Mahigit 100,000-katao apektado sa baha (Joselito Perez/JB - TopicsExpress



          

Mahigit 100,000-katao apektado sa baha (Joselito Perez/JB Salarzon) Lumobo pa sa mahigit 100,000 na residente ang dumaranas ng matinding pagbabaha sa mga bayan ng Maguindanao at North Cotabato sa walang tigil na pag-uulan dala ng hindi magandang panahon. Sa pinakahuling tala ng Pamahalaang Lungsod ng Cotabato, 26 sa 37 nitong barangay ay lubog sa baha at patuloy ang paglikas ng mga apektadong residente sa kanilang tahanan patungo sa mga evacuation center. Sinabi ni city administrator Atty. Cynthia Guiani Sayadi na marami-rami rin ang nananatili sa kani-kanilang mga tahanan kaysa magtungo sa mga evacuation center sa takot na manakawan sila ng mga kaga­mitan. Samantala, malabo namang maging ganap na bagyo ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) matapos itong sumayad sa lupa kahapon, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA). Gayunpaman ay makakaranas pa rin ng mga pag-ulan dala ng naturang LPA na nakapaloob sa intertropical convergence zone na magdudulot ng posibleng flashfloods at landslides sa lugar ng Palawan, Visayas Regions, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, ARMM at SOCCSKSARGEN. 10-anyos pinatay sa palo ng SK chairman (Al Jacinto) ZAMBOANGA CITY --- Sa halip na pangalagaan sa karaha­san at maging katuwang sa pagpoprotekta sa mga kabataan, isang chairman ng Sangguniang Kabataan (SK) ang sinampahan ng kaso matapos nitong patayin ang isang 10-anyos na bata sa bayan ng Aurora sa Zamboanga del Sur province sa western Mindanao. Sinabi ni Chief Insp. Ariel Huesca, regional police spokesman, na nakapiit ngayon sa bilangguan sa naturang bayan si Al­gien Lucero, 20. Pinagpapalo umano ni Algien, na noon ay lango sa alak, ang batang si Richard Lucero sa Barangay Bag-Ong. Hindi pa mabatid ang motibo sa pagpatay ngunit inamin umano ng suspek sa kanyang kasama sa bahay na si Dennis Lopez na pinaslang nito ang bata at sapilitang isinama sa sa­gingan kung saan ay itinago ang bangkay. Sa takot ni Dennis ay hindi agad nito naisumbong sa pulisya ang krimen ngunit nang dumating sa kanilang bahay ang ama ng bata at kasama ang opisyal ng barangay ay itinuro nito ang lugar kung saan iniwan ang bangkay.
Posted on: Mon, 05 Aug 2013 01:07:03 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015