MGA REHIYON NG ASYA Sa Heograpiya , mahalagang maunawaan na ang - TopicsExpress



          

MGA REHIYON NG ASYA Sa Heograpiya , mahalagang maunawaan na ang mga konsepto ng paghahating panrehiyon ay binuo lamang ng tao batay sa pagkakapareho sa katangiang heograpikal , pisikal , historikal , at kultural . Gayunpaman, malaki ang papel na ginagampanan na pisikal na heograpiya sa mga rehiyon na may pagkakaiba sa uri ng tirahan , pananamit , pagkain , at sistema ng transportasyon . Ang mga rehiyon sa asya ay tinatawag na heograpikal at kultural na mga sona . ibig sbhn , isinasaalang alang sa paghahati ang sumusunod na mga aspeto: pisikal , historikal , at kultural . Batay sa mga salik na ito , nahahati sa limang rehiyon ang asya: Hilaga , Kanluran , Timog , Timog Silangan , at Silangang Asya . Ang Hilangang Asya ay binubuo ng mga bansang dating Soviet Central Asia - Kazakhstan , Kyrgyzstan , Tajikistan , Azerbaijan , Turkmenistan , Uzbekistan , Georgia , At Armenia . Kilala rin ang rehiyong ito sa katawagang Central Asia ( Gitnang Asya ) o Inner Asia . Kabilang din sa Hilagang Asya ang Mongolia at ang Siberia o ang lupaing bahagi ng Russia na nasa Asya .
Posted on: Sat, 20 Jul 2013 09:40:13 +0000

Recently Viewed Topics




© 2015