1. Saan matatagpuan ang kontinente ng Asya? 2. Anu-ano ang mga - TopicsExpress



          

1. Saan matatagpuan ang kontinente ng Asya? 2. Anu-ano ang mga anyong-lupa at anyong-tubig na matatagpuan sa Asya? 1. heograpiya – isang larangan ng siyentipikong pag-aaral ukol sa katangiang pisikal at kultural ng mundo 2. lunas ng ilog (river basin) – isang mababang lugar kung saan umaagos ang malalawak na ilog Ang Asya Nahahati ang daigdig sa pitong kontinente. Ang mga kontinenteng ito ay ang Asya, Antarctica, Oceania, Europe, Africa, North America, at South America. Ang Asya ang pinakamalaki sa pitong kontinente ng daigdig. Saklaw ng Asya ang halos sangkatlong bahagi (1—3 ) ng kabuuang lupain ng mundo. Aabot sa halos 44 936 000 kilometro kwadrado (km²) ang lawak ng Asya. Kung ang pagbabatayan ay ang Europe, masasabing ang Asya ay nasa silangan. Para sa mga Griyego, ang salitang “asya” na hango sa salitang Griyego na asu ay nangangahulugang “pagsikat ng araw” o “silangan.” Sa matagal na panahon, hindi malinaw sa mga heograpong Europeo kung ano ang saklaw ng lupaing tinatawag na “silangan.” Tradisyunal na hangganan na humahati sa Europe at Asya ang Bulubunduking Ural na Ang lokasyon ng Asya sa mapa ng mundo Pagtanaw at Pag-unawa: Asya 11 matatagpuan sa Russia. Sa kasalukuyan, ang mga anyong-tubig na nagsisilbing hangganan ng Asya ay ang mga sumusunod: Karagatang Arktiko sa hilaga; Kipot ng Bering at Karagatang Pasipiko sa silangan; Karagatang Indian sa timog; at ang mga dagat ng Red at Mediteraneo sa timog-kanluran. Nahahati sa limang rehiyon ang Asya batay sa pagkakatulad ng katangiang heograpikal, kultural, at historikal. Ang mga ito ay ang Timog-silangang Asya (Southeast Asia), Timog Asya (South Asia), Silangang Asya (East Asia), Kanlurang Asya (West Asia), at Hilagang Asya (North Asia). Sa mga sumusunod na aralin ay pag-aaralan ang mga rehiyong ito. Ang Heograpiya ng Asya Mga Anyong-lupa Bilang pinakamalaking kontinente sa buong mundo, matatagpuan sa Asya ang iba’t ibang anyong-lupa. 1. Bundok at Bulubundukin – ang bundok ay ang anyong-lupa na nakaangat mula sa lebel ng dagat (sea level) at may taas na umaabot sa mahigit 2 000 talampakan. Ang mahabang hanay ng mga bundok ay tinatawag na bulubundukin. Matatagpuan sa Asya ang naglalakihang bulubundukin. Pinakatanyag sa mga ito ang Himalayas na bumabagtas mula Pakistan hanggang Myanmar. Sa bulubunduking ito matatagpuan ang Bundok Everest, ang itinuturing na pinakamataas na bundok sa mundo. Katabi ng Himalayas ang Bulubunduking Karakoram. Sa dalawang bulubunduking ito matatagpuan ang halos lahat ng pinakamatataas na bundok sa daigdig. Ang iba pang mahahalagang bulubundukin sa Asya ay ang Altai, Kunlun, Tien Shan, Hindu Kush, Zagros, Caucasus, at Ural. Ang tuktok ng Bundok Everest 2. Bulkan – ito ay biyak sa ibabaw ng lupa kung saan dumadaloy ang maiinit at tunaw na mga bato na tinatawag na lava o kung saan nagmumula ang makapal na alikabok sa pagsabog nito. Dahil sa mga pagsabog, daloy ng lava, at pagtatapon