ANG PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS SA BANAL NA MISA SA LINGGO, - TopicsExpress



          

ANG PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS SA BANAL NA MISA SA LINGGO, NOBYEMBRE 10, 2013 UNANG PAGBASA> Mula sa Ikalawang Aklat ng Macabeo, Kabanata 7:1 Sa isa namang pagkakataon, isang ina at ang kanyang pitong anak na lalaki ang ipinahuli ng hari. Silay pinahirapan para piliting kumain ng karneng baboy na ipinagbabawal ng Kautusan. 2 Isa sa mga anak ang nangahas tumayo at nagsalita, Ano ba ang nais ninyong mangyari sa pagpapahirap sa amin? Matamis pa sa amin ang mamatay kaysa lumabag sa mga kautusan ng aming mga ninuno! 9 Ngunit bago namatay, sinabi niya nang malakas sa hari, Kasumpa-sumpang halimaw! Maaari mong kunin ang buhay namin dito sa lupa, ngunit bubuhayin kaming muli ng Hari ng buong daigdig upang hindi na muling mamatay, sapagkat sinusunod namin ang kanyang mga utos. 10 Ganoon ding parusa ang sinapit ng ikatlong anak. Noong siyay utusang ilawit ang kanyang dila, ginawa niya ito agad at walang atubiling iniabot ang kanyang mga kamay. 11 Ganito ang sinabi niya, Tinanggap ko ang mga kamay na ito buhat sa langit. Subalit mas mahalaga para sa akin ang mga utos ng Diyos, at umaasa akong ibabalik niya ang mga kamay ko. 12 Pati ang hari at mga tauhan niyay humanga sa ipinakita niyang tapang ng loob at sa pagiging handa sa pagtanggap ng pagpaparusa nila. 13 Namatay rin ang ikatlong kapatid na ito. Isinunod namang parusahan ang ikaapat sa ganito ring malupit na pamamaraan. 14 Nang mamamatay na, sinabi nito, Akoy maligayang mamamatay sa kamay ninyo sapagkat alam kong akoy muling bubuhayin ng Diyos. Ngunit ikaw, Antioco, ay walang pag-asang mabubuhay uli. PAGNINILAY> Dahil sa pananalig nila sa muling pgkabuhay ng mga namatay, pitong lalaki ang nagpakatatag sa kanilang pananampalataya at hinarap ang pagpapahirap at kamatayan. ANG SALMO>Mula sa Aklat ng mga Awit 17: 1 Pakinggan mo, Yahweh, ang sigaw ng katarungan, dinggin mo ako sa aking kahilingan; dalangin ko sanay iyong pakinggan, sapagkat labi ko namay hindi nanlilinlang. 5 Lagi kong nilalakaran ang iyong daan, hindi ako lumihis doon kahit kailan. 6 Tumatawag ako sa iyo, O Diyos, sapagkat akoy iyong sinasagot; kaya ngayoy pakinggan mo ako at pansinin ang karaingan ko. 8 Akoy bantayan mo, ang paborito mong anak, at palagi mong ingatan sa lilim ng iyong pakpak; 15 Dahil akoy matuwid, ang mukha moy makikita; at sa aking paggising, sa piling moy liligaya. TUGON> Paggising ko, Poong Sinta, sa piling moy magsasaya. ANG IKALAWANG PAGBASA> Mula sa Ikalawang Sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Tesalonica, Kabanata 2: 16 Aliwin nawa kayo ng ating Panginoong Jesu-Cristo at ng ating Diyos Ama na umibig sa atin, at dahil sa kanyang kagandahang-loob ay nagbigay sa atin ng hindi nagbabagong lakas ng loob at matibay na pag-asa. 17 Bigyan nawa kayo ng matatag na kalooban upang maipahayag ninyo at maisagawa ang lahat ng mabuti. Kabanata 3: Ipanalangin Ninyo Kami 1 Mga kapatid, bilang pagtatapos, ipanalangin ninyo kami upang ang salita ng Panginoon ay mabilis na lumaganap at pahalagahan ng lahat, tulad ng ginagawa ninyo. 