Nagbabayad ba ng buwis para sa templo ang inyong guro? tanong nila. 25 Opo, sagot ni Pedro. Nang pumasok siya sa bahay, tinanong siya ni Jesus, Ano sa palagay mo, Simon? Sino ang dapat magbayad ng buwis sa hari ng isang bansa, ang mga mamamayan ba, o ang mga dayuhan? 26 Ang mga dayuhan po, tugon ni Pedro. Sinabi ni Jesus, Kung gayon, hindi dapat magbayad ang mga mamamayan. 27 Gayunman, para wala silang masabi sa atin, pumunta ka sa lawa at mamingwit ka. Kunin mo ang unang isdang mahuli mo, ibuka mo ang bibig niyon, at may makikita kang isang malaking salaping pilak. b Kunin mo iyon at ibayad mo para sa buwis nating dalawa. Like · Reply · October 30 at 3:51pm Bagong Magandang Balita Biblia- Bagong Tipan Mateo 18: 1-35 Sino ang Pinakadakila? (Marcos 9: 33-37)(Lucas 9: 46-48) 1 Nang mga sandaling iyon, lumapit kay Jesus ang mga alagad at nagtanong, Sino po ang pinakadakila sa kaharian ng langit? 2 Tumawag si Jesus ng isang bata, pinatayo sa harap nila 3 at sinabi, Tandaan ninyo: kapag hindi kayo nagbago at naging katulad ng mga bata, hinding-hindi kayo makakapasok sa kaharian ng langit. 4 Ang sinumang nagpapakababa na gaya ng batang ito ay siyang pinakadakila sa kaharian ng langit. 5 Ang sinumang tumatanggap sa isang batang katulad nito alang-alang sa akin, ako ang kanyang tinatanggap. Mga Sanhi ng Pagkakasala (Marcos 9:42-48)(Lucas 17:1-2) 6 Mas mabuti pa sa isang tao ang siyay bitinan sa leeg ng isang malaking gilingang-bato at ihulog sa kailaliman ng dagat kaysa siyay maging sanhi ng pagkakasala ng isa sa maliliit na ito na nananampalataya sa akin. 7 Kahabag-habag ang daigdig sa dami ng mga tuksong nagiging sanhi ng pagkakasala! Hindi nga maiiwasan ang pagdating ng tukso, ngunit kakila-kilabot ang sasapitin ng taong pinanggagalingan nito. 8 Kung ang iyong kamay o paa ang nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, putulin mo iyon at itapon! Mas mabuti pa ang magkaroon ng buhay na putol ang isang kamay o isang paa, kaysa kumpleto ang iyong dalawang kamay at dalawang paa na itatapon sa apoy na hindi namamatay. 9 Kung ang mata mo naman ang siyang nagiging sanhi ng iyong pagkakasala, dukitin mo ito at itapon! Mas mabuti pa ang magkaroon ng buhay na bulag ang isang mata, kaysa may dalawang mata kang itapon sa apoy ng impiyerno. Ang Talinhaga Tungkol sa Nawawalang Tupa (Lucas 15:3-7) 10-11 Pakaingatan ninyong huwag hamakin ang isa sa maliliit na ito. Sinasabi ko sa inyo, ang kanilang mga anghel ay laging nasa harap ng aking Ama na nasa langit. a 12 Ano sa akala ninyo ang gagawin ng isang taong may sandaang tupa kung nawala ang isa sa mga iyon? Hindi ba niya iiwan ang siyamnaput siyam sa bundok upang hanapin ang naligaw? 13 Tandaan ninyo: kapag itoy kanyang natagpuan, higit niyang ikinagagalak ang isang ito kaysa siyamnaput siyam na hindi naligaw. 14 Gayundin naman, ayaw ng inyong Ama b na nasa langit na mapahamak ang isa sa maliliit na ito. Kung Magkasala ang Isang Kapatid 15 Kung magkasala sa iyo c ang kapatid mo, puntahan mo siya at kausapin nang sarilinan tungkol sa kanyang kamalian. Kapag nakinig siya sa iyo, naibalik mo sa dati ang pagsasamahan ninyong magkapatid. 