ng alikabok, karaniwan sa mga bulkan ay nakabubuo ng hugisbalisungsong o hugis-apa na bundok, tulad ng Fuji sa Japan at Mayon sa Pilipinas—dalawa sa mga kilalang bulkan sa Asya. Ang iba pang tanyag na bulkan sa Asya ay ang Krakatoa at Tambora sa Indonesia. Ang Bulkang Pinatubo naman sa Pilipinas ang nagtala ng pinakamapanirang pagsabog nitong huling siglo. Ang Bundok Fuji sa Japan 12 Ang Asyano sa Kanyang Kapaligiran 3. Burol – ito ay isang nakaangat na anyong-lupa na mas mababa kaysa bundok at karaniwan ay bilugan. Ang rehiyon ng Kwangsi sa Timog China ay kilala dahil sa kamangha-mangha nitong mga burol. Tanyag din ang Chota Nagpur sa India dahil sa mga burol nito na inukit ng ulan mula noong panahong prehistoriko. Larawan na nagpapakita ng mga sundalong Amerikano na nakahimpil malapit sa burol ng Old Baldy noong Digmaang Koreano Dahil naman sa trahedyang dulot ng Digmaang Koreano, ang mga burol sa mga liblib na lugar sa Tangway ng Korea ay nagkaroon ng mga pangalang tulad ng mga sumusunod: Bunker Hill, Old Baldy, Sniper Ridge, Capitol Hill, Triangle Hill, Pike’s Peak, Jackson Heights, at Jane Russell Hill. Nagsilbing dambana ang mga burol na ito ng libu-libong sundalong Amerikano na nakipaglaban sa Digmaang Koreano. 4. Kapatagan – ito ay pantay at malawak na anyong-lupa. Karaniwan sa mga kapatagan ay malapit sa mga baybayin. Ang mga kilalang kapatagan sa Asya ay matatagpuan sa kanluran at hilaga ng Siberia (Russia), silangang baybayin ng China, silangang bahagi ng Tangway ng Arabia, at gitnang bahagi ng Indochina. 5. Talampas – ito ay malawak na kapatagan sa tuktok ng isang mataas na anyong-lupa. Ang mahahalagang talampas ng Asya ay ang mga talampas ng gitnang Siberia (Russia), Mongolia, Tibet, Deccan (India), at Turkey. 6. Lambak at Lunas ng Ilog – ang lambak ay kapatagang halos napalilibutan o napagigitnaan ng bulubundukin. Karaniwan sa mga lambak ay mga lunas ng ilog o river basin, isang mababang lugar kung saan umaagos ang ilog. Ang mahahalagang lunas ng ilog ng Asya ay ang Indus sa India at Pakistan; Huang He at Yangtze sa China; Irrawaddy sa Myanmar; Chao Phraya sa Thailand; at Mekong na dumadaloy mula Tibet hanggang Vietnam. Larawan ng Ilog Huang He na kilala rin bilang Yellow River Pagtanaw at Pag-unawa: Asya 13 7. Interyor ng kontinente – kalakhan ng kalupaan ng Asya ay matatagpuan sa interyor ng kontinente. Halos lahat ng matatayog na bulubundukin ng Asya ay nasa interyor o malayo sa baybayin. Sa katunayan, maraming bansang Asyano ang hindi napalilibutan o hinahangganan ng dagat o karagatan tulad ng Laos, Mongolia, at Nepal. 8. Baybayin – ito ang tawag sa mga anyong-lupa na malapit sa dagat. Maraming kapatagan sa Asya ang malapit sa baybayin. 9. Tangway – ito ay kalupaang nakausli sa dagat at halos napalilibutan ng tubig. Ang mahahalagang tangway ng Asya ay ang mga tangway ng Arabia, India, Malay, Indochina, at Kamchatka. 10. Isthmus – ito ay isang makitid na lupain na nagsisilbing tulay na nagdurugtong sa dalawang malalaking kalupaan. Isang halimbawa nito ang Isthmus ng Suez na nagdurugtong sa mga kontinenteng Asya at Africa. 