2 Idalangin din ninyong maligtas kami sa mga taong masasama at walang kinikilalang Diyos, sapagkat hindi lahat ay may pananampalataya sa Diyos. 3 Ngunit tapat ang Panginoon; siya ang magpapatatag at mag-iingat sa inyo laban sa Masama. 4 Dahil sa Panginoon, malaki ang aming pagtitiwala na sinusunod ninyo at patuloy na susundin ang mga itinuro namin sa inyo. 5 Patnubayan nawa kayo ng Panginoon upang lalo ninyong maunawaan na kayo ay mahal ng Diyos at si Cristo ang nagpapatatag sa inyo. PAGNINILAY> Tinitiyak ni Pablo sa mga taga-Tesalonica na tapat ang Panginoon at handang magbibigay sa kanila ng lakas ng loob sa pag-asa sa gitna ng mga panganib. ANG MAGANDANG BALITA NG ATING PANGINOONG JESU-CRISTO AYON KAY SAN LUCAS, KABANATA 20: Katanungan Tungkol sa Muling Pagkabuhay (Mateo 22:23-33)(Marcos 12:18-27) 27 Ilang Saduseo naman ang lumapit kay Jesus. Ang mga ito ay nagtuturong hindi na muling mabubuhay ang mga patay. 28 Sabi nila, Guro, isinulat ni Moises para sa atin ang ganitong batas, Kung mamatay ang kuya ng isang lalaki at ang asawa nitoy maiwang walang anak, siya ay dapat pakasal sa biyuda upang magkaanak sila para sa namatay. 29 Minsan, may pitong magkakapatid na lalaki. Nag-asawa ang panganay at namatay na walang anak. 30 Nagpakasal sa biyuda ang pangalawa, subalit itoy namatay ding walang anak. 31 Ganoon din ang nangyari sa pangatlo hanggang sa pampito; silay isa-isang napangasawa ng babae at pawang namatay na walang anak. 32 Sa kahuli-hulihan poy namatay naman ang babae. 33 Ngayon, sa muling pagkabuhay, sino po sa pito ang kikilalaning asawa ng babae, yamang silang lahat ay napangasawa niya? 34 Sumagot si Jesus, Sa buhay na ito, ang mga lalaki at mga babae ay nag-aasawa. 35 Ngunit sa kabilang buhay, ang mga magiging karapat-dapat sa muling pagkabuhay ay hindi na mag-aasawa. 36 Hindi na rin sila mamamatay sapagkat matutulad sila sa mga anghel. Silay mga anak ng Diyos dahil silay nakabilang sa mga muling binuhay. 37 Maging si Moises ay nagpapatunay na muling binubuhay ang mga patay. Sapagkat sa kanyang kasaysayan tungkol sa nagliliyab na mababang puno, ang Panginoon ay tinawag niyang Diyos ni Abraham, Diyos ni Isaac at Diyos ni Jacob. 38 Kayat ang Diyos ay hindi Diyos ng mga patay kundi ng mga buhay, sa kanyay buhay ang lahat. PANGINILAY> Para sa ating Kristiyano, ang muling pagkabuhay sa langit sa kabilang-buhay ang puso ng ating pananampalatayang Kristiyano. Ang walang-hanggang kapayapaan at kaligayahan sa kabilang buhay ay sabay na kaloob at pananagutan ng mga tao. Ang mga nabuhay sa kasalanan ay mapapahamak habang ang mga nabuhay nang matuwid ay mabibilang sa hanay ng mga banal sa Kaharian ng Diyos. SOURCE> SAMBUHAY dtd Nov 10, 2013
Posted on: Sat, 09 Nov 2013 01:33:10 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015