16 Ngunit kung ayaw niyang makinig sa iyo, magsama ka pa ng isa o dalawang tao upang ang lahat ng pinag-usapan ninyo ay mapatunayan ng dalawa o tatlong saksi. 17 Kung ayaw niyang makinig sa kanila, sabihin mo sa iglesya ang nangyari. At kung ayaw pa rin niyang makinig sa iglesya, ituring mo siyang parang Hentil o isang maniningil ng buwis. Kapangyarihang Magbawal o Magpahintulot 18 Tandaan ninyo: anumang ipagbawal ninyo dito sa lupa ay ipagbabawal sa langit, at ang pahintulutan ninyo dito sa lupa ay pahihintulutan sa langit. 19 Tandaan din ninyo: kung ang dalawa sa inyo ay nagkaisa dito sa lupa sa paghingi ng anuman sa pananalangin, itoy ipagkakaloob sa inyo ng aking Ama na nasa langit. 20 Sapagkat saanman may dalawa o tatlong nagkakatipon sa pangalan ko, naroon akong kasama nila. Ang Talinhaga Tungkol sa Lingkod na Di-marunong Magpatawad 21 Lumapit si Pedro at nagtanong kay Jesus, Panginoon, ilang beses ko po bang patatawarin ang kapatid kong paulit-ulit na nagkakasala sa akin? Pitong beses po ba? 22 Sinagot siya ni Jesus, Hindi ko sinasabing pitong beses, kundi pitumpung ulit na pito. d 23 Sapagkat ang kaharian ng langit ay katulad nito: ipinasya ng isang hari na hingan ng ulat ang kanyang mga alipin tungkol sa kanilang mga utang. 24 Unang dinala sa kanya ang aliping may utang na milyun-milyong piso. 25 Dahil sa siyay walang maibayad, iniutos ng hari na ipagbili siya, pati ang kanyang asawa, mga anak, at lahat ng kanyang ari-arian, upang siyay makabayad. 26 Lumuhod ang taong ito sa harapan ng hari at nagmakaawa, Bigyan pa po ninyo ako ng panahon at babayaran ko sa inyo ang lahat. 27 Naawa sa kanya ang hari kayat pinatawad siya sa kanyang pagkakautang at pinalaya. 28 Ngunit pagkaalis roon ay nakatagpo niya ang isa niyang kamanggagawa na may utang na ilang daang piso sa kanya. Sinunggaban niya ito sa leeg, sabay sigaw, Magbayad ka ng utang mo! 29 Lumuhod ito at nagmakaawa sa kanya, Bigyan mo pa ako ng panahon at babayaran kita. 30 Ngunit hindi siya pumayag. Sa halip, itoy ipinabilanggo niya hanggang sa makabayad. 31 Labis na nagdamdam ang ibang mga tauhan ng hari nang malaman iyon, kayat pumunta sila sa hari at isinumbong ang buong pangyayari. 32 Ipinatawag ng hari ang malupit na lingkod. Napakasama mo! sabi niya. Pinatawad kita sa utang mo sapagkat nagmakaawa ka sa akin. 33 Naawa ako sa iyo. Hindi bat dapat ka rin sanang nahabag sa kapwa mo? 34 At sa galit ng hari, siyay ipinabilanggo hanggang sa mabayaran ang lahat ng kanyang utang. 35 Gayundin ang gagawin sa inyo ng aking Ama na nasa langit kung hindi ninyo patatawarin nang buong puso ang inyong mga kapatid. Like · Reply · October 30 at 3:51pm Bagong Magandang Balita Biblia- Bagong Tipan Mateo 19: 1-30 Katuruan Laban sa Pagpapalayas at Paghiwalay sa Asawa (Marcos 10: 1-12) 1 Pagkatapos niyang ipangaral ang mga bagay na ito, umalis si Jesus sa Galilea at nagtungo sa lupain ng Judea, sa kabila ng Ilog Jordan. 2 Sinundan siya ng napakaraming tao, at dooy pinagaling niya ang mga maysakit. 