Sa loob ng 20 taon ng Door of Faith Christian Church Ilocos Sur, - TopicsExpress



          

Sa loob ng 20 taon ng Door of Faith Christian Church Ilocos Sur, Lubos ang ating pagpapasalamat sa lahat ng mga mangagawa na buong katapatang naging katuwang natin at sa mga mananampalatayang nakasama natin sa paglilingkod sa Panginoon mula noon hanggang ngayon sa gitna ng pagsubok at kagalakan. Taos puso din ang ating pagpapasalamat sa mga Lingkod ng Dios na di tumigil sa panalangin at pagsuporta upang tayo ay makapagpatuloy lalo na ang ating Bishop sa Dfcci, Rev Larry Cerda, at sa ating Pastor sa distrito Rev. Ruel S. Cruz. At Ptra Carol Cruz. At syempre hindi rin natin makakalimutan ang magpasalamat sa pamilya Lazaro sa pangunguna ni Ptr Constantino Lazaro na silang unang nagpagamit sa Panginoon at nag alay ng buhay sa Dios upang makapagbukas ng Gawain sa lugar na ito. Higit sa lahat ay ibinibigay natin Sa Dios Ama, Sa Panginoong Hesu-Kristo, Sa Dios Espiritu Santo ang lahat ng kapurihan at karangalan dahil ang lahat ay bunga ng Kanyang biyaya at kahabagan. Purihin ang Pangalan ng Panginoon na sumama at patuloy pang sasama hanggang maabot natin ang Kanyang lubos na kalooban. Napakarami pa ng ating gagawin para sa Panginoon, At napakarami pa ng mga dakilang bagay ang gagawin ng Dios sa atin . Tayo ay ipinanganak upang Pagpalain , Tayo ay ipinanganak upang Dumami. HAPPY 20TH ANNIVERSARY sa lahat ng mga bahagi ng DFCCI Narvacan Family na narito sa Pilipinas at sa buong mundo. TO GOD BE THE GLORY!
Posted on: Thu, 24 Oct 2013 01:08:41 +0000

Recently Viewed Topics




© 2015