***---ANG ISLAM AT ANG YAMAN---*** SA ISLAM, ANG LAHAT NG YAMAN - TopicsExpress



          

***---ANG ISLAM AT ANG YAMAN---*** SA ISLAM, ANG LAHAT NG YAMAN AY TUNAY NA PAGMAMAY-ARI NG DAKILANG ALLAH NA IPINAGKATIWALA NIYA SA MGA TAO. ITO AY ISANG PANANAGUTAN; DAPAT ITONG MAKUHA SA TAMANG PARAAN AT GUGULIN ITO SA PINAHIHINTULUTANG PAMAMARAAN. ANG PROPETA((ﷺ)) AY nagsabi: “Ang isang alipin ay hindi makakahakbang sa Araw ng Paghuhukom hangga’t hindi niya maipaliwanag (ang sumusunod na mga bagay): ang kanyang panahon at kung paano niya ito ginamit, ang kanyang karunungan at kung paano niya ito ginamit, ang kanyang salapi at kung paano niya ito kinita at ginastos, at tungkol sa kanyang kabataan, kung paano ito lumipas.” [Tirmidhi] HINIHIKAYAT NG ISLAM NA ANG TAO AY DAPAT MAGHANAP NG KAYAMANAN PARA SA SARILING PAGKAKAGASTOHAN AT PARA SA KANYANG MGA PANANAGUTAN, AT GAMITIN NIYA ITO UPANG MAITUWID ANG KAPAKANAN NG MUNDONG ITO. ITO RIN AY DAAN PARA MAKATANGGAP NG BIYAYA MULA SA ALLAH(سبحانه وتعالي) KUNG GAGAMITIN NIYA ITO SA KABUTIHAN. ANG PROPETA ((ﷺ)) AY NAGSABI: “Ang malakas na mananampalataya ay higit na mabuti at mas minamahal ng Allah kaysa sa mahinang mananampalataya, at sa bawa’t isa ay may kabutihan. Maging mahayap sa paggawa kung ano ang makakabuti sa iyo at humingi ng tulong sa Allah, at huwag maging pabaya sa pagsasagawa nito. At kung anumang masamang kasawian ang nangyari sa iyo, huwag mong sasabihin ang, ‘Kung ginawa ko lamang ang mga ito, o ito…’ datapwat sapat na ang sabihin ang, ‘Ito ang Qadar ng Allah, at kung anuman ang Gustuhin Niya, Gagawin Niya (Qaddarullaah wa maa shaa fa‘al),’ dahil tunay (ang kasabihan ng) ang ‘kung’ ay magbubukas ng pintuan para sa mga gawain ni Satanas.” [Muslim] MAY IBANG PANANAGUTAN SA KAYAMANAN – NA WALANG IBA KUNDI ANG ZAKAAH – NA ITO AY SAPILITAN AT MAKAPAGBIBIGAY NG KABUTIHAN SA KANYA SA BUHAY SA MUNDO AT SA BUHAY NA WALANG HANGGAN. ANG ALLAH (سبحانه وتعالي) AY NAGSABI: At iyong hanapin, sa gayong (kayamanan) na ipinagkaloob sa iyo ng Allah, ang tirahan sa Kabilang Buhay, at huwag mong kaligtaan ang iyong bahagi ng pinahihintulutang kasiyahan sa mundong ito, at gumawa ng kabutihan kung papaano rin namang naging mabuti ang Allah sa iyo, at huwag kang magnais ng kabuktutan o katiwalian sa kalupaan… [Quran 28:77] Ang Propeta ((ﷺ)) ay nagsabi; “Napakabuti ng dalisay na kayamanan kung ito ay nasa pagmamay-ari ng isang banal na tao!” [Ibn Hibbaan] IPINAGBAWAL NG ISLAM NA AKSAYAHIN ANG PERA. ANG ALLAH(سبحانه وتعالي) AY NAGSABI: At huwag mong gugulin (ang iyong kayamanan) sa walang kapararakan.* Katotohanan, ang mga mapagwaldas (ng walang kapararakan) ay kapatid ng mga Shayateen [mga demonyo], at ang Shaytaan [Demonyo, ¬ Satanas] ay walang utang na loob ng pasasalamat sa kanyang Panginoon. [Quran 17:26-27] Seek knowledge from cradle to the grave.
Posted on: Sun, 01 Dec 2013 05:35:48 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015