ANG ANUMANG KASUNDUAN NG MAG-ASAWA NA MAGHATI SA GASTOS NG - TopicsExpress



          

ANG ANUMANG KASUNDUAN NG MAG-ASAWA NA MAGHATI SA GASTOS NG ANNULMENT OF MARRIAGE O ANUMANG KUTSABAHAN UPANG IPAWALANG BISA ANG KANILANG KASAL AY INVALID, WALANG EPEKTO AT PINAGBABAWAL NG BATAS. ANG PAGKAKADISKUBRE NG FISCAL O PUBLIC PROSECUTOR NG KASUNDUAN NG MAG-ASAWA NA MAGHATI SA GASTOS NG ANNULMENT OF MARRIAGE O ANUMANG KUTSABAHAN AT ANY STAGE OF THE PROCEEDING NG ANNULMENT OF MARRIAGE AY PWEDENG MAGING DAHILAN NG DISMISSAL NG PETITION O PAGBABASURA DITO NG KORTE. Maraming nagtatanong sa E-Lawyers Online kung pwede daw ba nilang pwersahin sa korte o papirmahin ang asawa nila o dati nilang asawa na sila ang magbayad ng gastos sa annulment of marriage o kaya ay maghati sila sa gastos sa nasabing proseso. Ito ang mga tanong nila: "Atty., dahil kasalanan naman ng mister ko na nambabae siya, pwede ko ba siya pwersahin sa korte na siya ang magbayad sa lawyer na hahawak ng annulment of marriage ko?" "Nagkasundo na kami ng ex-wife ko na ipawalang bisa ang kasal namin, pwede ba kami magpirmahan na kami ay maghahati sa gastos ng proseso ng annulment?" Nasa Article 2035 ng New Civil Code na hindi valid at hindi pwede magkasundo ang mag-asawa o mag compromise o magpirmahan para sa pagbabago ng civil status nila o na mawala ang bisa ng kasal nila o magkasundo sa ground ng legal separation. Ang batas na ito ang basehan ng korte na ipagbawal ang anumang pirmahan ng mag-asawa sa pagpapawalang bisa ng kasal nila at sabwatan ng mag-asawa sa annulment. Nasa Article 48 ng Family Code ay nasasaad na sa annulment of marriage o declaration of absolute nullity of marriage on the ground of psychological incapacity, ang Korte kung saan nakafile ang kaso ay uutusan ang Fiscal para mag-appear sa kaso in behalf of the Republic of the Phils at gumawa ng hakbang upang maiwasan ang pagsubmit ng fabricated evidence ng mag-asawa o pagkutsabahan sa pagpresenta ng evidence. Ang proseso na ito ng batas ay sinisigurado upang protektahan ang kasagradohan ng kasal na inuutos ng ating Saligang Batas. Kung malaman ng fiscal na merong sabwatan sa mag-asawa, ang petition for annulment ay madidismiss at hindi na muling maiisampa pa. Kung kaya ang taong magfile ng annulment ay maingat dapat sa kanyang mga gawain upang hindi madismiss ang annulment na isinampa. Kung kaya, bago magsimula ang Korte na mag-hearing at mag-trial, ang Fiscal ay pinapatawag ang petitioner o nagsampa ng kaso at ang respondent upang mag-imbestiga kung merong collusion o kutsabahan ang mag-asawa sa pagsampa ng annulment. Kung ayon sa imbestigasyon ay walang kutsabahan ang mag-asawa sa annulment, ang Fiscal ay mag-iissue ng Certificate of Non-Collusion at magpapatuloy ang trial. Kung merong kutsabahan ang mag-asawa na nakita ang Fiscal katulad ng pagkakadiskubre o pag-amin ng nagsampang asawa o sinampahang asawa na meron na silang kanya-kanyang kasintahan o kinakasamang bagong asawa, siya ay mag-issue ng Certificate of Collusion at mag-file ng mosyon para madismiss ang annulment. Gaya ng nasabi sa itaas, ang pagkakaroon ng kasunduan ng mag-asawa na maghati sa gastos ng annulment of marriage at anumang kasunduan at kutsabahan ay pinagbabawal ng batas. Ang pagkakadiskubre ng fiscal o public prosecutor ng pagkakaroon ng kasunduan ng mag-asawa na maghati sa gastos ng annulment of marriage at anumang kasunduan at kutsabahan sa pagpapawala ng bisa ng kasal ay pwedeng maging dahilan ng pagakadismiss ng annulment of marriage o pag-disapprove ng petition for annulment of marriage ng korte. Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa annulment of marriage at kailangan na mga dokumento nito, register at my website at e-lawyersonline. Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link facebook/E.Lawyers.Online. All copyright of this post is reserved by Atty. Marlon P. Valderama and E-Lawyers Online. Sharing is allowed provided the author is acknowledged and clearly indicated.
Posted on: Fri, 05 Jul 2013 08:07:43 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015