{''SA NGALAN NG ALLAH,ANG MAHABAGIN ANG MAPAGPALA,'} - TopicsExpress



          

{''SA NGALAN NG ALLAH,ANG MAHABAGIN ANG MAPAGPALA,'} 'Inaanyayahan ko ang lahat na maging matapat sa sarili sa paghahanap ng katotohanan. Ang talino at kaisipan na ipinagkaloob ng Dakilang lumikha ay nararapat lamang na unang pairalin kaysa sa bugso ng damdamin, Ang paggamit lamang ng emosyon ay nasisilbing balakid sa paghahanap ng tamang landas. Ang bawat pananampalataya ay nag-aangkin ng kaligtasan at katotohanan. Ngunit ang pag-aangking ito ay dapat lamang magkaroon ng tunay at sapat na batayan.Ang tamang pangangatuwiran na may mapananaligang batayan ay kailangan upang malaman at matiyak ang katotohanan.'MAGBALIK ISLAM, isang paanyaya na may malalim na kahulogan ,MAGBALIK ISLAM,paanyayang ginagamit ng mga Muslim sa kanilang pangangaral ng salita ng Allah (swt).Paanyayang ginagamit ng isang Muslim upang hikayatin ang isang tao na magbalik sa tunay na relihiyon na ibinigay sa kanya ng Allah.Ang Allah (swt)ay nagwika sa Banal na Quran; ''Anyayahan (ang Sangkatauhan)sa landas ng iyong Panginoon (sa islam)ng may kaalaman[sa kapahayagan at Banal na Quran]at sa matuwid na pangangaral, at makipagtalakayan sa pamamaraang pinakamainam. Katotohanan lubos na nababatid ng Panginoon kung sino ang nangawalay sa Kanyang landas.at Siya ang higit na nakababatid kung sino ang mga napatnubayan.''(Quran 16:125)
Posted on: Thu, 11 Jul 2013 10:44:20 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015