TAMBAYERS,,BASAHIN ANG HOROSCOPE NYO... (Pilipino Star Ngayon) Updated September 16, 2013 - Pagtitibay: Kung nahihirapan, napapagod, nalulungkot, lumapit kay Kristo dahil alok Niya ay kaaliwan mo. VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Mag-ingat dahil may mga kasamahang interesado sa iyong posisyon. Baguhin ang plano upang makatiyak ng tagumpay. Nasa iyo ang karisma upang mahikayat ang mga tao sa paligid. Walang magiging suliranin maliban sa mga gastusin. Lucky numbers at color for the day ay 8, 18, 26, 41 at pink. LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Huwag pansinin ang mga tutol sa binabalak dahil ang iba sa kanila ay naiinggit. Ang mga plano sa kaunlaran ay dapat simulan ngayon upang madala sa mga susunod pang mga buwan na siyang mag-aakyat ng suwerte. Anumang suliranin ay madaling malulutas. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 20, 26 at sky blue. SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Maginhawang maitatawid ang mga gawain dahil tutulong ang mga kasamahan. Magiging maligaya ang pagsalubong ng araw. Walang magiging suliranin maliban sa pagpapaluwal ng kaunting naipon sa kaanak na nangangailangan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 10, 25, 32 at golden brown. SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Patawarin ang nagkasala at humingi ng tawad kung inaakalang may kasalanan. Kung may naiwang hinanakit sa kalooban, ngayon ang panahon upang ito’y iwaglit at kalimutan. Walang magiging sagabal sa mga binabalak gawin. Lucky numbers at color for the day ay 12, 14, 32, 36 at green. CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Huwag masyadong maging matabil at baka pagmulan ng hindi pagkakaunawaan na hahantong sa gulo. May surpresang matatanggap. Magiging masaya ang pagdalo sa isang sosyalan subalit iwasan ang sobrang pag-inom ng alak. Lucky numbers at color for the day ay 1, 9, 25, 37 at cobalt blue. AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Maging maingat sa paglabas ng tahanan. Iwasan ang magulong lansangan. Mag-ingat sa mga masasamang loob at iwasang abutin ng gabi sa daan. Lucky numbers at color for the day ay 8, 14, 19, 38 at beige. PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Walang magiging balakid sa anumang gustong gawin. Iwasan ang magpautang dahil matagal bago mabayaran. Huwag din mangutang at malamang hindi makakabayad na pagmumulan ng samaan ng loob. Kasiya-siya ang pamamasyal kasama ang minamahal. Lucky numbers at color for the day ay 3, 6, 13, 40 at avocado green. ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Ilagay sa normal at huwag mag-overacting sa mga gawain at pagkilos. Huwag patulan ang kaibigang nagagalit nang makaiwas sa gulo. Kung ano ang binabalak, huwag nang ituloy dahil kabiguan lamang ang matatamo. Lucky numbers at color for the day ay 8, 14, 38, 41 at old rose. TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Ang sobrang tuwa o kalungkutan ay magbibigay ng sakit. Malamang may mga panauhing maaaring dumating at kung saka-sakali, magiging abala sa mga pag-estima. Iwasan ang magkunwari o maging plastic. Lucky numbers at color for the day ay 3, 19, 35, 40 at neon green. GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Ang pakikihalu-bilo sa sosyalan ay may pagkaka taong makakakilala ng taong makakatulong. Dahil sa hanapbuhay ang palaging nasa isip ay hindi napapansin na napapalayo sa magandang pagkakataon. Iwasan ang magyabang. Lucky numbers at color for the day ay 17, 25, 27, 31 at fuchsia. CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Madaling makakahanap ng magandang paraan upang malusutan ang anumang balakid. Magandang panahon sa pagresulba ng problema. Lucky numbers at color for the day ay 7, 8, 34, 36 at citrus yellow. LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Huwag magalit dahil sa hindi tama ang ginagawa ng iba. Ibaling na lamang sa iba ang pansin kung may makikitang pagkakamali ang kasama, nang maiwasan ang magkomento. Maaaring maging abala sa paghahanda sa isang kaarawan ng kaibigan. Lucky numbers at color for the day ay 15, 16, 22, 41 at red. ADMIN SANDUGO..
Posted on: Mon, 16 Sep 2013 09:23:55 +0000