ANG ILLEGITIMATE CHILD AT LEGITIMATE CHILD AY WALANG KARAPATAN NA - TopicsExpress



          

ANG ILLEGITIMATE CHILD AT LEGITIMATE CHILD AY WALANG KARAPATAN NA MAGMANA SA ISAT-ISA DAHIL SA "IRON BAR RULE" NA TINALAGA NG BATAS. ANG IRON BAR RULE AY ANG BATAS NA NAGPIPIGIL VICE-VERSA NA KUMUHA NG MANA ANG ILLEGITIMATE CHILD SA ARI-ARIAN NAIWAN NG LEGITIMATE CHILD EXCEPT KUNG ITO AY NAKALAGAY SA LAST WILL AND TESTAMENT. KUNG KAYA ANG ILLEGITIMATE CHILD AY HINDI PWEDENG MAGMANA BY LEGAL SUCCESSION SA LEGITIMATE CHILD NG KANYANG MAGULANG O SA MGA KAMAG-ANAK NITO AT GANUN DIN ANG LEGITIMATE CHILD NG KANYANG MAGULANG O MGA KAMAG-ANAK NITO AY WALA RING KARAPATAN NA MAGMANA SA ILLEGITIMATE CHILD. May mga nagtatanong sa E-Lawyers Online kung paano ba hahatiin ang mga property o ari-arian na naiwan ng kanilang half-brother or half-sisters at sino ba dapat ang magmamana nito. Ito ang isang tanong ng isang reader ng E-Lawyers Online: "Attorney, ang kapatid ko ay single ng namatay at naiwan niya ang isang house and lot, bank deposits at 2 kotse. Meron kami half-brother na pinatira niya sa bahay at ngayon ay nag-claim na may parte daw siya sa mana galing sa kapatid ko. Tama po ba yon?" "Atty., illegitimate child po kami na 2 magkapatid at namatay po sa USA ang kapatid ko. Sino po ang may karapatan na tumanggap ng mana, ako po ba? or kaparte ko ang mga half blood sisters namin na nasa USA din? Sila po ay mga lehitimong anak po ng father namin." Although sila ay magkakadugo dahil sila ay half-brothers/half-sisters, ang illegitimate child ay walang karapatan na magmana sa mga ari-arian na naiwan ng legitimate child at ang legitimate child ay walang karapatan na magmana sa mga ari-arian na naiwan ng illegitimate child. Sa legal succession o pagmamana sa ari-arian ng isang taong namatay ng walang naiwan na last will and testament, ang legitimate at illegitimate family ay meron tinatawag na “Iron Bar Rule”. It ay nakalagay sa Article 992 ng New Civil Code “an illegitimate child has no right to inherit ab intestato from the legitimate children and relatives of his father or mother; nor shall such children or relatives inherit in the same manner from the illegitimate child.” Sinasabi sa “Iron Bar Rule” na ang illegitimate child ay walang karapatan na magmana by legal succession sa legitimate child o sa mga kamag-anak niya at ganun din ang legitimate child at mga kamag-anak niya ay walang karapatan na magmana sa ari-arian ng illegitimate child. Pwede lang magmana ang legitimate child sa illegitimate o vice versa kung nakasulat sila sa last will and testament, ngunit kung walang last will and testament, ang "Iron Bar Rule" ang mag-apply. Kung gusto nyo magtanong tungkol dito o magkaroon ng assessment ng inyong kaso o para sa private and confidential na online legal consultation, register at my website at e-lawyersonline. Bumisita at makipag talakayan sa aking Facebook Page. Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link ng aking Facebook page facebook/E.Lawyers.Online. All copyright of this post is reserved by Atty. Marlon P. Valderama and E-Lawyers Online. Sharing is allowed provided the author is acknowledged and clearly indicated.
Posted on: Fri, 05 Jul 2013 07:59:10 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015