Napoles properties inilitanya ng whistleblower Ibinunyag - TopicsExpress



          

Napoles properties inilitanya ng whistleblower Ibinunyag kahapon ng isang whistleblower ang ilan sa mga pag-aari na nabili ng negosyanteng si Janet Lim-Napoles, ang utak sa likod ng kontro­bersiyal na P10 bilyon pork barrel fund scam. Sa kanyang pagtestigo sa Senado kahapon, sinabi ni Marina Sula, dating finance officer ni Napoles sa kanyang kumpanyang JLN Corp., na siya ang may direktang alam sa mga properties nito. Ipinakita pa nito sa komite ang listahan ng mga properties ni Napoles kabilang ang Hotel Inn sa Anaheim at Ritz Carlton sa Los Angeles sa Estados Unidos. Kabilang pa sa mga properties ni Napoles ang bahay sa Ayala Alabang, house and lot sa Magallanes, sa Eton Pro­perties, Rockwell Condominium, lote sa South Toll, condo sa Eastwood, Discovery Suite at marami pang iba. Bukod pa ito sa Janet Lim-Napoles (JLN) Corp. at JCL Real Estate Pro­perties na ipinangalan sa kanyang mga anak. Ayon pa kay Sula, siya umano ang nagbabayad sa real property taxes ng mga pag-aari ni Napoles at siya ring nagbubukas ng mga bank accounts nito sa Land Bank of the Philippines at Metrobank branch sa Magdalena, Binondo, Manila. kerengkeng
Posted on: Thu, 26 Sep 2013 22:30:06 +0000

Trending Topics




© 2015