PNOY PINAPAHAMAK -- PING Si Pangulong Benigno Aquino III umano - TopicsExpress



          

PNOY PINAPAHAMAK -- PING Si Pangulong Benigno Aquino III umano ang nalalagay sa alanganin sa isyu ng paggamit ng Disbursement Acceleration Program (DAP) fund. Ito ang sinabi ni dating Sen. Panfilo Lacson dahil sa magulong mga paliwanag ng mga tagapasalita ng Pangulo sa isyu ng DAP at ang tila pagsangga ng palasyo sa mga tanong para sa Department of Budget and Management (DBM). “Ang nangyayari nabi­bilad ang Pangulo, siya ang naiipit. Sabi ko nga in all countries of the world, the Chief Executive is always insulated as much as possible from crisis,” pahayag ni Lacson sa pana­yam ng mga mamama­hayag kahapon. Sa halip aniya na si Budget Sec. Florencio ‘Butch’ Abad ang magpa­liwanag tungkol sa DAP ay ang tagapasalita ng palasyo na sina Secre­tary Edwin Lacierda at Secretary Ricky Carandang ang gumagawa nito. “The moment I saw Secretary Lacierda and Secretary Carandang explaining on behalf of Secre­tary Abad, I already saw a problem,” sabi ni Lacson. “Bakit ang spokespersons ng Pangulo ng Malacanan ang nag-e-explain para sa DBM, dapat nga ang DBM ang nag-e-explain dahil usapin nila ito eh. Mukhang baligtad na ata,” dagdag pa nito. Sabi pa ni Lacson, tila pinapagulo lang umano ng ilang mga opisyal ng Palasyo dahil sa paglalabas na kung anu-anong statement tungkol sa DAP. May ‘alas’ si Abad? Hinala naman ni Navotas Rep. Toby Tiangco, secre­tary-general ng United Nationalist Alliance (UNA), may hawak na ‘alas’ ang kalihim kay Pangulong Aquino kaya’t hindi ito mabi­tawan sa gitna ng mga ali­ngasngas sa DAP fund. Nakakapagtaka umano na kahit ipinapahamak na siya ni Abad sa malasadong paghawak sa DAP fund ay hindi ito pinipitik man lang ng Pangulo. DAP ‘di isusuko ni PNoy: Use it or lose it Ngunit taliwas sa mga alegasyong ito, mismong ang Pangulo ang ­nagsabi kahapon na hindi nito isusuko ang DAP dahil maha­laga ito sa mga programang pang-ekonomiya ng bansa at sa deretsong paghahatid ng serbisyo sa tao. Ginawa ni Aquino ang nasabing pahayag sa mga mamahayag sa Bali, Indonesia nang tanungin kung isusuko na ang nasabing programa na ang pondo ay mula sa savings ng gobyerno. “We have a policy in the Cabinet. We termed the policy ‘use it or lose it’, ano. Parang there is no reason for everybody to be delayed if there is an opportunity to accelerate that project which was approved by Congress, which they found merit with and if we can accelerate the benefits that will accrue to the people, why delay it? Di ba, so why lose and go to the whole process of having it approved again in a subsequent year,” ani Aquino. Dapat may makasuhan! Kailangang may ma­nagot sa maling paggamit sa DAP at itinutuon din ni Abakada partylist Rep. Jonathan dela Cruz ang titig kay Sec. Abad. “Syempre ‘yung pinanggalingan. Sinong author nito? Sino ‘yun, si (Dept. of Budget and Management) Sec. (Florencio) Abad. Dun nag-umpisa ‘yan. S’ya rin ang nagdesisyon kung saan pupunta yung mga pera na ‘yun,” giit ni Dela Cruz. Pero ang Commission on Audit (COA), magsisimula nang mangalkal ng mga impormasyon sa bakuran ng Senado para ala­min kung paano ginastos ng mga senador ang nakuhang DAP fund na sina­sabing hindi nakapaloob sa Congress-approved 2012 national budget. Ang hakbang ay ginawa ni COA chairperson Grace Pulido-Tan bilang tugon sa kahilingan ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na paimbestigahan ang mga proyektong inilunsad gamit ang DAP. =chen=
Posted on: Tue, 08 Oct 2013 22:54:02 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015