3 May ilang Pariseong lumapit sa kanya at nagtangkang humanap ng maipaparatang sa pamamagitan ng tanong na ito, Naaayon ba sa Kautusan na palayasin at hiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa sa kahit anong dahilan? 4 Sumagot si Jesus, Hindi pa ba ninyo nababasa sa kasulatan na sa pasimulay nilalang ng Diyos ang tao na lalaki at babae? 5 At siya rin ang nagsabi, Dahil ditoy iiwan ng lalaki ang kanyang amat ina, at magsasama sila ng kanyang asawa at silay magiging isa. 6 Hindi na sila dalawa kundi iisa, kayat ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng sinuman. 7 Tinanong siya ng mga Pariseo, Kung gayon, bakit iniutos ni Moises na bigyan ng lalaki ang kanyang asawa ng isang kasulatan ng paghihiwalay bago niya palayasin at hiwalayan ito? 8 Sumagot si Jesus, Ipinahintulot ni Moises na palayasin at hiwalayan ninyo ang inyong asawa dahil sa katigasan ng inyong ulo. Subalit hindi ganoon sa pasimula. 9 Ito ang sinasabi ko sa inyo, sinumang lalaking magpalayas at humiwalay sa kanyang asawa, maliban kung ang asawa niyay nangangalunya, a at mag-asawa ng iba, ay nagkakasala ng pangangalunya. 10 Sinabi naman ng mga alagad, Kung ganyan po ang kalagayan ng lalaki sa kanyang asawa, mabuti pang huwag na siyang mag-asawa. 11 Sumagot si Jesus, Hindi lahat ay kayang tumanggap ng aral na ito kundi sila lamang na pinagkalooban ng Diyos. 12 Sapagkat may ibat ibang dahilan kung bakit may mga lalaking hindi makapag-asawa: ang ilan ay dahil sa kanilang katutubong kalagayan; ang iba namay naging ganoon dahil sa kagagawan ng ibang tao; mayroon namang hindi nag-aasawa alang-alang sa kaharian ng langit. Dapat itong gawin ng taong nakakaunawa sa katuruang ito. Pinanalangin ni Jesus ang mga Bata (Marcos 10:13-16)(Lucas 18:15-17) 13 May nagdala ng mga bata kay Jesus upang ipatong niya sa mga ito ang kanyang kamay at silay ipanalangin. Ngunit pinagalitan sila ng mga alagad. 14 Sinabi ni Jesus, Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata. Huwag ninyo silang pagbawalan sapagkat ang mga katulad nila ang mapapabilang sa kaharian ng langit. 15 Ipinatong nga niya sa mga bata ang kanyang kamay, at pagkatapos, siyay umalis. Ang Binatang Mayaman (Marcos 10:17-31)(Lucas 18:18-30) 16 May isa namang lalaking lumapit kay Jesus at nagtanong, Guro, ano pong kabutihan ang dapat kong gawin upang makamtan ko ang buhay na walang hanggan? 17 Sumagot si Jesus, Bakit mo ako tinatanong kung ano ang mabuti? Iisa lang ang mabuti. Ngunit kung nais mong magkamit ng buhay na walang hanggan, sundin mo ang mga Kautusan ng Diyos. 18 Alin sa mga iyon? tanong niya. Sumagot si Jesus, Huwag kang papatay; huwag kang mangangalunya; huwag kang magnanakaw; huwag kang sasaksi nang walang katotohanan; 19 igalang mo ang iyong ama at ina; at ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili. 20 Sinabi ng binata, Tinutupad ko na po ang lahat ng iyan. Ano pa po ang dapat kong gawin? 