ANG ISASAGOT SA “Jazaak Allaahu khayran” TANONG: May - TopicsExpress



          

ANG ISASAGOT SA “Jazaak Allaahu khayran” TANONG: May ilang tao na sumasagot ng “Aameen, wa iyyaak” ( na ibig sabihin ay “Aameen, at sa iyo rin”) matapos na may mag-dua para sa kanila ng “Jazaak Allaahu khayran” (“gantimpalaan ka nawa ni Allaah ng mabubuting bagay”). Ito ba ay BIDA kung palagiang babanggitin? SAGOT ni Shaykh Muhammad ‘Umar Baazmool, instructor sa Umm Al-Quraa University sa Makkah Maraming salaysay na nagmula sa mga Sahaba ni Propeta Muhammad (sallallaahu ‘alayhe wa sallam), at ang mga ito ay paglalarawan ng mga ginawa ng mga tao na may kaalaman. Sa mga salaysay na ito, sinabi sa kanila, “Jazaak Allaahu khayran,” at walang malinaw na nabanggit na sumagot sila ng “Aameen, wa iyyaakum.” Dahil dito, sa ganang akin, ang tao na kumakapit sa kataga na , “Aameen, wa iyyaakum,” matapos na mayroong mag-dua para sa kanya, hindi lamang ng “Jazaak Allaahu khayran,” ay nakagawa ng pagdaragdag sa relihiyon (BIDA). Sa ganitong katulad na pagkakataon, maaaring gamitin ng mga Muslim ang ganitong kataga, ngunit hindi palagian, at maaari rin nila itong iwasan kung minsan, ngunit hindi maari na ito ay palagian nilang gamitin na tila ba ito ang Sunnah ng Propeta (sallallaahu ‘alayhe wa sallam), at si Allaah ang Higit na Nakakaalam. This was translated exclusively for bakkah.net from a cassette recording with the knowledge and permission of the shaykh, file no. AAMB021, dated 1423/7/18.
Posted on: Sun, 27 Oct 2013 08:38:43 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015