35¢ bawas singil ng Meralco (Nonnie Ferriol) Magkakaroon ng - TopicsExpress



          

35¢ bawas singil ng Meralco (Nonnie Ferriol) Magkakaroon ng pagbaba ng singil sa kuryen­te na kabuuang 35¢ ang Manila Electric Company (Meralco) ngayong buwan ng Agosto o P70 sa bill ng typical household na kumukonsumo ng hanggang 200 kilowatt hour (kWh). Sinabi ng Meralco, na sanhi ito ng pagbaba o pagkakaroon ng downward adjustment sa ge­neration charge at iba pang components ng electricity bill. Ayon sa Meralco, ang generation charge ay bumaba ng hanggang 28¢ kada kWh kung saan mula sa dating P5.33 per kWh ay naging P5.05 per kWh na lamang ngayon. Halos ito umano ang pinakamababang level na naabot nito simula noong Mayo 2011. Bunga naman ito ng P5.27 per kWh reduction sa halaga ng kuryente na mula sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM). Bukod dito ay bumaba rin ang spot market prices dahil sa pagbaba ng demand sa kuryente na sanhi naman ng pag-ulan sa mga nakalipas na araw, na nagpadagdag rin ng output mula sa mga hydroelectric plants. admin xcrid
Posted on: Thu, 08 Aug 2013 23:19:21 +0000

Trending Topics




© 2015