11. Pulo – ito ay isang lupaing napalilibutan ng tubig. Maraming pulo ang matatagpuan sa Asya. Kabilang sa mga ito ang Honshu at Hokkaido sa Japan; Sumatra at Java sa Indonesia; Luzon at Mindanao sa Pilipinas; at Borneo na pagmamay-ari ng mga bansang Indonesia, Malaysia, at Brunei. 12. Kapuluan o Arkipelago – ito ay pangkat ng mga pulo. Ang mga bansang Japan, Pilipinas, Indonesia, at Maldives ay mga kapuluan. Pinakamalaking arkipelago sa buong mundo ang bansang Indonesia na tinatayang mayroong mahigit 13 000 pulo. Mga Anyong-tubig Ang mundo ay may mahigit na 70% katubigan. Ang kontinente ng Asya ay hindi lamang napalilibutan ng malalawak na karagatan, marami ring anyong-tubig na matatagpuan sa looban nito. 1. Karagatan at Dagat – ang mga ito ay malalawak na katubigang-alat. Sa hilaga ng Asya matatagpuan ang Karagatang Arktiko. Malaking bahagi ng Karagatang Arktiko ang permanenteng nagyeyelo. Karugtong ng karagatang ito ang mga dagat ng Silangang Siberia, Laptev, Kara, Chukchi, at Barents. Sa katimugan ng Asya matatagpuan ang Karagatang Indian. Karugtong ng Karagatang Indian ang Red Sea. Makikita naman sa silangan ng Asya ang Karagatang Pasipiko, ang pinakamalawak at pinakamalalim na karagatan sa buong mundo. Ito ay may lawak na 165 384 000 km2. Karugtong ng Karagatang Pasipiko ang mga dagat ng Timog China, Silangang China, Japan, Okhotsk, at Bering. Sa hilagang-kanlurang bahagi ng Karagatang Pasipiko matatagpuan ang Marianas Trench. Ito ang pinakamalalim na bambang sa daigdig. 2. Ilog – ito ang anyong-tubig na dumadaloy mula sa mataas na lugar tulad ng bundok pababa sa lawa o dagat, o kaya ay sumasanib sa iba pang mas malaking ilog. Sa Asya, ang mga kilalang ilog ay ang Ob, Yenisei, at Lena sa Russia; Yangtze at Huang He sa China; Ganges sa Hilagang India at Bangladesh; Indus sa bandang Tibet, India, at Pakistan; Brahmaputra sa Bangladesh; Tigris sa bahaging Turkey at Iraq; Euphrates sa bahaging Turkey, Syria, at Iraq; Irrawaddy at Salween sa Myanmar; at Jordan sa Syria, Israel, at Jordan. 14 Ang Asyano sa Kanyang Kapaligiran Isang bahagi ng kahabaan ng Ilog Huang He 3. Lawa – ito ay malawak na anyong-tubig na nakukulong ng lupa. May dalawang uri ng lawa, ang maalat at ang tabang. Maraming malalawak na lawa na may tubig-alat at napagkakamalang dagat. Halimbawa ng mga ito ang mga dagat ng Dead, Aral, Caspian, at Black. Samantala, ang Lawa ng Baikal naman sa Siberia sa Russia ang pinakamalawak at pinakamalalim na lawang tabang sa mundo. Isang bahagi ng Lawa ng Baikal sa Russia 4. Kipot – isa itong makitid na katubigan na naguugnay sa dalawang mas malalaking anyongtubig. Ang Kipot ng Bering (Russia) ay naguugnay sa mga dagat ng Bering at Chukchi. Ang Kipot ng Malacca (Malaysia) naman ay nag-uugnay sa Karagatang Indian at Dagat Java. 5. Golpo – ito ay malawak na katubigan na karugtong ng dagat. Ang kabuuan ng golpo ay halos napaliligiran ng kalupaan. Sa