Tungkulin na ngayon ng lolo ni Muhammad(saw), Ang biyaya at - TopicsExpress



          

Tungkulin na ngayon ng lolo ni Muhammad(saw), Ang biyaya at kapayapaan nawa’y mapasakanya, na si ‘Abdulmuttalib na punuan ang malaking kawalang dulot ng pagyao ng ina ng apo nito. Kaya naman inalagaan, kinalinga, at kinahabagan siya ng kanyang lolo. Nang anim na taong gulang na si Muhammad(saw), Ang biyaya at kapayapaan nawa’y mapasakanya, ay yumao naman ang kanyang lolo kaya ang kanyang tiyauhin na si Abu Talib – sa kabila ng dami ng anak nito at kakulangan nito sa yaman- ang siyang kumalinga sa kanya. Itinuring siya ng kanyang tiyuhin na parang isa sa kanilang mga anak. Labis namang napalapit ang kanyang damdamin sa kanyang tiyuhin. Sa ganitong kalagayan nagsimula ang unang paghubog sa kanya. Lumaki siya sa pagiging matapat at sa pagiging mapagkakatiwalaan anupa’t sa dalawang katangiang ito siya nakilala. Kaya’y kapag sinasabing “dumating ang mapagkakatiwalaan, “alam na si Muhammad(saw), Ang biyaya at kapayapaan nawa’y mapasakanya, ang siyang tinutukoy.
Posted on: Mon, 12 Aug 2013 14:37:18 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015