Magaling Na Daw? Ine-examin nung Doktor yung isang pasyente sa - TopicsExpress



          

Magaling Na Daw? Ine-examin nung Doktor yung isang pasyente sa Mental Hospital sa pamamagitan ng tanong at sagot... Doktor: Kung ikaw ay palabasin ngayon sa ospital, ano ang iyong unang gagawin? Pasyente: Titiradorin ko po ang buwan! Doktor: Ikaw ay hindi pa pwedeng palabasin. E-examinin ulit kita sa paglipas ng anim na buwan. (Pagkaraan ng anim na buwan, muling inexamin nung Doktor yung pasyente...) Doktor: Kung ikaw ay palabasin ngayon sa ospital, ano ang iyong gagawin? Pasyente: Doktor, ako’y magaling na. Pagkalabas ko po sa ospital, ako po ay hahanap ng trabaho upang mamuhay ng mag-isa. Doktor: Pagnakahanap ka ng trabaho, ano ang iyong gagawin? Pasyente: Doktor, ako po ay manliligaw ng isang mabait, masipag at magandang babaeng pwede kong makakapiling na pang habang buhay. (Gulat ang Doktor! Mukhang matino na ang kaniyang pasyente!) Doktor: Pagkatapos niyong makasal, ano ang iyong gagawin? Pasyente: Aba, Doktor, kami po ay mag-hahanimun! (Bilib na naman ang Doktor...) Doktor: Ano ang iyong gagawin sa inyong hanimun? Pasyente: Doktor, huhubarin ko po ang blusa at palda ng aking bagong asawa. Doktor: Pagkatapos? Pasyente: Pagkatapos...huhubarin ko ang kaniyang bra at panty... Doktor: Pagkatapos? Pasyente: Pagkatapos...kukunin ko lahat ng lastiko sa bra at panty at titiradorin ko ang buwan! bwaaahahahaha...LoL:))...
Posted on: Sat, 03 Aug 2013 12:35:59 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015