3 dalagita ni-rape ng ama Ni Tony Sandoval (Pilipino Star Ngayon) - TopicsExpress



          

3 dalagita ni-rape ng ama Ni Tony Sandoval (Pilipino Star Ngayon) | Updated July 13, 2013 QUEZON , Philippines- Napariwara ang kinabukasan ng tatlong magkakapatid na dalagita makaraang gahasain ng kanilang ama sa Barangay Poblacion sa bayan ng San Francisco, Quezon, kamakalawa ng gabi. Pansamantalang kinukupkop ng lokal na sangay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga biktimang may edad na 12, 11 at 10 habang nakapiit naman sa himpilan ng pulisya ang suspek na itinago sa pangalang Magno, 37. Sa inisyal na imbestigasyon ng San Francisco PNP isinagawa ng suspek ang panghahalay dakong alas-10 ng gabi habang magkakatabi silang natutulog sa bahay. Hindi na nakapagsuplong sa mga awtoridad ang biktima makaraang pagbantaang sasaktan kaya malayang nailugso ng buhong na ama ang panghahalay sa kanyang mga anak sa harapan mismo ng kanilang ina. Uulitin pa sana ng suspek ang kabuhungan nito subalit nakatakbo palabas ng bahay ang isa sa tatlo at nagsumbong sa mga barangay official na nagresulta sa pagkakadakip ng suspek. >mariposa
Posted on: Sat, 13 Jul 2013 00:44:24 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015