WAG TAMARIN MAGBASA !! :D Kapag nag-away ang dalawang taong - TopicsExpress



          

WAG TAMARIN MAGBASA !! :D Kapag nag-away ang dalawang taong nagmamahalan at nauwi sa pamamaalam. Siguro pride na lang nila yun. Dahil sobrang galit sila nung mga oras na yun? Pero paano kapag lumipas na yung galit na yun? Maiisip mo yung mga bagay na nawala sayo. Yung buhay na meron ka nung andyan pa siya. Yung buhay na masaya nung andyan pa siya. Yung buhay na puno ng pangarap dahil masaya kayong dalawa. Minsan… mapapatanong na lang yung taong yun na ano ba ang nagawa niyang mali? Na bakit mo sasabihin sa isang tao na mahal mo siya kung iiwan mo siya sa huli? Kung isusuko mo din pala siya? Hindi ba sila aware na sila ang dahilan bakit nabubuhayan ulit ang isang tao mabuhay? Na nagkaroon ng pagkakataon na maging masaya yung taong yun? Pero ano nangyari? Lalo lang nadagdagan ng sakit at pighati yung tao na nagmamahal lang. Nawala ulit yung pag-asa na hinahanap niya sa sarili niya. Na minsan umasa siya na may taong ipaglalaban din siya. Na minsan umasa siya na may magmamahal din ng tapat sa kanya. Kaso ano nangyari? Nag-iwan ka lang ng maraming alaala sa kanya. Pero sa huli iiwan mo rin pala. Para saan? Para lang sa “ego” na may naghahabol sayo? Yun bang akala nung tao na yun. Totoo yung love na naririnig niya? Pero wala naman pala talaga? Kasi pati ako.. Naniniwala ako na kapag mahal mo yung isang tao. Hindi mo hahayaan mawala. Papayag lang yung taong yun mawala ka. Kapag yung taong mahal na niya yung nagsabi. Pwede rin namang tinataboy ka niya. Pero sinusubukan niya lang kung handa mo bang pigilan o magmakaawang ayaw mo siya mawala. Kung hindi ka magpapakumbaba. Makakasakit at makakasakit ka talaga.
Posted on: Sat, 05 Oct 2013 07:08:19 +0000

Recently Viewed Topics




© 2015