ANG JUDICIAL DECLARATION OF PRESUMPTIVE DEATH O PAGDEKLARA NA - TopicsExpress



          

ANG JUDICIAL DECLARATION OF PRESUMPTIVE DEATH O PAGDEKLARA NA PATAY NA ANG ISANG TAO AY KAILANGAN NA PATUNAYAN NA MAY MATIBAY AT MATATAG NA PANINIWALA ANG ASAWA NA ANG KANYANG ASAWA AY PATAY NA AT SIYA AY NAGSAGAWA NG MASIKAP NA PAGHAHANAP SA ASAWA KATULAD NG PAG-PUBLISH SA MGA NEWSPAPER AT IBA PA. KUNG ANG ASAWA AY MAY KOMUNIKASYON O KAALAMAN NA BUHAY ANG ASAWA NIYA, ANG KORTE AY HINDI AAPROBAHAN ANG PETITION. ANG JUDICIAL DECLARATION OF PRESUMPTIVE DEATH O PAGDEKLARA NA PATAY NA ANG ISANG TAO AY HINDI ISANG URI NG ANNULMENT OF MARRIAGE. ITO AY ISANG PROSESO SA KORTE NA KAKAIBA ANG EPEKTO SA ANNULMENT OF MARRIAGE. Marami ang nagtatanong sa E-Lawyers Online kung ang judicial declaration of presumptive death ba ay isang uri ng annulment of marriage at kung ano ba ang requirement nito. "Attorney, may nakapagsabi sa akin na mas madali ang proseso ng presumptive death kesa sa annulment of marriage. Ang asawa ko po ay nasa Saudi at may pamilya na doon ngunit hindi ko alam kung saan sa KSA. Pwede ba akong magfile ng ganon na proseso?" Ano ang tinatawag na judicial declaration of presumptive death na usually na naging basehan sa pag-aasawang muli? Sabi sa batas na "death extinguishes civil personality" at ang kamatayan ng asawa ay nagbibigay ng karapatan sa naiwang asawa na mag-asawang muli. Kung ang asawa ay may matibay at matatag na paniniwala na patay na ang kanyang asawa at pagkatapos niya na magsagawa ng masikap na paghahanap dito, pwede siyang humiling sa korte na ideklara na patay na ang kanyang asawa. Ayon sa Article 41 of Family Code ay nagsasaad na ang isang kasal na ginanap habang umiiral ang naunang kasal ay hindi epektibo o null and void. Pero kung ang ikalawang marriage ay ginanap pagkatapos makakuha ng final na decision sa judicial declaration of presumptive death, ang nasabing kasal ay valid at hindi siya makakasuhan ng bigamy subject sa re-appearance ng nawawalang asawa. Ngunit kung wala ang judicial declaration of presumptive death at nagpakasal kayo, pwede ka makasuhan ng bigamy ng gobyerno. Ang isang tao na kasal ay pwedeng i-declare ng korte under a summary procedure, na patay na (presumptive death) at payagan ang naiwang asawa na magpakasal muli kung ang nasabing asawa ay nawawala o walang balita na buhay pa siya sa loob ng apat na taon mula sa huling pagkakakita sa kanya na buhay siya. Ang proseso ng judicial declaration of presumptive death ay nagsisimula sa pagsasampa ng petisyon sa Regional Trial Court kung saan residente ang nagsampa for six months at patutunayan niya sa korte na gumawa siya ng lahat ng effort o pagpapagod upang hanapin o matagpuan ang asawa niya ngunit hindi niya ito matagpuan. Kailangan niya rin magpresenta ng ibang witnessess kung saan sila ay magbibigay ng testimoniya na malamang na ang nasabing asawa ng nagsampa ay patay na. Sa isang kaso sa Supreme Court sa Republic vs. Granada, G.R. No. 187512, June 13, 2012, sinabi dito na ang "mere suspicion" ng asawa na patay na ang asawa niya ay hindi sapat para i-deklarang patay na ito dahil required ng batas na mag exert ng diligent effort ng paghahanap katulad ng pagpunta sa Consular Office ng bansa upang alamin ang lagay ng asawa sa Taiwan o kaya ang paggamit ng mass media tulad ng pagpublish ng newspaper upang makita ang nawawalang asawa. Kung ang pagkawala ay bunga ng paglubog ng sinasakyang barko o pagbagsak ng eroplano, o bunga ng pagiging isang military na sumabak sa military operation, o siya ay abducted or nakidnap at walang balita sa kanya o iba pang situation kung saan mataas na posibilidad ang pagkamatay, two (2) years ay sapat na to declare the presumption of death ng nawawalang asawa ng korte. Lastly, ang judicial declaration of presumptive death ay iba o different sa annulment of marriage. Ang decision ng isang annulment of marriage ay PERMANENTE sa mag-asawa, sa mga anak at sa mga ari-arian. Ang epekto ng pagkawala ng bisa ng kasal sa judicial declaration of presumptive death ay TEMPORARY dahil kung ang sinumang tao ay nagsumbong o nagsuplong sa otoridad na buhay pa ang nawawalang asawa at nag-submit ng affidavit of reappearance ng nawawalang asawa, ang presumption of death is automatically terminated at ang ikalawang kasal bunga nito ay immediately voided o automatic na mawawala ang bisa nito, at babalik sa dating relationship ang mag-asawa sa unang kasal. Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa judicial declaration of presumptive death at ang tamang proseso, register at my website at e-lawyersonline . Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link facebook/E.Lawyers.Online All copyright of this post is reserved by Atty. Marlon P. Valderama and E-Lawyers Online. Sharing is allowed provided the author is acknowledged and clearly indicated.
Posted on: Mon, 15 Jul 2013 12:14:38 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015