32-anyos hinoldap na, tsinap-chop pa August 15, 2013 MANILA, - TopicsExpress



          

32-anyos hinoldap na, tsinap-chop pa August 15, 2013 MANILA, Philippines - Brutal ang pagkamatay na sinapit ng isang 32-anyos na dating call center agent na hinihinalang biktima ng holdap makaraang pugutan ng ulo at putulan pa ng dalawang binti ng hindi pa nakikilalang mga salarin. Ang torso ng biktima na isinilid sa itim na garbage bag ay natagpuan kahapon ng umaga sa panulukan ng Matimyas at Maceda Sts. sa Sampaloc, Maynila. Ayon sa isang Thea Abesamis, ang bangkay ay ang kanyang mister na si Mark Reau Abesamis, dating call center agent at residente ng TS Cruz Subd., Novaliches, Quezon City. Sa pahayag ni Thea kay SPO1 Asilo, kamakalawa pa umano sila huling nagkita ng mister, nang magpaalam na magtutungo sa isang gymnasium sa Fairview alas-8:00 ng umaga at umalis ng kanilang bahay dala ang kanyang itim na Toyota Altis (NOY 611). Bandang ala-1:30 ng hapon ay tinawagan siya nito at nagsabing didiretso ito sa isang kaibigan na si George Martinez sa Aurora Blvd., Quezon City para sa kanilang planong magnegosyo ng car repair shop. Bandang alas-6:00 ng gabi ay umalis na sa bahay ni George ang biktima dahil makikipagkita sa isang alyas Agnes sa Fairview dala umano ang package para sa kanyang padala sa ina na nasa Amerika. Alas-7:30 ng gabi ay hindi na umano sumasagot sa tawag sa cellphone ang kanyang mister. Ayon naman sa hepe ng MPD-Homicide Section na si Chief Insp. Steve Casimiro, nawawala ang Toyota Altis ng biktima, package, cellphone at iba pang mahahalagang gamit na nasa sasakyan. Maaaring sa bahagi umano ng Quezon City ito hinoldap at dinala lamang sa bahagi ng Maynila ang bangkay upang mailigaw ang imbestigasyon. Positibo ring kinilala ni Thea ang suot ng mister na berdeng t-shirt na may tatak pa ng ‘Aero 1897 Surf’ at checkered na shorts. capricorn
Posted on: Wed, 14 Aug 2013 16:56:13 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015