3 magkakasunod na lindol, yumanig sa bansa ngayong umaga Tatlong - TopicsExpress



          

3 magkakasunod na lindol, yumanig sa bansa ngayong umaga Tatlong magkakasunod na paglindol ang naitala sa bansa kaninang madaling araw. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), niyanig ng magnitude 3.0 na lindol bandang alas-2:55 ng umaga ang kanluran ng Currimao, Ilocos Norte. Magnitude 3.1 naman ang naramdaman sa silangan ng Caraga, Davao Oriental bandang alas-3:33 habang 3.6 magnitude ang pagyanig sa Burgos, Surigao del Norte. Tectonic in origin ang tatlong magkasunod na lindol na tumama sa Ilocos Norte, Davao Oriental at Surigao. Wala namang napaulat na nasaktan o nasugatan sa nasabing pagyanig.
Posted on: Mon, 30 Sep 2013 02:49:31 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015