METRO MANILA TUMBOK NI GORIO, NASA SIGNAL NO. 2 - TopicsExpress



          

METRO MANILA TUMBOK NI GORIO, NASA SIGNAL NO. 2 NA! Pinangangambahan na maaring hagupitin ng mismong mata ng bagyong Gorio ang Metro Manila bukas ng umaga ng Linggo. Batay sa ulat ng Joint Typhoon Warning Center (JTWC), dadaan ang sentro ng bagyong Gorio sa bahagi ng Antipolo at Malabon, mula sa bahagi ng Rizal at Quezon province. Sa lawak ng kaulapan at dalang hangin ng bagyo pinangangambahan na ang buong Metro Manila ay makakaranas ng masungit na lagay ng panahon bukas bago magtanghali. Taliwas ito sa unang ulat ng Pagasa na gigilid lamang ang sentro ng bagyong Gorio sa Metro Manila kung saan mula sa Quezon province tutumbukin umano nito ang Bulacan at iba pang bayan sa Central Luzon. Sa alas-5:00 ng hapon na forecast ng Pagasa ay nagbago ang galaw ng bagyo at lalapit daw sa Metro Manila dakong alas-6:00 ng umaga bukas kaya inaasahan ang moderate to heavy rains na mararanasan dakong alas-8:00 bukas ng umaga. Isinailalim na ngayon ng Pagasa sa signal number two ang Metro Manila dahil sa banta ng bagyo na unang nanalasa sa Eastern Samar at ngayon naman ay nasa bahagi ng Legazpi. Narito ang mga lugar na nasa ilalim ng signal No. 2 Masbate incl. Ticao Burias Islands Sorsogon Albay Camarines Sur Camarines Norte Marinduque Quezon incl. Polilio Island Rizal Bulacan Pampanga Tarlac Zambales Nueva Ecija Pangasinan Batangas Laguna Cavite Bataan Metro Manila Nasa signal No. 1 ang mga sumusunod: Catanduanes Romblon Mindoro Provinces incl. Lubang Island La Union Benguet Nueva Vizcaya Quirino Aurora Samar Provinces Leyte Provinces Biliran Northeastern Iloilo Capiz Aklan Samantala ayon pa sa Pagasa, kaninang alas-4:00 ng hapon natukoy ang sentro ng bagyo sa 40 kilometro sa southeast ng Legazpi City. Taglay nito ang lakas ng hangin mula sa gitna na umaabot sa 65 kilometers per hour at meron pagbugso ng hangin na umaabot naman sa 80 kilometro bawat oras. Bahagyang bumilis ang bagyo sa 24 na kilometro kada oras sa direksyon na pahilagang kanluran. Sa Linggo inaasahang nasa 60 kilometro na ito northwest ng Iba, Zambales matapos na dumaan ng Metro Manila sa umaga. "Residents in low lying and mountainous areas under signals #2 & #1 are alerted against possible flashfloods and landslides. Likewise, those living in coastal areas are alerted against big waves or storm surges generated by this tropical cyclone. Estimated rainfall amount is from 5 - 15 mm per hour (moderate - heavy) within the 300 km diameter of the Tropical Storm," bahagi pa ng abiso ng Pagasa.
Posted on: Sat, 29 Jun 2013 11:13:06 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015