THE STORY OF THE PAST magsasalaysay lang ako ng isang bagay na - TopicsExpress



          

THE STORY OF THE PAST magsasalaysay lang ako ng isang bagay na natutunan ko sa buhay... habang tumitingin ako sa fb, napansin ko yung post nung isa kong kaibigan...nakatag doon ang pangalan ni ex... dahil sa curiosity, tiningnan ko ang profile ng dating nagpatibok ng puso ko.. nung paglitaw ng pangalan nya at ng mga pictures nya, alam ko sa sarili ko, umunlad na siya... marami nang nagbago sa kanya... nung nakita ito ng mga kaibigan ko, ang tanging sambit nila sa akin, "bakit mo ba sya pinakawalan?" "sayang naman kayo" o kaya "kung ako sa iyo, hindi ko sya binitiwan" pero hindi nila alam ang tunay na dahilan... nung naging kami pa kasi noon, masyado syang pasaway... lagi syang cutting ng cutting sa classes nya..laging late na pag umuwi, mga 2 -3 am na siguro sya pag umuwi.. tapos puro lagapak pa ang mga grade nya last year... kaya, lubos talaga ako binigyan ng pagsubok nito.. kaya nung naghiwalay kami, nagtaka ang madla... ang katotohanan sa likod nito, ginawa ko ito hindi upang talikuran sya, kundi dahil gusto ko mapabuti sya.. simula noon, hindi ko na sya kinausap, ni text wala.. ginawa ko yung hindi para umiwas sa kanya kundi para malaman nyang pahalagahan ang sarili nya, na magtira sya ng konting pagmamahal sa sarili nya, hindi laging ako ang nag momotivate sa kanya ngayon, tanyag na sya, matataas na mga grades nya.. di na sya ganung ka absinera, well, ganun pa din naman yung "puyat" habit nya, pero, sikat na sya. ang bagay na ito ay natutunan ko sa isang libro. sabi sa libro, "the sweetest revenge is to live an awesome life" [ramon bautista "bakit di ka crush ng crush mo" 2012].. sinabi ko din sa kanya to at alam kong ginawa nya ang nasa libro.. kung ngayon nagtataka sila kung bakit kami naghiwalay, eto lang masasabi ko... "ginawa ko yun dahil may plano ako para sa kanya... at nagtagumpay ako sa planong yun, at yun ay mapabuti sya" feel free to like/comment/repost follow me on twitter: https://twitter/reyesfroilan
Posted on: Sat, 08 Jun 2013 17:16:37 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015