Asya, tanyag ang Golpo ng Persia dahil sa langis na nakukuha rito. Ang iba pang kilalang golpo sa Asya ay ang Tonkin, Aden, Oman, at Thailand. Isang bahagi ng Golpo ng Persia 6. Look – ito ang kabaligtaran ng golpo. Ang look ay hindi gaanong napaliligiran ng kalupaan. Ang pinakamalaking look sa Asya ay ang Look ng Bengal na humahati sa rehiyon ng Timog at Timog-silangang Asya. Pagtanaw at Pag-unawa: Asya 15 1. Paano mailalarawan ang kinaroroonan ng Asya? 2. Paano mailalahad ang iba’t ibang anyong-lupa at anyong-tubig ng Asya? 3. Ipaliwanag ang kaibahan ng dagat sa karagatan, ng bundok sa bulkan. 1. Siyasatin ang mahalagang papel na ginagampanan ng kapaligiran sa paghubog ng lipunan. Bumuo ng isang pangkat at magtalaga ng pinuno, kalihim, at tagaulat. Pumili ng isang barangay na susuriin. Magmasid ukol sa pisikal na kapaligiran ng barangay at ang bisa nito sa pamumuhay ng mga taong naroroon. Kumuha ng datos tungkol sa mga ito mula sa tala ng barangay hall. Suriin ang mga nakalap na impormasyon at sagutin o gawin ang mga sumusunod: a. Ano ang katayuan ng mga anyong-lupa at anyong-tubig ng barangay? b. May kaugnayan ba ang pisikal na kapaligiran ng barangay sa karaniwang gawaing pangkabuhayan ng mamamayang nakatira rito? c. Bilang isang pangkat, magpanukala kung paano mapangangalagaan ang pisikal na kapaligiran ng barangay at mapahahalagahan ang bisa nito sa buhay ng mamamayang naroroon. d. Iulat sa klase ang kinalabasan ng pagaaral. Magbigay rin ng kopya ng mga rekomendasyon sa punong barangay. 2. Magpangkat-pangkat. Gamit ang mga recycled na bagay, gumawa ng mapang topograpikal ng isang rehiyon sa Asya na nagpapakita ng kapaligirang pisikal nito. Ipakita ang umbok ng mga bundok at lalim ng mga karagatan at lawa. Kung maaari, lagyan ng tubig ang nilikhang karagatan at lawa. Ang tagaulat ang magtatanghal sa klase sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga pangalan at kinaroroonan ng mga anyong-lupa at anyong-tubig. 16 Ang Asyano sa Kanyang Kapaligiran Ang mga Pinaka sa Asya Ang Asya ay punung-puno ng mga kamangha-manghang katangiang pisikal. Ang ilan sa mga ito ay itinatampok natin ngayon sa Samut-saring Kwento. Pinakamalalim at pinakamatanda: Lawa ng Baikal Ang malalaking lawa sa Asya ay may tubig-alat kaya napagkakamalan ang mga itong dagat, gaya ng Dagat Aral at Dagat Caspian. Pero iba ang Lawa ng Baikal (Russia) dahil tubig-tabang ang matatagpuan dito. Sa lalim na isang milya, ang Lawa ng Baikal ang pinakamalalim na lawa sa mundo. Ang lawang ito ay tinatayang 25 milyong taon na. Dahil dito, ito na rin ang pinakamatandang lawa ng mundo. Tahanan ito ng mahigit sa 2 400 uri ng mga halaman at hayop. Sa katunayan, karamihan sa mga hayop at halaman na ito ay matatagpuan lamang sa Lawa ng Baikal. Pinakamababa at Pinakamaalat: Dead Sea Isang bahagi ng Dead Sea Pagtanaw at Pag-unawa: Asya 17 Batay na rin sa pangalan, ang Dead Sea ay itinuturing na isang patay na anyongtubig. Ang tubig nito ay apat na ulit na mas maalat kumpara sa karaniwang tubig-dagat. Sa