A Poem for Linggo ng Wika in August INQ7.netFirst Posted 18:08:00 - TopicsExpress



          

A Poem for Linggo ng Wika in August INQ7.netFirst Posted 18:08:00 07/18/2006As an OFW, I have observed culture, food, place, and environment in Asia and in Europe on my travels. I?m writing about them in Tagalog poetry intentionally, to commemorate Linggo ng Wika (Language Week) in August, and also to greet my wife Naomi and two sons Nikko and Marco, the inspirations for this creation. Manlalakbay Bilang paggunita sa Linggo ng WikaInihahandog ko itong munting tula.Inyong punuan, kung kulang ang diwa,Abang linkod ninyo’y di tunay na makata. Kundi manlalakbay sa agos ng panahon,Panahong ginugugol sa trabaho maghapon.Sa aking opisyo maraming naging hamon,Sa trabaho, paglalakbay ang pagkakataon Na aking marating kay raming ibang bansaAng ilan ay sa Asya ang iba naman sa Europa, Naranasan at nalaman ang maraming kultura At ibang mga lugar sa ating bayan nakumpara. Karanasan at Obserbasyon Doon sa Thailand kulturang naranasanng mga taong lubos kung gumalang, Daop palad silang yuyuko sa harapanKay init ng pagtanggap sa isang kaibigan. Pagkaing kay sarap kahit may kaanhanganSa kilalang tomyum ang sili’y lumulutang.Gigiti ang inyong pawis pag inyong natikmanSabay sipol ng matinis sa tindi ng anghang! Tulad ng Korea at ng bansang Japan,Kay ganda ng tanawin, sadyang kaayaaya. Panahon ng taglamig, blossom tree makikitaMga puting bulaklak, busilak at kay ganda. Hong Kong na tinaguriang lunsod pamilihanKay daming turista ang doon pumipisan.Dito rin makikita ang maraming kababayanNa nagtatrabaho at nakikipagsapalaran. Maliit ang Singapore ngunit bansang kay yaman, Kay linis ng paligid, displina ay kay inam.Ibat’ ibang lahi dito at kultura ay matatagpuan -Chinese, Malay, at marami ring Indian. Nang marating ko ang bansang Indonesia,Diwa ko’y napukaw sa aking nakita.Bansang Pilipinas ay aking naalala, Dahil sa sitwasyong halos magkapara. Sa isang bansang kay gulo ako rin napadpad,Pakistan kung tawagin, ang taong mabalbas,Kasuutang kay haba, ang amoy ay maaskadMarumi ang paligid, pulang lura ay namalas. Sa tatlong linggong pagpisan, ako dito nagtiis,Lagi na lang may kaba tuwing ako ay aalis.Mula gusaling tirahan hanggang sumapitSa lugar na kay layo at sabana ang paligid. Doon sa New Zealand, akin ring napuntahanLugar na kay lamig, nagyeyelong bundukan.Ang mag ice skiing dito?y aking nasubukanAt water rafting, sa speedboat nakalulan. Adventure na kay ganda doon sa SwitzerlandTanyag na Mt. Pilatus ay aking nasumpungan,Ang umakyat sa tuktok, 7 libong talampakan,Halos langit ay maabot sa kaligayahan. Mga lugar sa bansang China na aking narating: Shanghai, Guangzhou, Guandong at Shenshen. Sa Guandong SARS at bird flue ay nanggaling,Sa awa ng Diyos, wala akong naging suliranin. Sa Hanoi, Vietnam nama ay namalas ang kahiparanNg mga mamamayang magsaka ang kabuhayan Lugar na kay lungkot at halos kabukiran,Maliliit na gusali sa kalyehong walang buhay. Ngunit sa kabila ng kanilang kahirapan,Napansin ko kanilang tiyaga at kabaitan. Tahimik ang paligid at walang kaguluhan,Dayuhan ka man dito, seguridad ay kay inam. Mga lahing puti namang nakasalamuhaDoon sa Europa at iba’t ibang dako sa Asya,Mapagmataas at mapanghamak na ugali ay napunaPag kaharap ang pango, singkit at kayumanggi ng Asya. Paalala sa Linggo ng Wika Ngunit marami rin akong napapansinSa mga Pilipino sa labas ng bansa natin -Halos talikuran na ang kultura at wikang angkin,Masalimuot na dahilan nito ay mahirap arukin. Kaya’t sa kapwa Pilipino ang payo ko lamang,Ang sariling wika ay huwag niyong kalilimutan.Saang dako ka man, dapat mong igalangAng diwa at dila ng lahing pinagmulan. Sa ating paggunita ng Linggo ng Wika,Inyo pa bang naaalala mga bayani ng bansa?Si Francisco Baltazar, ama ng ating tula,Dala ay kasaysayan nitong Inang Bansa. Tandaan din ang pangaral at halimbawaNi Dr. Jose Rizal na noon ay nagwika, Ang hindi magmahal sa sariling wika,ay higit pa sa hayop at malansang isda?. Ronillo A. Luciano([email protected])
Posted on: Wed, 31 Jul 2013 14:36:24 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015