PAANO KILIGIN ANG MGA BABAE? 1. The Alien Style. Ang mga - TopicsExpress



          

PAANO KILIGIN ANG MGA BABAE? 1. The Alien Style. Ang mga babae pag nakakakita ng gwapo o pag nakita yung crush nila, asahan mo na yung kakaibang language na sasabihin niyan. Yung tipong biglang sasabihin, “Emerged! Shi crush endyen!” Tapos minsan akala mo naipit kung saan kung makasigaw ng “Oh my God! May pogi!” Ganyan yan. 2. The Karate Kid. Karamihan sa mga babae yan ang ginagawa. Yung tipong pag kinilig bigla biglang nanghahampas o ano. Yung daig pa ang nangangarate kung makahampas sa kasama. Kaya guys, pag nakita niyong yung crush ng kasama mo parating na, pwede kang maging si Flash. Bilisan mo dapat ang paglayo sa kasama mo. Wag magbagal kung ayaw mong masaktan. 3. The Missing in Action Style. Eto namanyung mga babaeng biglang nawawala pag andyan yung crush nila. Dahil sa sobrang kilig at hindi na mapigilan, ayun, nagtatago na at baka mahalata pa sya. Minsan naman pag alam na ng crush mo na may crush ka sa kanya, ayun, uso din mahiya kaya tago tago din. 4. The Silent Type. Eto naman yung mga babae na pag nakikita yung crush nila parang wala lang. Di mo makikita sa mukha nila na kinikilig siya. Pero asahan mo, pag nag-iisa na yan, kung kiligin wagas. Tumatalon talon pa. 5. Frog Style. Sila yung mga babaeng pag nakikita ang crush nila eh daig pa ang palaka kung makatalon dahil sa sobrang kilig. Yung tipong akala mo may ipis na dadapo sa kanya kaya kailangan tumalon. 6. Movie Style. Sila naman yung mga babaeng pag nakikita ang crush eh kung anu-ano na ang naiisip. Nag-iimagine na agad na magkakatuluyan sila ng crush niya. Iniisip na agad ang kanilang happy ending. Yung makapag-imagine eh daig pa ang wala ng bukas #RainyEvening
Posted on: Sat, 23 Nov 2013 10:15:47 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015