3 OFWs patay sa aksidente sa Saudi (Noel Abuel) 3 OFWs patay - TopicsExpress



          

3 OFWs patay sa aksidente sa Saudi (Noel Abuel) 3 OFWs patay sa aksidente sa Saudi Pinay OFW tumalon sa gusali Tatlong overseas Filipino workers (OFWs) sa Saudi Arabia ang inulat na nasawi makaraang tumilapon sa sinasakyan ng mga ito, nang mawalan ng kontrol at bumangga. Ayon sa ulat ng The Arab News, nasa King Fahd Hospital ang mga labi ng mga nas­awing Pinoy habang ginagamot naman sa Dr. Soliman Fakeeh Hospital ang pito pang kasama sa nasabing aksidente. Base sa ulat, sakay ang 10 biktima ng isang pick-up at patungo sa Dahban, o may layong 140 km mula sa Jeddah, nang biglang sumabog ang gulong nito kung saan sa bilis ng takbo ay tumilapon ang mga sakay nito. Dead on the spot ang tatlong biktima habang sugatan naman ang iba pa na pawang mga empleyado ng Mohammad Munsour Al Bassami Group Cons­truction. “The staff of the Philippine Consulate General are currently attending to them while helping the employer in expediting the repatriation papers for the remains of the fatalities,” ayon sa konsulado ng nasabing bansa. Sinabi naman ni Department of Foreign Affairs spokesman Raul Hernandez na wala pa itong natatanggap na opis­yal na kumpirmas­yon sa nasabing ulat.
Posted on: Tue, 15 Oct 2013 07:08:04 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015