PRESS RELEASE VIA FACEBOOK AT RSS SULONG NA PRODUKTONG - TopicsExpress



          

PRESS RELEASE VIA FACEBOOK AT RSS SULONG NA PRODUKTONG PILIPINO! WORLD CLASS NA DE KALIDAD PA!! Pangungunahan ni Maestro Blue G. Alamis, Pangulo at nagtayo ng JUAN UP International Company ang “1st All Leaders Planning Conference” na magsisimula sa July 11- 14, 2013. Ang mga lider delegado na tinawag na “Bellwether” ay magmumula sa bayan ng Olongapo City, Pangasinan, Bataan at Metro Manila. Mahigit sa 35 delegado ang magsasama-sama para malalim na suriin ang kalakasan at kahinaan ng mga produktong Pilipino. Gayundin, upang alamin ang mga oportunidad sa ibayong dagat kung baket tinatangkilik ng mga dayuhan ang mga produktong herbal na gawang Pilipinas samantalang mas ginugusto pa ng mga Pilipino ang mga produktong gawang dayuhan. Sa tema ng komperensya na “SULONG NA PRODUKTONG PILIPINO! WORLD CLASS KA! DE KALIDAD PA!” Inaasahang makabuo ng malinaw na Mission Statement, Vision, Goals at Values and Operating Principles ang JUAN UP International Co. Ayon kay Maestro Blue, nagpahayag ng pakikiisa ang ilang mga mga manufacturers at tinitiyak nila kay Maestro Alamis na susuportahan nito ang kanyang nakikitang patutunguhan ng mga produktong Pilipino at handa diumano silang ibaba ang halaga ng presyo ng hindi naaapektuhan ang kalidad ng produkto. Tungkol naman sa interes ng mga distributors na dumalo sa nasabing komperensya ayon kay Maestro Alamis matapos ang komperensya ay makakadalo ang mga interesadong mga nagnanais magpasok ng pamumuhunan sa isasagawang “soft launching nito sa darating na September 19. Makakaasa ang mga kapatid kong mga gipit na manggagawa na maliit ang sahod at mga magsasakang kinuba na ng kahirapan na si Juan ay susulong at uunlad dahil mulat na ang mga Pilipino para buhayin ang pag-ibig sa kapuwa tao sa pagpapairal ng kulturang bayanihan tungo sa pagtutuwid na baluktot na daang pinairal ng mga mapagsamantala, sabi pa ni Maestro Alamis#...
Posted on: Tue, 09 Jul 2013 15:23:18 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015