Sana matulungan nyo po akong maipakalat to kahit sa ganung kaliit - TopicsExpress



          

Sana matulungan nyo po akong maipakalat to kahit sa ganung kaliit na bagay makatulong po tau From jhaquee asistio si lolo balot.. i tried asking help from wish ko lang for him through their email, pero siguro sa dami ng mga humihingi ng tulong hindi sya napansin. sya ang suki kong magbabalot. 83 yrs old balo at walang anak. nakatira sya sa isang papag sa harapan ng pinagkukuhaan nya ng balot. sa kwento nya sa akin 15 pesos isang araw at 5 pesos araw araw sa tubig. umulan, bumagyo, madilim man o maliwanag ang buwan gabi gabi kong naririnig ang boses nya sa pagsigaw ng balot.. minsan nakita ko sya pauwi ako galing opisina may hawak ng sirang payong at lulugo lugo. tinanong ko sya bakit di pa sya umuuwi ang lakas ng ulan. kailangan pa daw nya ubusin ang natirang 15 pirasong balot nya para may mairemit sa kinukuhaan nya para bigyan pa ulit sya kinabukasan. sabi ko ala pa po ba kayo benta? meron daw pero hinarang daw sya ng tatlong kabataan malapit sa lugar nmin kinuha daw ang mahigit 150 pesos na benta nya kwento nya havang umiiyak. niyaya ko syang maupo kami sa harapan ng isang karideryang sarado na. sabi ko sa kanya "nasan ho ba mga kamag anak ninyo?". "nasa leyte mga kapatid ko gusto ko na sana umuwi nalang doon kasi napakahirap dito naghahanap buhay ako pero mapagkakatuwaan pa. may labing dalawang taon na akong di nakakauwi hindi ko alam kung meron pa ako babalikan. sana bago ako mawalan ng hininga makita ko na hindi pala ako mag isa. nagkukuwento sya habang lumuluha samantalang ako humahagulgol na. tiningnan ko sya sa mata kita ko kung gano na sya katanda at alam kong kinakapa na lang ng malabo nyang mga mata ang daang kailangan nya daanan para mabuhay ang sarili niya. sabi ko tay tara na po bigyan ko kayu pang kuha nyo ng balot bukas at pang remit nyo ngayun. uwi n po kayo mag alas dose na po wala ng tao sa daan. inabutan ko sya ng 600 na tag iisang daan. binalik nya sa akin ang 200 sabi nya pwede naman daw may return. at bago kami mghiwalay sabi nya "anak salamat ha, babayadan kita pangako". ngumiti lang ako. kinabukasan mas maaga ako umuwi, dumaan pala sya sa bahay namin at nagbilin sa mga anak ko. nagabot ng 100 hulog daw nya sa utang nya. pinopost ko po ito para po ilapit po sya sa inyo na sana po matulungan syang makauwi at makasama ang mga kamag anak nya sa leyte, habang hindi pa po huli ang lahat. sana po makapa natin sa mga puso natin ang pagtulong sa kanya. maraming salamat po. Please pa share po.
Posted on: Tue, 25 Jun 2013 23:07:58 +0000

Recently Viewed Topics




© 2015