21 Sumagot si Jesus, Kung ibig mong maging ganap, ipagbili mo ang lahat ng iyong ari-arian at ipamahagi sa mga mahihirap ang pinagbilhan. At magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. Pagkatapos, bumalik ka at sumunod ka sa akin. 22 Pagkarinig nito, malungkot na umalis ang binata sapagkat siyay napakayaman. 23 Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, Tandaan ninyo: napakahirap sa isang mayaman ang makapasok sa kaharian ng langit! 24 Inuulit ko, mas madali pang makadaan sa butas ng karayom ang isang kamelyo, kaysa makapasok sa kaharian ng Diyos ang isang mayaman. 25 Nagtaka ang mga alagad nang marinig ito kayat naitanong nila, Kung gayon, sino po ang maliligtas? 26 Tiningnan sila ni Jesus at sinabi, Hindi ito magagawa ng tao, ngunit magagawa ng Diyos ang lahat ng bagay. 27 Nagsalita naman si Pedro, Tingnan po ninyo, iniwan namin ang lahat at kamiy sumunod sa inyo. Ano po naman ang para sa amin? 28 Sinabi sa kanila ni Jesus, Tandaan ninyo: kapag naghahari na ang Anak ng Tao sa kanyang trono ng kaluwalhatian sa bagong daigdig, kayong sumunod sa akin ay uupo din sa labindalawang trono upang mamuno sa labindalawang lipi ng Israel. 29 Kapag iniwan ninuman ang kanyang tahanan, mga kapatid na lalaki at babae, ama, ina, b mga anak, o mga lupain alang-alang sa akin ay tatanggap siya ng sandaang ibayo at pagkakalooban siya ng buhay na walang hanggan. 30 Ngunit maraming nauuna na magiging huli, at maraming nahuhuli na mauuna. Like · Reply · October 30 at 3:50pm Bagong Magandang Balita Biblia- Bagong Tipan Mateo 20: 1-34 Ang Talinhaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan 1 Ang kaharian ng langit ay maitutulad sa isang taong lumabas nang maagang-maaga upang humanap ng manggagawa para sa kanyang ubasan. 2 Nang magkasundo na sila sa upa na isang salaping pilak a sa maghapon, ang mga manggagawa ay pinapunta niya sa kanyang ubasan. 3 Lumabas siyang muli nang mag-aalas nuwebe ng umaga at nakakita siya ng iba pang tatayu-tayo lamang sa palengke. 4 Sinabi niya sa kanila, Pumunta din kayo at magtrabaho sa aking ubasan, at bibigyan ko kayo ng karampatang upa. 5 At pumunta nga sila. Lumabas na naman siya nang mag-aalas dose ng tanghali at nang mag-aalas tres ng hapon, at ganoon din ang ginawa niya. 6 Nang mag-aalas singko na ng hapon, siyay lumabas muli at nakakita pa ng mga ibang wala ring ginagawa. Sinabi niya sa kanila, Bakit tatayu-tayo lang kayo dito sa buong maghapon? 7 Kasi poy walang magbigay sa amin ng trabaho, sagot nila. Kayat sinabi niya, Kung gayon, pumunta kayo at magtrabaho sa aking ubasan. 8 Nang gumagabi na, sinabi ng may-ari ng ubasan sa kanyang katiwala, Tawagin mo na ang mga manggagawa at bayaran mo sila magmula sa huli hanggang sa unang nagtrabaho. 9 Ang mga nagsimula nang mag-aalas singko ng hapon ay tumanggap ng tig-iisang salaping pilak. 10 Nang lumapit ang mga nauna, inakala nilang tatanggap sila nang higit doon; ngunit ang bawat isay binayaran din ng tig-iisang salaping pilak. 11 Nang magkagayoy nagreklamo sila sa may-ari ng ubasan. 12 Sinabi nila, Isang oras lamang gumawa ang mga huling dumating, samantalang maghapon kaming nagtrabaho at nagtiis sa nakakapasong init ng araw. Bakit naman pinagpare-pareho ninyo ang aming upa? 13 Sumagot ang may-ari ng ubasan sa isa sa kanila, Kaibigan, hindi kita dinadaya. Hindi bat nagkasundo tayo sa isang salaping pilak? 