ANG KAWALAN NG BIRTH CERTIFICATE O KAWALAN NG ACKNOWLEDGMENT OF - TopicsExpress



          

ANG KAWALAN NG BIRTH CERTIFICATE O KAWALAN NG ACKNOWLEDGMENT OF PATERNITY SA BIRTH CERTIFICATE AY HINDI HADLANG PARA MAPATUNAYAN ANG RELASYON NG ANAK SA KANYANG MAGULANG AT PAGKUHA NG KARAPATAN SA SUPORTA AT MANA. ANG BIRTH CERTIFICATE AY ISA LAMANG SA MGA EBIDENSIYA NG RELASYON NG ANAK SA KANYANG MAGULANG DAHIL ANG RELASYON NG ANAK SA KANYANG MAGULANG AY PWEDENG PATUNAYAN NG IBANG EBIDENSIYA KATULAD NG IBANG DOKUMENTO O TESTIMONYA NA NAGPAPAKITA NA ANG BATA AY TINURING O INAKO NA ANAK NG ISANG TAO. May nagprivate message sa E-Lawyers Online dahil sa problema niya na hindi daw siya makakahingi ng suporta sa anak niya dahil wala daw acknowledgment of paternity o pirma ang tatay ng anak niya sa birth certificate. Akala ng iba na ang kawalan ng birth certificate ng bata o kawalan ng acknowledgment of paternity o pirma ang tatay ng anak niya sa birth certificate ay hindi na pwede humingi ng suporta at mana. Ganito ang question niya: "Attorney, magandang araw po, hindi po kami kasal ng tatay ng anak ko at walang acknowledgment of paternity o pirma ang tatay ng anak niya sa birth certificate ng anak ko, pwede po ba ako humingi ng suporta at later on kung mamatay siya ay makakuha ng mana ang anak ko sa kanya?" Ang kawalan ng acknowledgment of paternity o pirma ang tatay ng anak niya sa birth certificate ay hindi nangangahulugan na walang relasyon ang bata at ang magulang. Maraming paraan na nasa Family Code at Rules of Court na patunayan ang relasyon ng bata sa kanyang ama at hindi lang ang birth certificate niya. Nasa Article 172 ng Family Code na pwedeng patunayan ang relasyon ng anak sa tatay/nanay sa pamamagitan ng: (1) Birth Certificate ng bata o final judgment/decision ng korte na nagpapatunay ng relasyon; or (2) Ang pag-amin ng magulang sa public document or a private handwritten instrument and signed by the parent concerned. Bilang example nito ay kung nilagay sa SSS o iba pang government document ng tatay bilang beneficiary at dependent ang bata o kaya ang Christmas Card, letters at iba pang dokumento na may pirma ang tatay at inaako ang bata na anak niya. Kung wala ito, pwedeng gamitin ang mga testimoniya at mga evidence ng (1) The open and continuous possession of the status of a legitimate child; Testimoniya ng kapitbahay na araw-araw nakikita ang bata na dinadalaw ng tatay o kaya ng mga teachers. (2) Any other means allowed by the Rules of Court and special laws. Mga official family tree, picture ng family reunion, video o speech na inaako niya ang anak niya at iba pa. Kung kaya hindi reason sa pagtanggi ng suporta o hindi pagbibigay ng mana sa bata dahil lamang sa kawalan ng pirma ng tatay sa birth certificate ng bata. Ang tatay o ama na hindi nagsusuporta sa anak, kasal man o hindi, ay pwede ng kasuhan ng economic abuse under Republic Act No. 9262 otherwise known as Anti-Violence Against Women and their Children Act. Ito ay isang criminal case. Kung gusto nyo magtanong ukol sa pagpapatunay ng paternity o filiation, register at my website at e-lawyersonline . Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link facebook/E.Lawyers.Online. All copyright of this post is reserved by Atty. Marlon P. Valderama and E-Lawyers Online. Sharing is allowed provided the author is acknowledged and clearly indicated.
Posted on: Sat, 14 Sep 2013 10:40:11 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015