Mag-asawa niratrat ng pamangkin Ni Ed Casulla (The Philippine - TopicsExpress



          

Mag-asawa niratrat ng pamangkin Ni Ed Casulla (The Philippine Star) | Updated December 5, 2013 - 12:00am CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Napatay ang 52-anyos na mister habang kritikal naman ang misis nito matapos pagbabarilin ng pamangking lalaki dahil sa matin­ding panibugho kahapon ng umaga sa Barangay Espinosa, Masbate City, Masbate. Kinilala ng pulisya ang napatay na si Probador Francisco habang naisugod naman sa Masbate Provincial Hospital ang misis nitong si Aida Francisco, 54, kapwa nakatira sa nasabing barangay. Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Michael Francisco, 29, binata, jobless, ng nasabing lungsod. Sa police report na nakara­ting kay ni P/Senior Supt. Culbert Sison, magkasamang nag-aalmusal sa kusina ng kanilang bahay ang mag-asawa nang lapitan at ratratin ng suspek bandang alas-7 ng umaga. Narekober sa crime scene ang ilang basyo ng bala ng cal. 45 pistol. philstar/probinsiya/2013/12/05/1264236/mag-asawa-niratrat-ng-pamangkin
Posted on: Wed, 04 Dec 2013 23:00:00 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015