●/ 1990 killer quake masayang gugunitain sa Baguio /▌ / - TopicsExpress



          

●/ 1990 killer quake masayang gugunitain sa Baguio /▌ / Written by Bombo Baguio Published in Top Stories Tuesday, 16 July 2013 08:23 BAGUIO CITY - Sa masayang pamamaraan gustong gunitain ng lungsod ng Baguio ang ika-23 anibersaryo sa nangyaring magnitude 7.7 na lindol na kumitil ng 1,000 buhay noong July 16, 1990. Tampok sa paggunita ang interfaith thanksgiving program na isasagawa mamayang alas-4:00 ng hapon sa Juan Luna Drive, Burnham Park, na pamumunuan ni City Bishop Carlito Cenzon at ng City Tourism Office. Makikibahagi rin sa nasabing aktibidad ang mga opisyal ng lungsod, mga non-governmental organizations at mga residente. Magsasagawa rin ang Office of Civil Defecne (OCD) at City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) ng earthquake at disaster drills, habang ang ilang grupo at residente ay magsasagawa ng mga ritwal tulad ng pag-aalay ng mga bulaklak at pagsisindi ng kandila. Kung matatandaan ang lungsod ng Baguio ang pinakamalubhang naapektuhan sa nasabing lindol na nagtagal ng 45 segundo. - See more at: bomboradyo/news/top-stories/item/12556-1990-killer-quake-masayang-gugunitain-sa-baguio#sthash.01x3qNXC.dpuf
Posted on: Tue, 16 Jul 2013 04:30:00 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015