14 Kunin mo ang para sa iyo at umalis ka na. Ano sa iyo kung ibig kong bayaran ang nahuli nang tulad ng ibinayad ko sa iyo? 15 Wala ba akong karapatang gawin sa ari-arian ko ang aking maibigan? Kayo bay naiinggit dahil akoy nagmagandang-loob sa iba? 16 At sinabi ni Jesus, Ang nahuhuli ay mauuna, at ang nauuna ay mahuhuli. Ikatlong Pagpapahayag ni Jesus ng Kanyang Kamatayan (Marcos 10:32-34)(Lucas 18:31-34) 17 Nang nasa daan na sila papuntang Jerusalem, ibinukod ni Jesus ang labindalawang alagad at sinabi sa kanila, 18 Pupunta tayo sa Jerusalem. Dooy ipagkakanulo ang Anak ng Tao sa mga punong pari at sa mga tagapagturo ng Kautusan. Hahatulan siya ng kamatayan 19 at ibibigay sa mga Hentil. Siyay kukutyain, hahagupitin at ipapako sa krus ngunit muli siyang bubuhayin ng Diyos sa ikatlong araw. Ang Kahilingan ng Ina nina Santiago at Juan (Marcos 10:35-45) 20 Lumapit kay Jesus ang asawa ni Zebedeo, kasama ang dalawa niyang anak na lalaki. Lumuhod siya sa harapan ni Jesus upang sabihin ang kanyang kahilingan. 21 Ano ang gusto mo? tanong ni Jesus. Sumagot siya, Kapag naghahari na po kayo, paupuin ninyo sa inyong tabi ang dalawa kong anak, isa sa kanan at isa sa kaliwa. 22 Hindi ninyo nalalaman ang inyong hinihingi, sabi ni Jesus sa kanila. Maiinuman ba ninyo ang kopa na malapit ko ng inuman? Opo, tugon nila. 23 At sinabi ni Jesus, Daranasin nga ninyo ang hirap na titiisin ko. Ngunit wala sa akin ang pagpapasya kung sino ang mauupo sa aking kanan at sa aking kaliwa. Ang mga upuang iyoy para sa pinaglalaanan ng aking Ama. 24 Nang marinig ito ng sampung alagad, nagalit sila sa magkapatid. 25 Dahil dito, pinalapit sila ni Jesus at sinabi sa kanila, Alam ninyo na ang mga pinuno ng mga Hentil ang naghahari sa kanila, at ang mga dinadakila ang siyang nasusunod. 26 Hindi ganyan ang dapat umiral sa inyo. Kung nais ninyong maging dakila, dapat kayong maging lingkod sa iba, 27 at kung sinuman sa inyo ang nagnanais maging una, siya ay dapat maging alipin ninyo. 28 Sapagkat maging ang Anak ng Tao ay naparito, hindi upang paglingkuran, kundi upang maglingkod at ialay ang kanyang buhay sa ikatutubos ng marami. Pinagaling ang Dalawang Bulag (Marcos 10:46-52)(Lucas 18:35-43) 29 Pag-alis nila sa Jerico, si Jesus ay sinundan ng napakaraming tao. 30 Doon ay may dalawang bulag na nakaupo sa tabi ng daan. Nang marinig nilang dumaraan si Jesus, silay nagsisigaw, Panginoon, Anak ni David, b mahabag po kayo sa amin! 31 Pinagsabihan sila ng mga tao at pinapatahimik, ngunit lalo silang nagsisigaw, Panginoon, Anak ni David, mahabag po kayo sa amin! 32 Tumigil si Jesus, tinawag sila at tinanong, Ano ang gusto ninyong gawin ko para sa inyo? 33 Sumagot sila, Panginoon, gusto po naming makakitang muli! 34 Nahabag si Jesus sa kanila at hinipo ang kanilang mga mata. Agad silang nakakita, at silay sumunod sa kanya.
Posted on: Sat, 09 Nov 2013 06:05:05 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015