SINUMPAANG SALYSAY NI LLOYD BENEDICT ENRIQUEZ y BULAK KAY PO3 - TopicsExpress



          

SINUMPAANG SALYSAY NI LLOYD BENEDICT ENRIQUEZ y BULAK KAY PO3 UBALDO S MACATANGAY JR SA HARAP NI SPO4 ISMAEL PEDROSA DITO SA TANGGAPAN NG SOUTHERN METRO MAILA CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION TEAM SPD COMPOUND FORT BONIFACIO, TAGUIG CITY NGAYONG IKA-23 NG SETYEMBRE 2013 SA GANAP NA 2:30 NG UMAGA ----------------------------------------------X X-------------------------------------Pahina -1----------------------------------X PASUBALI: LLOYD BENEDICT, nais kong malaman at maunawan mo na ikaw ay nahaharap sa pagtatanong kaugnay sa pagpatay kay KRISTELLE DAVANTES na natagpuan ang kanyang bangkay noong Setyembre 7, 2013 sa Silang, Cavite. Matapos mong malaman o maunawaan ang dahilan o layunin ang pagtatanong na ito, nais ko rin ipabatid at ipaalam saiyo ang mga karapatan mo alinsunod sa batas natin na umi-iral gaya ng mga sumusunod: a) Karapatan mong tumahimik at huwag sumagot ng anumang tanong na ina-akala mong makakasama o makakasira saiyong pagkatao; b) Karapatan mo rin kumuha ng abogado ng iyong sarili mong pili upang siya ang magsisilbing gabay o patnubay mo habang ikaw ay natatanong, at kung wala, ang opisina na ito ay magbibigay ng isa para saiyo na walang bayad; at c) Nais ko rin malaman at maunawaan mo na anuman ang mga sasabihin dito ngayon ay ma-aaring gamitin ebidensya laban o pabor saiyo alinman hukuman dito sa ating bansa. Lahat ba ito ay maliwanag at naiitindihan mo? SAGOT: Opo.___________ TANONG: Matapos malaman at maunawan mo ang mga karapatan mo ayon Alinsunod sa batas natin na umi-iral, ikaw ba ay suma-sang-ayon na magbigay ng ulat o pahayag? SAGOT: Opo. TANONG: Mayroon ka bang sariling piling abogado upang siya ang magsilbing gabay o patnubay mo habang ikaw ay nahaharap sa pagtatanong o imbestigasyon? SAGOT: Meron po, nais ko pong maging gabay si ATTY._____________________na siyang sarili kung piling abogado na papatnubay sa akin habang nagbibigay po ako ng aking malaya at kusang loob na salaysay. TANONG: Ikaw ba ay nakahanda na lumagda ng isang pag-papatunay na bago makunan ng salaysay, lahat ng mga karapatan mo ay naipaliwanag saiyo? SAGOT: Opo. P A T U N A Y Ako, LLOYD BENEDICT ENRIQUEZ y BULAK, 18 taon gulang, binata, tubong Depolog City, Zamboanga Del Norte at kasalukuyang naninirahan sa Molino Dos, Villa Esperanza, Bacoor City, Cavite, ay nais kong iparating sa sinoman kina-uukulan na ako bago magbigay ng salaysay, lahat ng mga karapatan ko ay naipaliwanag sa akin at naunawaan ko. Hindi ako pinilit, tinakot, sinaktan o binigyan ng pabuya upang magbigay laman ako ng salaysay. BILANG PATUNAY, ay aking ilalagda ang pangalan ko sa baba nito ngayong ika-23 ng Setyembre 2013, SMMCIDT SPD Compound, Fort Bonifacio, Taguig City. LLOYD BENEDICT B. ENRIQUEZ (Maysalaysay) KARUGTONG NG SALAYSAY NI LLOYD BENEDICT B. ENRIQUEZ--------X IBINIGAY KAY PO3 MACATANGAY---------------------------------------------------X NGAYONG IKA-23 NG SETYEMBRE 2013------------------------------------------X X--------------------------------------------Pahina -2-----------------------------------------X SUBSCRIBED AND SWORN TO before me this 23rd day of September 2013, Quezon City Philippines. ROMEO R. NIÑO Police Chief Inspector Administering Office Assisted By: ARIEL N. RUIZ Public Attorney ROLL NO. 57131 01. T: Maari mo bangn sabihin ulit ang tunay mong pangalan, edad, tirahan at mga ibat-ibang bagay na maaring pagkakilanlan saiyong buong pagkatao? S: Ako po si LLOYD BENEDICT ENRIQUEZ BULAK, 18 taong gulang, binata, tubong Depolog City, Zamboanga Del Norte at kasalukuyang naninirahan sa Molino Dos, Villa Esperanza, Bacoor City, Cavite. 