A RUSTY GOLD (A real becoming fake) Ano nga ba ang ibig sabihin - TopicsExpress



          

A RUSTY GOLD (A real becoming fake) Ano nga ba ang ibig sabihin ng isang tunay na kaibigan ? Ano nga ba ang papel nila sa ating buhay? Sa araw araw na akoy nakakasalamuha ng mga bagong kaibigan ay mas lalo kong nakikilala ang aking sarili. At sa araw araw din na iyon, ay iilan lamang sakanila ang tinuturing kang isang kaibigan. Napakasaya kapag nakikita mong masaya sila sa piling mo at nagtutulungan kayo sa hirap at ginhawa , sa libog at sarap, sa romansa at landian at higit sa lahat sa LIGAYAT KALUNGKUTAN. Pero hindi ko lubos isipin na magbabago ang lahat ng iyon ng dahil sa hindi pagkumbida sakin sa kaarawan ng isa kong tinuring na tunay na kaibigan. Ang sakit sakit na hindi niya ako naalala, samantalang lagi ko naman siyang kasa kasama. At ang mas masakit pa dun ay nung nalaman ko yung dahilan niya na, TEXT TEXT DIN KASI PAG MAY TIME . Mula noon ay nag inarte na ang aking damdamin. Ipinilit na isilid ito sa isang sulok kung saan ay walang nakakakita, walang nakakarinig at walang nakakaramdam. Kung kayat minabuti kong hindi siya pansinin at kausapin. At hanggang ngayon ay sa tinginan lang kami nag uusap. Ako ba ang mali? At may pagkukulang sa pagkakaibigan namin? Nakakatampo kasi talaga. Ako talaga yung tipo ng tao na maramdamin at sensitibo kung kayat maliit na bagay ay lumalaki at nawawalan ng sentimiyento. Bakit ganun ? Kung sino pa yung tinuturing mong mga TUNAY NA KAIBIGAN, sila pa tong KUMAKALIMOT SAYO NG TUNAY? Ako po ba ang dapat na gumawa ng unang hakbang upang magkaayos kami? O maghihintayan na lang kami sa wala? MR. FRIENDLY Mula sa KOLEHIYO NG MAAARTET MAHAHAROT
Posted on: Sun, 24 Nov 2013 07:32:10 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015