A-10-TION: WORTH READING specially s mga SINGLE so please take - TopicsExpress



          

A-10-TION: WORTH READING specially s mga SINGLE so please take time to read,:) Relationship status: SINGLE PA RIN! Ok.... Maganda ka, Matalino, May career. Ika nga ni Vice Ganda “Ikaw na ‘Te!” Pero bakit sa dalawang libong FB male friends mo, isama mo pa ‘yung sa dating Friendster account mo, wala ni isa. Uulitin ko: WALA NI ISANG LALAKI ang nagtangkang baguhin ang relationship status mo!! Sumpa?? Kulam? O baka dahil sa limang kadahilanan. 1) Closed-minded: -- Pinanganak ka at nag-aral para lamang sa doktor, abogado o engineer. Pwede na rin daw manager sa bangko o pulitiko sabi ng nanay mo. Naniniwala kang ang pag-aasawa ang mag-aahon sa everyday instant noodles na ulam mo. Hindi masama ang mangarap. Ang sabi nga, you deserve the best. Pero sa kakaantay mo sa doktor na pinapantasya mo, dumaan na pala ung nurse na prince charming mo..... Ano ka? Single pa rin! 2) High Standards: -- Kung hindi mo naman kamukha si Angelina Jolie, walang dahilan para dapat kamukha ni Brad Pitt ang maging boyfriend mo! Relationships that last a long time are not based on physical attraction.... Dahil sa panahon ngayon, lahat pwede na. Maputlang bampira sa mortal halimbawa. Oo nga at normal na ung ‘ideal guy’, but DON’T use this as a basis for rejecting people. Give everyone a chance to know them well. Sa kakataas mo ng standard, ano ka? Single pa rin! 3) Bitter: -- Ampalaya. Ilang beses mo mang ipagsigawan ang ‘I love me, who needs men?” status, wa epek! Hindi nito maitatago ang katotohanan. Lahat naman tayo dumaan na dyan. Break ups. Broken-hearted. Pagpapakulam ng ex. Planong pag pigil huminga. Nag-cross my heart hope to die na hindi na talaga mai-inlove. But remember, not all guys are out to break your heart. Hindi mo makikita ang para sa’yo kung pilit mo pa ring sinisilip ang FB account ng ex mo.!Let go..... Sa kaka-unfriend, friend, unfriend..friend mo sa kanya.. ano ka ngayon? Single pa rin! 4) Desperate: -- Ano kayang bagay sa maroon fushia pink with lavander na shoes? Ilang anak ang gusto mo? Maganda siguro ang baby powder stardust yellow para tiles sa kusina noh? Maniwala ka man o sa hindi, lahat ng lalaki hindi yan ang nasa isip sa FIRST CHAT ninyo. Ano ngayon kung malapit ka ng mawala sa kalendaryo? Ubos na lahat ng single batch mo.... Ninang ka sa lahat ng anak ng mga ka-edad mong pinsan. Relax. Be cool. Desperate women are the last thing a guy wants.... Dahil habang iniisip mo kung ilang abay ang kukunin sa “future” wedding nyo, sumisibat na ang potential manliligaw mo. Ano ka ngayon? Single pa rin! 5) Right Person: -- Kung hindi ka sa apat na dahilan nabibilang, wag kang mabahala, eto ang para sayo: Sagot ng kaibigan mo at ng suki mong manghuhula sa Quiapo….DESTINY.Bawat kaldero may nakalaang takip. Finding the right person daw just happens when you least expect it. Bente ka man o kwarenta. ‘Yun ay kung ititigil mo ang kakaabang sa daily horoscope mo. Wala dyan ang sagot kung bakit single ka parin! Ayon sa msnbc, “SINGLE PEOPLE MAY DIE YOUNGER, new study finds”… -nyahaha!!..lag0t nah...sge na mga teh!!.,kung ayaw nio matigok ng maaga edi mag isip2 nah!!.,:D
Posted on: Thu, 08 Aug 2013 05:00:54 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015