02. T: Marunong ka bang bumasa sa wikang Tagalog? S: Marunong po. 03. T: Anong antas ng pag-aaral ang natapos mo? S: Hanggang grade 4 lamang po ang natapos ko. 04. T: Ikaw ba ay nasa tamang pag-iisip at walang anomang karamdaman habang nagbibigay ka ng iyong kusang loob na salaysay? S: Opo. 05. T: Sa anong dahilan at naririto ka sa aming tanggapan dito sa SMMCIDT SPD Compound Fort Bonifacio, Taguig City? S: Para magbigay ng kusang loob na salaysay kaugnay sa pagkamatay ni Kristelle Davantes. 06. T: Kilala mo ba ng personal si Kristelle Davantes? KARUGTONG NG SALAYSAY NI LLOYD BENEDICT B. ENRIQUEZ--------X IBINIGAY KAY PO3 MACATANGAY---------------------------------------------------X NGAYONG IKA-23 NG SETYEMBRE 2013-----------------------------------------X X-------------------------------------------Pahina -2------------------------------------------X KARUGTONG SA SAGOT BILANG 06. S: Hindi po, nakilala ko lang po siya matapos po naming siyang patayin ng Makita at mabalitaan naming ito sa TV at mga pahayagan at sa kanyang kotse na nawawala. 07. T: Ano ang kinalaman mo sa sinasabi mong pagkamatay ni Kristelle Davantes? S: Kasama po ako ng aming dukotin o kunin si Kristelle sa tapat ng bahay niya sa Moonwalk, Las Piñas City bago naming siya pinatay? 08. T: Sino ang mga kasama mo ng dokutin nyo si Kristelle? S: Sina JOJO, DECIMO, JOMAR, JOREK at si BASER Minalang po. 09. T: Kailan nyo dinukot o kinuha si Kristelle sa tapat ng bahay nila? S: Noong September 7, 2013 ganap na humigit kumulang 1:00 ng umaga. 10. T: Maaari mo bang isalaysay kung paano nyo dinukot si Kristelle? S: Ganito poi yon, habang nasa loob po kami ng Moonwalk Village sa Las Piñas City sakay sa aming sasakyan na kotse na kulay pula napansin naming ang kotse ni Kristelle na kasunod naming kaya huminto kami sa tabi ng kalsada at huminto rin ang kotse ni Kristelle sa likod ng aming sasakyan na may layong humigit kumulang anim(6) hanggang pitong (7) hakbang. Bumalik an gaming kotse habang si Kristelle ay kita naming na kabababa lamang ng sasakyan at sinara ang pintuan nito. Tatawid sana si Kristelle papuntang bahay nila ng dumaan an gaming kotse kaya siya ay napatingin sa kotse naming at sa aming mgakasama sa loob ng sasakyan. 11. T: Ano pa nag sumunod na nangyari? S: Nang kami mo po ay makalampas sa kanyahuminto po an gaming sasakyan malapit sa kanilang bahay. Habang nagbubukas po ng gate si Kristelle bumaba po ng sasakyan naming sina JOJO, JORECK at BASER MINALANG at nilapitan si Kristelle agad pong hinawakan ni Joreck si Kristelle sa balikat nito at tinutokan ng baril na 38 revolver na sira. Hinawakan din agad nina Jojo at Baser sa magkabilang braso ni Kristelle habang patungo sa sasakyan katabi sina Baser at Joreck habang si Jojo ang nagmamaneho ng sasakyan ni Kristelle. 12. T: Ano naman ang ginawa nyo nina Decimo at Jomar sa inyong dalang sasakyan? S: Nakatingin lamang po kami habang dinudukot nila si Kristelle. 13. T: Saan ka ba nakapwesto sa loob ng inyong sasakyan? S: Sa likod po ako nakasakay habang si Jomar ang nagmamaneho at si Decimo ay katabi niya sa unahan nakaupo. 14. T: Matapos maisakay si Kristelle sa kanyag sasakyan ano ang sumunod na nangyari? S: Pinaandar po ni Jojo ang sasakyan at umalis nap o kami sa subdivision. Sinundan po naming ang sasakyan ni Kristelle na KARUGTONG NG SALAYSAY NI LLOYD BENEDICT B. ENRIQUEZ--------X IBINIGAY KAY PO3 MACATANGAY---------------------------------------------------X NGAYONG IKA-23 NG SETYEMBRE 2013-----------------------------------------X X-------------------------------------------Pahina -3------------------------------------------X KARUGTONG SA SAGOT BILANG 14. S: minamaneho ni Jojo dumaan po kami sa Molino Boulevard hanggang kami po ay makarating sa Tagaytay bandang 4:00AM September 7, 2013, huminto po kami sa tabi ng kalsada. Bumaba po ng sasakyan sina Jojo, Jomar, Decimo at Joreck at sila po ay nagusap-usap. Habang ako po ay nandon sa likod ng aming sasakyan nakaupo at si Baser naman po ay binabantayan si Kristelle sa sasakyan. Matapos nilang magusap-usap sumakay na sa sasakyan namin dala sina