ANG DIVORCE NA KINUHA NG ISANG FILIPINO SA ABROAD O IBANG BANSA AY - TopicsExpress



          

ANG DIVORCE NA KINUHA NG ISANG FILIPINO SA ABROAD O IBANG BANSA AY WALANG EPEKTO SA PILIPINAS. KUNG MAGKAKAROON MAN NG DIVORCE LAW SA PILIPINAS, WALANG PA RING EPEKTO ANG DIVORCE NA KINUHA SA ABROAD NG ISANG FILIPINO DAHIL ANG PROSESO NA PAGPAPAWALA NG BISA NG KASAL NA RECOGNIZE O MAY BISA AY ANG PROSESO NA KINUHA NG FILIPINO SA ILALIM NG BATAS NG PILIPINAS AT HINDI SA ILALIM NG BATAS NG IBANG BANSA DAHIL TAYO AY SUMUSUNOD SA NATIONALITY RULE. ANUMAN PROSESO NA MAKAKAAPEKTO SA FAMILY RIGHTS, DUTIES, STATUS, CONDITION O LEGAL CAPACITY NG ISANG FILIPINO KAHIT SIYA AY NASA ABROAD, ANG BATAS NG PILIPINAS PA RIN ANG APPLICABLE AT MANANAIG AT HINDI ANG BATAS NG IBANG BANSA. May nag private message sa E-Lawyers Online kung saan sa isang bansa na may nagconvince sa kanila na magfile ng divorce sa bansa na kanilang kinalalagyan para magamit ito sa Pilipinas at makapag-asawang muli. Dahil dito ay maraming nagtatanong sa E-Lawyers Online na mga OFW na nasa abroad kung pwede na daw ba silang kumuha ng divorce sa ibang bansa? Pinapayuhan ko ang mga OFW na nasa abroad na huwag silang kumuha ng divorce sa ibang bansa dahil sayang lang ang pera nyo. Ang divorce na kinuha ng isang Filipino sa abroad o ibang bansa ay walang epekto sa Pilipinas. Kung magkakaroon man ng Divorce Law sa Pilipinas, wala pa ring epekto sa Pilipinas ang divorce na kinuha ng Filipino sa abroad/ibang bansa dahil ang divorce na recognize o may bisa ay ang divorce na kinuha ng Filipino sa ilalim ng batas ng Pilipinas at hindi sa ilalim ng batas ng ibang bansa. Ang Personal and Family Law ng Pilipinas ay based sa Nationality Rule o Nationality Theory na nasa Article 15 ng New Civil Code natin na “laws relating to family rights and duties, or to the status, condition and legal capacity of persons are binding upon citizens of the Philippines, even though living abroad." Ibig sabihin, ang batas ng Pilipinas tungkol sa karapatan at obligasyon sa pamilya, estado, kundisyon at kapasidad na legal ay nakatali o nakakabit o applicable sa lahat ng Filipino kahit sila ay nakatira sa ibang bansa. Kahit nasaan ka mang panig ng mundo, kung ang status mo sa Pilipinas o bilang Filipino ay “married” ay considered na married ka pa rin saan ma at Philippine courts lang ang pwede magpawalang bisa ng kasal mo. Dahil ang batas ng Pilipinas ay sumusunod sa Nationality Rule o Theory, anumang divorce ang kinuha ng isang Filipino sa ibang bansa ay walang epekto sa Pilipinas at considered na kasal pa rin ito. Ang divorce decree na kinuha sa ibang bansa ng isang Filipino ay hindi irerehistro ng National Statistics Office (NSO) dahil ito ay walang bisa sa batas ng Pilipinas. Kung magkaroon man ng Divorce Law sa Pilipinas, aside from the divorce under Presidential Decree No. 1083 otherwise known as the "Code of Muslim Personal Laws of the Philippines", ito lamang divorce na ito ang irerecognize ng Philippine law. Kung kaya ang divorce na kinuha ng mag-asawang Filipino o isang Filipino sa ibang bansa ay walang bisa. Ito ay pinagbabawal din sa Article 17 ng New Civil Code kung saan sinasabi na "prohibitive laws concerning persons, their acts or property, and those which have, for their object, public order, public policy and good customs shall not be rendered ineffective by laws or judgments promulgated, or by determinations or conventions agreed upon in a foreign country." Ibig sabihin nito na ang batas ng Pilipinas ay hindi pwedeng mabalewala ng anumang batas o desisyon ng korte o napagkasunduan sa ibang bansa. Kung gusto nyo magtanong ukol sa divorce o annulment of marriage, register at my website at e-lawyersonline. Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link facebook/E.Lawyers.Online. All copyright of this post is reserved by Atty. Marlon P. Valderama and E-Lawyers Online. Sharing is allowed provided the author is acknowledged and clearly indicated.
Posted on: Sat, 20 Jul 2013 11:11:06 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015