ANG PASKO AT ANG METRO MANILA FILM FESTIVAL... Simoy Disyembre na, - TopicsExpress



          

ANG PASKO AT ANG METRO MANILA FILM FESTIVAL... Simoy Disyembre na, abala na ang mga Nanay kung ano ang ihahanda ngayong pasko, paunti-unti ay namimili na sila ng ipanreregalo. Sa ilang mga pamilya ng OFW ay excited nang makapiling ng mga Tatay ang kanilang pamilya hanggang bagong taon. Papalapit na ang medyo mahaba-habang bakasyon. Bukod sa mga naglalakihang mga parol at Christmas tree na nakasabit sa daanan at tambayan ng maraming tao, dumarami na rin ang mga mansanas at ubas sa mga tindahan sa palengke. Bahagi na ng Pasko ang Metro Manila Festival, mag-uumpisa ito sa parada ng ibat-ibang mga floats na lulan ang inyong mga paboritong artista at sa kalagitnaan ay may mga mananalong Best Actor, Best Actress, at sa lahat ng mga kategorya, na minsan ay palagiang pinapakyaw nila Christopher De Leon at Eddie Garcia. Magtatapos ito sa mga Top Grossers, ang pinakamaraming perang naipasok sa takilya. Hula ko ang magiging Top Grosser ay ang MY LITTLE BOSSINGS nila Vic Sotto, Ryza at Bimbi, araw-araw kasi ay may publicity ito sa Eat Bulaga, at subok na si Bossing Vic Sotto mula pa kay Enteng Kabesote. Sasali pa ba ang SHAKE, RATTLE AND ROLL? Hindi ko alam kung pang-ilan nang SHAKE RATTLE AND ROLL 14 or 15 na yata eh? Mukhang may PEDRO CALUNGSOD pa, at GIRL BOY BAKLA TOMBOY ni Vice Ganda? BOY GOLDEN yata ang pambato ni Laguna Gov. ER Ejercito, katambal si KC Concepcion. Pinanood ko last year ang EL PRESIDENTE at ASIONG SALONGA naman 2 years ago. Minsan sa mga Awards Night, maraming naiuuwing tropeo ang magandang pelikula pero hindi naman tumatabo sa takilya. Walang awards na nakukuha sila Vic Sotto at Bong Revilla pero pambata ang kanilang mga effects, ginagamitan na rin nila ng mga 3D Animations, kaya karamihan ay bata ang nanood ng kanilang mga pelikula hatak hatak sila Nanay at Tatay. Ang Metro Manila Film Festival ay punong-puno ng drama, katatawanan, iyakan, kakatakutan, komedya, historikal, animahenasyon, barilan, kabaklaan, katomboyan, sampalan, na sumasalamin din sa totoong buhay. Baka sa susunod ay gumawa na sila ng mga pelikulang kagaya ng WATER WORLD, INDEPENDENCE DAY, DANTES PEAK, mga pelikulang tungkol sa mga disasters, bagyo, baha, lindol, hindi na mga SHAKE RATTLE AND ROLL....
Posted on: Mon, 02 Dec 2013 00:44:29 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015