Baser, Joreck, at Jojo. Sina Decimo at Jomar ay sumakay na sa sasakyan ni Kristelle. Tumabi si Decimo kay Kristelle at si Jomar naman ang nagmaneho ng sasakyan. Sumunod ang sinasakyan nila sa aming sasakyan patungong Silang, Cavite, Pasado alas kwatro ng umaga nang huminto kami sa may tulay sa Silang Cavite at nakita ko ng ibinababa ni Decimo si Kristelle na nakagapos. Nakita ko rin na sinaksak ni Decimo ang dibdib ni Kristelle gamit ang icepick pero nabaliko ito kaya tumakbo si Jomar sa aming sasakyan at kinuha ang isang kutsilyo at inabot kay Decimo na siyang ginamit panglaslas sa leeg ni Kristelle bago nito inihulog sa tulay ang katawan ni Kristelle. 15. T: Matapos nyong maihulog ang katawan ni Kristelle sa tulay ano ang sunod nyong ginawa? S: Umalis nap o kami sa lugar na iyon, huminto po kami sa may kanto malapit sa Daang Hari Cavite. Bumaba po si Jomar at sumakay sa aming sasakyan habang sin Jojo at si Joreck ay sumakay sa sasakyan ni Kristelle at sinabi nila na pa punta silang Batangas. Kami naman po ni Baser ay nagpahatid na kay Jomar pauwi sa aming bahay at umuwi na rin po si Jomar. 16. T: May nakuha ba kayong gamit ni Kristelle? S: Opo, isang laptop lamang po ang pinakita sa akin at pera na halagang Php3,000.00. 17. T: Kanino napunta ang laptop na iyong nakita at ang pera na Php3,000.00? S: Ang pera po ay aming pinaghatihatian at ang laptop po ay ibinenta nina Decimo. 18. T: Nagkita-kita ba ulit kayong magkakasama matapos nyong maghiwahiwalay sa Daang Hari? S: Noong Sabado September 7, 2013 ng hapon pumunta po ako kina Jojo at Makita po niya ako ay agad po niya akong binigyan ng Php150.00. Matapos maiabot sa akin ang Php150.00 ako ay umuwi na sa amin. 19. T: Ano pa ang sumunod na pangyayari kung meron pa? S: Makalipas ng ilang araw nagkita kami ni Joreck sa Villa Esperanza at nasabi niya sa akin na sinunog nila ni Jojo ang sasakyan pero hindi naman ito nasunog. KARUGTONG NG SALAYSAY NI LLOYD BENEDICT B. ENRIQUEZ--------X IBINIGAY KAY PO3 MACATANGAY---------------------------------------------------X NGAYONG IKA-23 NG SETYEMBRE 2013-----------------------------------------X X-------------------------------------------Pahina-4------------------------------------------X 20. T: May nag-utos ba sa inyo para patayin si Kristelle Davantes? S: Wala po, napagtripan po lamang namin. Gusto lamang po nina Jomar at Decimo na patayin si Kristelle dahil nakita daw ni Kristelle ang sasakyan naming gamit. 21. T: Alam mo ba kung anong klaseng sasakyan ang dala nyo at ang sasakyan ni Kristelle? S: Hindi po. 22. T: Narinig mo ba ang pinag-uusapan nila kapag sila ay bumababa ng ssasakyan para magusap usap? S: Hindi ko po naririnig, nasa sasakyan lamang po ako hindi po ako bumababa sa sasakyan. 23. T: Alam mo ba kung nasaan ang iba mong kasama sa pagpatay kay Kristelle? S: Si Decimo at si Jojo po ang alam ko ay nahuli na rin po, sina Joreck, Baser at Jomar po ay hindi ko po alam kung nasaan, ang huling nasabi po sa akin ni Joreck ay uuwi siya sa Baguio at si Jomar po ay uuwi ng Davao. 24. T: Pansamanala ay wala na akong itatanong sa iyo, mayron ka pa bang nais sabihin o bawasin dito? S: Wala na po. 25. T: Handa mo bang lagdaan ang lima (5) na pahina kasama na ang pahinang ito sa baba nito bilang patunay sa mga sinabi mo? S: Opo. Wakas ang Salaysay: September 23, 2013. 04:35AM LLOYD BENEDICT B. ENRIQUEZ (Maysalaysay) Assisted by: ARIEL N. RUIZ Public Attorney Roll No. 57131 Mga Saksi sa Paglagda: 1._______________________ 2._____________________ SUBSCRIBED AND SWORN TO before me this 23rd day of September 2013, Quezon City, Philippines. I HEREBY CERTIFY that I have personally examined the affiant and that I am fully convinced and satisfied that he voluntarily executed and understood this statement. ROMEO R. NIÑO Police Chief Inspector Administering Office (original signed)
Posted on: Sun, 03 Nov 2013 07:39:17 +0000

Trending Topics




© 2015