dami ng asin at mineral na natunaw sa tubig nito, hindi kayang mamuhay ng mga hayop o halamang-dagat dito. Dahil sa lalim na 400 metro, ang Dead Sea ang maituturing na rin na pinakamababang bitak sa mundong ibabaw. Noon namang 1947, natagpuan sa isang kweba malapit sa lawa ang Dead Sea Scroll na naging batayan sa pagpapatunay sa Bibliya bilang akdang historikal. Pinakamataas: Bundok Everest Isang bahagi ng Bundok Everest Pangarap ng bawat mountaineer na makaakyat sa tuktok ng Bundok Everest, ang pinakamataas na bundok sa buong mundo. Matatagpuan ito sa Himalayas, sa mga bansang Nepal at China. Ang taas nitong 29 028 talampakan mula sa lebel ng dagat, matatarik na dalisdis, nagyeyelong taluktok, at baku-bakong daanan ang tunay na hamon sa mga mountaineer. Noong 1953, unang narating ang tuktok ng Bundok Everest ni Sir Edmund Hillary ng New Zealand kasama ang kanyang giya na isang katutubong Sherpa na si Tenzing Norgay. Kinikilala ang yumaong si Sir Edmund na isang bayani sa kanyang bansa. Simula noon, marami na ang nakaakyat sa tuktok ng Bundok Everest. Sa pagharap sa hamon ng bagong milenyo, narating ng mga mountaineer na Pilipino ang tuktok ng Himalayas bilang tanda ng pagsisikap ng lahing Pilipino na mapagtagumpayan ang anumang pagsubok. 18 Ang Asyano sa Kanyang Kapaligiran Aralin 2 Isang Sulyap sa mga Bansang Asyano 1. Anu-ano ang mga bansang matatagpuan sa kontinente ng Asya? 2. Anu-ano ang mga bansang pangkontinente, pangkapuluan, at transkontinental? 3. Ano ang estado ng mga bansang transkontinental? 1. Association of Southeast Asian Nations – isang organisasyon ng mga bansa sa Timogsilangang Asya 2. United Nations – samahan ng nagkakaisang mga bansa na may layuning panatilihin ang kapayapaan sa buong mundo Mga Bansa sa Asya Sa kasalukuyan, may apatnapu’t walong (48) bansa ang matatagpuan sa Asya. Ang mga ito ay ang mga bansang pangkontinente, pangkapuluan, at transkontinental o yaong mga nasa hangganan. Mga Bansang Pangkontinente Tatlumpu’t walo (38) sa mga bansa sa Asya ang matatagpuan sa mismong kontinente ng Asya o sa mainland. Ang mga ito ay tinaguriang bansang pangkontinente. Ang bawat bansang pangkontinente ay maaaring tawaging bansang baybayin o bansang looban. Ang mga bansang baybayin ay yaong mga bansa na may dalampasigan o ang bahagi ng teritoryo ay nakaharap sa dagat. Halimbawa ng mga ito ang mga bansang China, India, Myanmar, Pakistan, at Turkey. Ang mga bansang looban o landlocked naman ay yaong mga bansang napagigitnaan ng kalupaan at malayo sa dalampasigan. Halimbawa ng mga ito ang mga bansang Afghanistan, Bhutan, Laos, Mongolia, at Nepal. Pagdating sa lawak ng teritoryo, ang pinakamalaking bansa sa Asya ay ang Russia. Kung isasama ang bahagi ng teritoryo ng Russia na nasa kontinente ng Europe, aabot sa 17 098 242 km² ang sukat nito. Pumapangalawa sa Russia ang China na may sukat na 9 596 961 km². Mga Bansang Pangkapuluan May mga
Posted on: Wed, 26 Jun 2013 10:08:49 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015